SL : 11

1.1K 95 17
                                    


Matt

"Bakit yung Elthon na yon ang naghatid sayo? Saka saan mo nakilala yon?"

"He's a friend. Tinulungan niya ako ng minsang may bumastos sa akin sa club. Alam kong mabait siya unang kita ko palang" ininom nito ang gamot saka nahiga.

"Huwag ka agad nagtitiwala. Lalaki parin yon at babae ka. Hindi mo alam kung may balak sayo yon o kung ano tumatakbo sa isip non"

"Ikaw ang kung ano ano ang tumatakbo sa isip mo. Masyadong mong pinagdududahan yung tao, ilang beses na niya na akong tinulungan, kung may balak siya, noon pa niya ginawa. At marunong akong kumilatis ng tao Matt. At malabo yang mga sinasabi mo"

"Concern lang ako kaya nasabi ko yon" depensa ko.

"Alam ko at salamat. Pero hindi ganon si Elthon. Mabait siya, nasisigurado ko yon"

"Ano pa nga magagawa ko. Basta mag iingat ka lang palagi. Kung pwede lang kita sunduin sa trabaho mo araw araw ginawa ko na"

Lumingon ito sakin saka ngumiti.

"Salamat Matt. Pero wag ka ng mag alala. Okay lang naman ako. Saka hindi mo ako obligasyon"

"Pero kaibigan mo ako.  At dahil don, obligasyon ko na alagaan at bantayan ka. Kung wala ako, paano ka"

"Nandiyan si Elthon. Kaibigan ko na rin yung tao"

"So siya na ang kaibigan mo ngayon?"

"Matt. Si Elthon, kaibigan ko, pero ikaw ang Bestfriend ko"

Bestfriend

Bestfriend

Bestfriend

Hindi ba pwedeng lumampas sa boundary ang mag bestfriend.

Pwedeng bang i-delete ang best...

"Bestfriend" Ulit ko.

"Oo. Bestfriend. Ikaw ang pinaka best sa lahat Matt. At thank you dahil hindi mo ko iniwanan. Mula noon hanggang ngayon. Alam mo swerte ng babaeng mamahalin mo"

Ikaw yon Seph...Kung marunong ka lang makiramdam.

"Syempre naman. Gwapo, masipag, mabait...hindi nga lang mayaman pero mayaman naman sa pagmamahal " pagmamalaki ko.

"Diyan ako bilib sayo. May fighting spirit ka. O siya, umuwi ka na. Okay na ko. Pahinga ka na din" pagtataboy nito.

"Dito ako matutulog. Mahirap na. Baka kung kailan wala ako saka tumaas yang lagnat mo. Matulog ka na. Ako na bahala dito"

Muli ay ngumiti ito saka hinawakan ang kamay ko.

"Salamat sa lahat Matt" isang matamis na ngiti muli ang nasilayan ko sa mga labi nito.

"Welcome" nakangiting tugon ko "Sige na matulog ka na baka mahalikan kita dahil sa mga ngiti mong yan.

"Night Matt" huling sinabi nito bago pumikit.

Tinitigan ko lang ito habang natutulog.

Sana isang araw Seph, makita mo na hindi lang ako bestfriend sayo. Na I care for you, more than a friend. Mahal kita. Mahal na mahal.

At dahil sa pagmamahal na yon, nananatili akong "bestfriend" sayo kahit gusto ko nang magtapat. Ayaw kong lumayo ka sakin, ayaw kong mailang ka. Ayaw kong isang araw, iwasan mo ako. Dahil sa feelings ko sayo.

Stolen lives Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon