Elthon"Mom, in two days death anniversary na ni dad. Anong plano mo this time?" last year kasi ay nagkita kita kami kung saan nakalibing si dad.
His body lies in here
Sa ibang bansa siya namatay pero gumawa ng paraan si mom para maiuwi ang katawan nito sa Pinas kahit pa tutol ang mga kamag anak nito.
"Ikaw---ano suggestion mo?" balik tanong nito.
"Dito nalang mom. Then let's invite September. We don't get a chance na maka bonding siya last time, right?" Si Lala.
"I like that. I'll cook for her son. So tell her Asap okay" utos ni mom.
"Definitely" sagot ko. I was excited but at the same time, I was worried. About Seph's mom.
-
Seph
"Nay kamusta ka na? May pasalubong ako sayo. Tingnan mo oh. Ang gaganda ng mga damit di ba. Saka may mga prutas din, galing naman yan kay Elthon. Natatandaan mo pa ba siya. Siya yung kasama ko dito minsan. Alam mo nay, mabait siya. Super bait. Sasama sana siya dito kaso may importanteng lakad eh. Sa susunod nalang daw siya bibisita sayo" matatag ako. Yon ang nakatatak sa utak ko. Hindi ako panghihinaan nang loob kahit anong mangyari. Lalaban at lalaban sa mga pagsubok.
Pero sa pagkakataong ito...kahit ano pala ang kumbinsi ko sa sarili ko...na hindi ako bibigay, na hindi ako iiyak, na hindi ako panghihinaan ng loob....hindi ko pala kaya.
Sa isang iglap...heto na siya. Nakahiga sa loob ng kwarto...sa loob ng hospital. May nakakabit na swero, pati ang pagkain nito, sa swero na din pinadadaan, dahil ayaw na nitong tumanggap ng pagkain kahit ano ang gawin ko o ng doctor nito.
Pauwi na kami ni Elthon galing tagaytay ng makatanggap ako ng tawag mula kay Ate Mely. Ang doctor na tumitingin kay nanay sa institusyong tinutuluyan nito.
At doon ko nga nalaman na dinala na ito sa hospital. Bigla daw ang pagbagsak ng katawan nito. Dahil nga mahina ito kumain, humina din ang resistensiya nito.
"Nay, gagawa ako ng paraan gumaling ka lang. Wag mo kaming iiwan ng kuya ha...ikaw nalang ang meron kami nay. Kapit ka lang ha. Mahal na mahal kita. Wag kang susuko dahil hindi kita isusuko. Tandaan mo yan nay. Hinding hindi kita isusuko"
"Seph" Mula sa pintuan ay nakita ko ang papalapit na si Les, kasama si Andrew.
Ito at si Matt ang una kong tinawagan ng malaman ko ang balita. Walang alam si Les sa kalagayan ni nanay. Kaya nagulat ito...at nagalit din dahil sa paglilihim ko.
"Les" Kung pigil ang pag iyak ko kanina. Bumuhos na ito ng tuluyan ng makita ko si Les.
Katulad ko ay umiiyak na din ito.
"Seph, magpakatatag ka. Ikaw nalang ang inaasahan nang nanay mo. Huwag kang bibigay ha...nandito lang ako. Gagawa tayo ng paraan para gumaling siya" niyakap ako ni Les ng mahigpit, kasabay ko sa pagluha dahil sa kalagayan ng nanay.
"Seph----hihingi ako ng tulong sa mga katrabaho ko. Kahit magkano, basta makalikom tayo ng halaga para matulungan ang nanay mo" Si Andrew.
Wala akong maisagot. Sige lang ako sa pag iyak. Nanlalambot, nanghihina ang pakiramdam ko. Lahat ng lakas na meron ako, tila naglaho.
"Les---pwede bang ikaw muna sandali ang magbantay kay nanay. Kukuha lang ako ng mga damit sabi bahay. Tatawagan ko din si Elthon. Magpapaalam muna ko na hindi muna ako makaka pasok sa trabaho ng ilang araw"
"Sige lang Seph. Kami na bahala dito ni Andrew"
"Salamat Les. Salamat din Andrew"
"It's okay Seph" tugon ni Andrew "kaibigan ka ni Les. Kaya kaibigan din ang tingin ko sayo"
"Seph---ipanatag mo ang isip mo. Magiging ayos din ang lahat. Pray lang tayo ha" muli ay niyakap ako ni Les.
Sa mga pagkakataong ganito...laking pasalamat ko dahil may mga kaibigan akong masasandalan.
Matt
"Seph" pagkabungad na pagkabungad ko sa pintuan ng kwartong yon sa hospital.
Nakita kong yakap ito ng isang babae.
"Matt" umiiyak na sagot nito.
Mabilis kong tinawid ang pagitan namin at ikinulong ito sa mga bisig ko.
Ramdam ko ang paghihirap ng kalooban nito. At awang awa ako para dito...Mula noon, mag isa niyang pinasan ang lahat ng obligasyon sa pamilya niya. Kinalimutan ang pansariling kapakanan at kaligayahan. Nang maging matalik kaming mag kaibigan, hindi ko na ito iniiwan. Hanggat makakaya ko, hindi ko ito pinababayaan. Alam ko ang pakiramdam ng mag isa. Tulad ko na wala na ding kinagisnang ama. May ina, pero inabandona. Lumaki sa piling ng mga kamag anak.
"Huwag ka nang umiyak. Magiging okay din ang lahat Seph" bulong ko dito.
"Ahm----Matt di ba" sabi ng babae na tinanguan ko "narinig ko kasi yon ang tinawag niya sayo. Ahm kung okay lang, pwede bang samahan mo muna siyang umuwi sa kanila. Kailangan niya kasing kumuha ng damit saka ng iba pang gamit"
"Oo naman. Ako na bahala kay Seph" sagot ko dito.
Kumalas sa pagkakayakap ko si Seph at humarap sa kaibigan nito "Les, ikaw na muna bahala dito ha. Babalik ako agad"
"Huwag kang mag aalala. Huwag kang mag madali. Nandito lang kami ni Andrew. Sasamahan ka namin magbantay sa nanay mo" tugon ng babaeng nagngangalang Les.
"Nga pala. Les, ito si Matt. Kaibigan ko. Matt---ito si Les. Tapos si Andrew. Boyfriend niya" pagpapakilala nito.
Nakipag kamay ako sa mga ito.
"Pre, ikaw na muna bahala kay Seph" bilin ni Andrew.
"Walang problema pre. Sige, aalis na muna kami para makabalik din kami kaagad" pagpapaalam ko sa mga ito.
Habang naglalakad palabas ng hospital ay wala paring tigil sa pag luha ito.
Na ni minsan ay hindi ko nasaksihan. Palangiti ito. Palaging positibo sa buhay. Kahit problemado na, balewala yon sa kaniya.
Ang bigat sa dibdib na ang babaeng tinatangi ko...ay nahihirapan ng ganito.
Kung pwede lang akuin ko ang lahat ng bigat ng pasan nito, gagawin ko. Huwag ko lang siyang makitang ganito...na nahihirapan.
To be continued...
Yung mga ideal guy na ganito...si Matt at si Elthon...sa wattpad nalang yata nag e-exist...
Zack...paano ka na?
BINABASA MO ANG
Stolen lives
Random#2 Highest rank Fanfiction (12/28/18) Iniwan ng ama. Nagkasakit ang ina. Napariwara ang buhay ng nag iisang kapatid. Hinusgahan... Inakusahan... Ano pa ba ang mga pagdadaanan ni Seph sa buhay? May pinto pa ba para sa kaniya na handang mag bukas upa...