SL : 97

961 125 48
                                    


Hindi ko hinayaan na makahanap si Seph ng trabaho sa ibang company o kahit sa mga mall or maliit na businesses. Gusto kong makitang nahihirapan siya. Gusto kong sa company ko siya magtrabaho. Para makapag higanti. Yung maranasan niya ng sakit na naramdaman ko sa pagkawala ni Lala. Hanggang sa makapasok nga siya sa company ko bilang personal assistant ko, wala siyang alam na ako ang boss niya. Nang malaman kong malala ang lagay ng nanay niyo. Kinuha ko ang pagkakataong yon para mas lalo siyang mahulog sa plano ko. Alam kong malaki ang kakailanganin niyong pera para mailipat sa pribadong hospital ang nanay niyo sa lalong madaling panahon. Ginamit ko ang pagkakataon na yon para pumayag siya sa gusto ko. Kapalit ng pagtulong ko sa inyo, magtatrabaho siya sakin bilang katulong sa bahay at assistant ko. Na susundin niya lahat ng ipag uutos ko na parang isang alipin---at hindi siya pwedeng tumanggi. Dahil ipapatigil ko ang pagpapa gamot sa nanay niyo oras na gawin niya yon. Gusto kong magdusa siya sa pamamagitan ko. Nasaktan ko siya. Pinahirapan. Marami akong nagawang mali kay Seph. At alam ko, hindi niya ako mapapatawad. Pati kayo. Hanggang sa dumating nga yung araw na yon----yung araw na nabaril siya dahil sakin. Ako dapat ang nandito at hindi siya. Ngayong alam ko na ang lahat, na si Viveth ang may pakana ng lahat ng to, nagsisisi ako sa mga nagawa ko. Nagkamali ako. At kahit ako, hindi ko mapatawad ang sarili ko dahil sa mga nagawa ko kay Seph. Kaya ipinangako ko na gagawin ko ang lahat para pagbayarin si Viveth sa lahat ng kasalanan niya. At sa oras na magising si Seph----handa akong humingi ng tawad. At handa kong gawin kung ano man ang gusto niya.

Isang suntok ang pinakawalan ko na tumama sa muka ni Zack.

"Masama ako---naging hayop ako sa kapatid ko, inaamin ko yon. Pero yung gawin mo ang lahat ng yon sa kapatid ko, mas hayop ka pa sakin. Mas hayop ka" sigaw ko habang pinipigilan ako ni Leslie "Ang dami kong nagawang mali sa kapatid ko. Pinag sisihan ko yon. Dahil wala siyang ginawang mali sa akin kahit minsan. Lahat ng pang unawa, binigay niya sakin-----ikaw" dinuro ko ito "Anong nagawa niya sayo para gawin mo yon sa kaniya. Dahil inakala mong siyang pumatay sa girlfriend mo. Hindi niyo naman napatunayan na siya nga ang gumawa di ba. Puro kayo panghuhusga. Dahil ano---dahil mahirap kami. Na mahirap si Seph----hayop ka Zack. Hayop" muli ay inundayan ko ito ng isa pang suntok sa muka na naging dahilan ng pagdugo ng ilong nito "kulang pa yan sa lahat ng sinapit ng kapatid ko sayo---sa lahat ng paghihirap niya dahil sa mga ginawa mo. Ngayong alam mo na ang totoo, usigin ka sana ng konsensya mo"

"I know I was wrong----kaya humihingi ako ng patawad. At susundin ko kung ano man ang gusto ni Seph, mapatawad niya lang ako" sagot nito.

"Alam kong mapapatawad ka ng kapatid ko. Dahil mabuti ang puso niya. Pero kung ako siya, gagawin ko sayo kung ano ang ginawa mo sa kaniya. Para malaman mo ang hirap na pinagdaanan niya sayo. Ang pahirapan siya dahil sa isang kasalanan na ibinibintang niyo sa kaniya"

-

Zack

I've hurt Seph more than her brother. Pero ngayon pa lang, sa nakita kong galit ng kapatid nito sa akin, alam kong mas doble pa ang galit sa akin ni Seph. At hindi ko na alam kung ano ang mukang ihaharap ko sa kaniya oras na magising na ito.

Hindi ko alam kung paano ako hihingi ng kapatawaran. O kung may kapatawaran pa ba ang ginawa ko.

Ngayon ako lubos na nagsisisi dahil sa maling akala ko. Na itinulad ko si Seph kay Chanty. Na inakala kong pareho sila, na mukang pera, manggagamit at sinungaling.

Mapapatawad mo oa ba ako Seph?

-

I received a phone call...Viveth was caught on her hiding place. Sa isang liblib na lugar. Pero alam kong hindi magtatagal at mahuhuli siya dahil sa nakapatong sa ulo nitong halaga.

Dahil nandoon ang kuya nito at si Leslie, inasikaso ko muna ang tungkol sa kasong isasampa kay Viveth. Nagtungo ako sa police station kung saan nakakulong pansamantala si Viveth---doon muna ito hanggat hindi naibaba ng korte ang hatol sa kaniya.

"Zack---tulu

Isang sampal ang ibinigay ko dito sa oras ng mag kaharap kami. Kahit pa kaharap ko ang mga pulis.

"Ngayong nahuli ka na, sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan Viveth" saka ko ito sinakal.

"Sir tama na" awat sa akin ng pulis.

"Zack wala akong alam sa mga sinasabi ng mga pulis---hindi ako

"Liar. Huwag ka ng magsinungaling pa. Dahil may ebidensya kami laban sayo. Malas mo lang, dahil wala ka nang kawala sa lahat ng kasalanan mo. Sisiguraduhin ko Viveth----na mabubulok ka sa kulungan kapalit ng buhay ni Lala at buhay ni Seph na sinira mo"

"Zack----si Seph ang pumatay kay Lala hindi ako. Si Seph ang sumagasa kay Lala gamit ang kotse ni Elthon. Maniwala ka Zack.  Kriminal si Seph. Tutulungan kita para maidiin siya sa kasong to"

"Pakibalik na siya selda officers. Magkikita nalang kami sa korte"

"Zack---maniwala ka Zack. Wala akong alam. Zack" patuloy ito sa pag sigaw habang dinadala ng mga pulis sa selda.

Ikaw ang kriminal...

I already informed Elthon about everything. He was shocked when he found out---and furious to his ex girlfriend and felt really sorry for Seph.

He'll come back ASAP to personally file charges against Viveth. And I knew he'll do everything for Lala.

What about Seph?

If he comes back----will he pursue his love for her? 

What am I gonna do now?

To be continued...

How can you fight for someone who don't want you in her life since the first place?

Hirap di ba Zack

Ginusto ko yan...ano magagawa mo 😂😂

Stolen lives Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon