SephKinabukasan ay bumalik ako sa EGRey Ent. Ang kompanya kung saan tumatanggap daw kahit vocational courses lang ang natapos o kahit undergrad.
"Manong" Tawag ko kay kuya ng security guard na na kausap ko kahapon lang.
"Oy...ikaw yung kauspa ko kahapon di ba?" Paglinaw pa nito na tinanguan ko naman "Sandali lang ha. Itawag ko lang sa personal secretary ni boss kung pwede pa" kaya nag intay muna ako.
Pagkababa nito ng telepono "uy swerte mo. Pumayag si boss. Sige tuloy ka na" bigla akong nakaramdam ng matinding pag asa dahil sa balitang yon.
"Salamat manong. Matanggap lang ako, ikaw ang una kong ililibre" sabi ko dito bago ako pumasok sa loob ng kompanya.
"Aasahan ko yan" pahabol nito sabay saludo.
Lord...iniisip ko na last chance ko na to kaya sana, ibigay mo na sakin. At pangako, gagawin ko ang lahat para lang hindi sila ma - disappoint sa gagawin nilang pag hire sakin...
Kabado, pero positibo ako.
Go go go lang Seph...humingi muna ako ng malalim bago kumatok sa office ng secretary na tinuro sa akin ng sa palagay ko'y empleyado din doon.
"Come in" tinig ng isang babae.
Pagkabukas ko ng pinto ay ngiti ang sumalubong agad sakin.
Muka naman siyang mabait...sa isip isip ko.
"Have a sit" sabay turo nito sa silyang nasa tabi ng desk nito.
Inumpisahan niya ang interview mula sa mga personal details hanggang sa nag tanong na siya tungkol sa mga past experiences
at mga capabilities ko."Just wait for our call mis September. Si boss na ang bahala kung tanggap ka o hindi" inilagay nito ang resume ko drawer nito.
Tumango na lamang ako dito saka tumayo.
"Salamat po" pagpapaalam ko bago tuluyang lumabas ng kwartong yon.
-
Elthon
"How did it goes Isa" tanong ko agad dito pagkapasok nito sa office ko.
"Well----tama kayo of sir. Matalino siya. Mabilis mag isip. At hindi na tense sa mga tanong ko. So---iha-hire niyo na ba siya sir?" Makahulugang tanong nito.
"Absolutely. Call her asap" nakangiting utos ko dito.
"Yes sir" sumaludo pa ang secretary ko bago lumabas ng office.
Seph...
Just thinking about her, I can feel it, somethings changed in me. Especially, my heart. I can't understand why? What is it about her that makes me go crazy like this. I'm in a relationship with Viveth, but I can't help thinking about her. Everything about her.
Being with her, seeing her everyday. I'm getting excited.
September Dale Elayda...what have you done to me?
-
Matt
"Uy, ganda ng smile natin ah. Anong meron?" Maaga ako gumarahe dahil malaki ang kinita ko ng araw na yon. Pwera pa yung boundary. Alam kong nasa bahay pa si Seph ng mga oras na yon dahil sa bar nalang itong pumapasok.
"Feeling ko kasi, magkaka trabaho na ulit ako" magka salikop pa ang mga kamay nito ng sumagot.
"Saan naman? Baka naman mabigat ang maging trabaho mo don?" Pag aalala ko kung magiging tayo. Ako nalang ang bubuhay sayo. Kahit mag buhay Reyna ka, okay lang. Basta ba kasama kita.
"EGrey Ent. Medyo malayo dito, tatlong sakay pa bago mapuntahan yon" sagot nito.
"Anong business naman yon? " muling usisa ko.
"Perfumes"
"So sa office ka?"
"Hindi pa nga tinatawagan no. Wag tayo masyado advanced. Basta pray mo lang na matanggap ako. First salary ko, treat kita" pakindat kindat pang sagot nito.
"Tsssk. Hindi na. Ako na. Speaking off. Tara, treat kita ng merienda. Maaga pa naman. Mamaya pa pasok mo sa bar"
"Wow----malaki kinita mo no. Aga mo nga ngayon eh"
"Iba talaga pag pogi ang driver. Maraming nae-enganyong pasahero"
"Yun tayo eh. Buhay Bangko. So---saan mo ko ililibre" nangalumbaba ito pa harap sakin saka ngumiti huwag mong ginagawa yan Seph. Baka magtapat ako bigla.
"Ikaw" sagot ko.
"Anong ako?"
"Ikaw----kung saan mo gusto edi doon tayo. Halika ka na nga, dami mong tanong" hinila ko na ito palabas ng bahay.
Iniisip ko na sa isang restaurant malapit sa trabaho ko siya ilibre pero hinila na ako nito sa isang ihawan.
"Masarap dito. Mura pa. Kaya dito tayo" naglagay na ito ng mga iihawin sa grill.
"Ayaw mo sa restaurant?" Bulong ko.
Umirap ito "nahihiya ka ba na dito tayo magme-merienda?"
"Hindi no. Ikaw lang inaalala ko"
"Sos---ako pa ba. Lika na, anong gusto mo"
Ikaw nga...matagal na.
"Ikaw na pumili" sagot ko dahil kung ano ang gusto mo, doon ako.
"Sure ka ha? " pangungulit nito.
Ginulo ko ang buhok nito "Oo nga ang kulit"
"Uyyyy ang cute niyo. Bagay kayo" panununkso sa amin ng ilang dalagita.
"Bagay daw tayo?" siniko ko si Seph na busy sa pumimili ng iiihaw.
"Naniwala ka naman----manang lahat yan paki-ihaw po. Lika na sa loob, antayin nalang natin don" hinila ako nito papasok sa loob ng ihawan kung saan may mga lamesa at upuan para sa mga costumer na nag iintay.
Nakikita na ng iba na pwede tayo. Na bagay tayo. Eh ikaw Seph...kailan mo makikitang nag e-exist ako sa buhay mo. Na may nararamdaman ako para sayo...Sabi ko sa isip ko habang nakatitig dito ng hindi niya namamalayan.
To be continued...
Pag ibig nga naman...minsan nakakabulag...nakakatanga...nakakamanhid...nakakaloka...pag iniwan, pag nasaktan, saka palang magiging sa katotohanan.
Hindi ba pwedeng i-screen test ang magiging BF/GF ?
BINABASA MO ANG
Stolen lives
Random#2 Highest rank Fanfiction (12/28/18) Iniwan ng ama. Nagkasakit ang ina. Napariwara ang buhay ng nag iisang kapatid. Hinusgahan... Inakusahan... Ano pa ba ang mga pagdadaanan ni Seph sa buhay? May pinto pa ba para sa kaniya na handang mag bukas upa...