SL : 49

814 81 65
                                    

Isang bagsak para kay tezuka20121 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang bagsak para kay tezuka20121  ...nahulaan niya agad na magagamit yung kotse ni Elthon para mawala ang isang character which is Lala then si Seph ang mapagbibintangan...but???? the question is...paano madidiin si Seph sa kasalanang hindi niya ginawa?

Seph

"Anong bang kailangan niyo sakin? Sino ba kayo?" Patuloy na pag sigaw ko. Hindi ko alam kung nasaan ako. Basta ang natatandaan ko lang, pagkapasok ko sa van, may pinaamoy sila sakin hanggang mawalan na ako ng malay tao. At pagka gising ko, nakatali na ang mga kamay at paa ko, at may blindfold din ako.

"Manahimik ka nga, ang ingay mo" sagot ng isang lalaki.

"Pasakan mo nga bibig niyan, kanina pa yan. Sakit sa tenga" dinig kong sabi naman ng isa.

Naramdaman ko nalang ng lagyan ng duck tape ang bibig ko.

"Mmmmmmmmmmmmm...mmmmmpppp" pilit na pagpupumiglas ko pero ano laban ko.

Ano bang nangyayari sa buhay ko...ano bang kasalanan ko at nagkakaganito na ang kapalaran ko?

At si nanay...paano siya ngayong hindi ko alam kung makakaalis pa ako dito?

Ano bang kasalanan ko...naiiyak na tanong ko sa isip ko.

-

Hello

Boss

Nagawa niyo ba pinag uutos ko?

Yes boss, kami pa ba. Ano bang gusto mong gawin namin dito?

Huwag niyong gagalawin hanggat wala akong sinasabi..bantayan niyong maigi.

Yes boss, eh yung bayad naman paano na?

Magkita tayo sa itatakda kong araw at oras. Ako ang tatawag sayo inyo, huwag niyo akong tatawagan kahit anong mangyari? Naiintindihan niyo ba?

Okay boss.

-

Zack

Matapos dalin at ayusan sa morgue sa mismong hospital na iyon si Lala ay iniuwi na namin ito sa bahay nila. Iyon ang napag desisyonan ni tita Divine.

Gusto nito na sa kahit sa huling pagkakataon, makasama niya ito sa sariling tahanan.

Hindi pa namin sinasabi kay Elthon ang nangyari kay Lala. Bukas ay pauwi narin ito at nag aalala si tita na baka ma paano pa ito sa byahe. Nawalan na siya ng isang anak, hindi niya na kakayanin na mawalan pang muli ng isa pang anak. Si Elthon nalang ang natitira sa kaniya kaya ganon nalang ang pag aalala nito para dito.

Pagkarating namin sa bahay nila tita ay naroon na ang ibang mga kamag anak at malalapit na kaibigan na una niyang binalitaan ng nangyari. Wala akong ibang naririnig mula sa kanila kundi malalakas na pag iyak at galit sa dahilan ng pag kamatay nito, at kung sino ang naka bundol dito.

Matapos maiayos ang lahat. Nilapitan ko ang kabaong ni Lala. Wala itong mga galos, pero ang pag tama ng ulo nito sa matigas na bagay ang dahilan ng mabilis nitong pagkamatay ayon na mismo sa mga doctor na unang tumingin dito.

"Magandang gabi po" Napalingon ako ng may dumating.

Mga pulis...

"Magandang gabi po" muling pagbati nito.

"Tuloy kayo" pag anyaya ni tita.

"Kami po ang may hawak ng kaso ng anak niyo. Maari po ba naman kayong makausap?"

"Sige po----Zack" Lumingon ito sa akin.

"Gusto niyo bang samahan ko kayo tita?" Tanong ko dito.

"Oo" tugon nito at nagpatiuna na ito sa study room. Kasunod ang dalawang pulis at ako.

Pagkasara ng pintuan ay naghintay kami ni tita sa ibabalita ng mga pulis.

"Kami po ang unang nag respond sa nangyari" May inabot itong brown envelope kay tita at ang bag ni Lala "Nasa loob ng envelope na yan ang lahat ng larawan sa pinangyarihan ng krimen...at base po sa pagsisiyasat namin...ang kotseng naka bundol sa anak niyo na may plate number CXZ *** ay naka register sa isang lalaki na nagngangalang Elthon Grey...kilala niyo po ba ang nasabing pangalan?

Binuksan ni tita ang brown envelope at unang una naming nakita ang larawan ng isang sports car...at

"Sa anak ko ito----paanong?" tumingin si tita sa mga pulis na tila ba humihingi ng kasagutan.

"At sa loob ng nasabing sports car na yan----ito po ang natagpuan namin" muli itong may inabot kay tita na isang plastic na may laman.

Isang bag na pambabae.

Binuksan ni tita ang bag at ganon nalang ang galit na rumehistro sa muka nito ng makita ang company ID na nasa loob nito.

"September!" naibulalas nito.

"Kilala niyo po ba ang may ari ng gamit na yan?" Muling tanong ng pulis.

"Oo----kaibigan siya ng anak ko. Namin"

"Gaano niyo po kakilala ang nasabing babae na may ari ng mga gamit na yan?"

"Ilang buwan palang. Pero mabuting tao ang pagkakakilala namin sa kaniya" sagot muli nito sa mga tanong ng pulis.

"Kung ganon----wala bang namagitan na alitan o hindi pagkakaunawaan ang nasabing biktima at ang salarin?"

"Hindi ko alam----bakit niyo na itanong? "

"Ayon kasi sa isang naka saksi, bagaman hindi niya kayang idetalye ang lahat lahat dahil madilim sa  lugar kung saan nangyari ang krimen---pagkatapos daw na mabangga ang anak niyo ay mabilis na lumabas ang driver nito at lumayo sa lugar na yon. Tinanong namin ang saksi sa krimen pero hindi niya namukhaan. Una ngang dahilan ah medyo malayo siya sa pinangyarihan at nakasuot ito ng hoodie"

"Ang ibig niyong bang ipahiwatig ay sinadya ang pag patay sa anak ko?"

"Hindi pa natin masasagot yan sa ngayon Mrs. -----magsasagawa pa kami ng imbestigasyon sa kaso ng anak niyo. At kailangan din naming makausap ang may ari ng bag na yan"

"Gawin niyo ang lahat para mahuli at managot ang may gawa nito sa anak ko-----si September man o hindi. Hindi ako papayag na hindi mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Lala"

"Makakaasa po kayo Mrs----makipagtulungan lamang po kayo sa amin at siguradong mahuhuli din ang totoong may sala-----babalik po kami kapag may bago na kaming balita" tumayo na ang mga ito at nag paalam kay tita at sa akin"

September!!!

Kung ikaw nga ang may kasalanan sa pagkamatay ng girlfriend ko...sisiguraduhin ko, magbabayad ka.

To be continued...

Stolen lives Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon