SL : 69

751 95 32
                                    


Seph

Bumalik ako agad ng hospital after kong makipag kita sa taong akala ko ay tutulong talaga sa amin ng taos puso. Pero nagkamali ako. Dahil ang taong yon ay walang puso. At hinding hindi ako lalapit sa kaniya kahit anong mangyari. Bahala na. Huwag lang akong mahulog sa bitag niya at magpa alipin sa taong walang kasing itim ang budhi.

"Seph" humahangos na palapit sa akin si Les.

"O bakit Les?" hinawakan ko ang mga palad nito.

"Anak saan ka ba galing ha? Kanina ka pa namin tinatawagan" Si nanay Amari.

"Naka off po yung cellphone ko nay. May inasikaso po kasi ako"

"Seph---ang nanay mo" Si Les. Kinabahan ako bigla, base kasi sa itsura nito, may hindi magandang nangyari.

"May nangyari ba sa nanay?" Kinakabahang tanong ko.

"Isinugod siya sa ER ngayon lang. Bigla siyang nahirapan huminga. Nandoon na ang kuya mo" sagot ni nanay Amari. Bigla akong napasugod ng takbo patungo sa ER. At inabutan ko nga doon si kuya.

"Kuya" Mabilis akong lumapit dito.

"Seph " napatayo nito sa kinauupuan niya ng makita niya ako.

"Anong balita kay nanay?"

"Hindi pa lumalabas ang doctor Seph. Kinakabahan na din ako" tugon nito.

Naupo ako sa upuan na naroon sa labas ng ER at tahimik na umusal ng panalangin. 

Pagkatapos ko ay saka naman bumukas ang pintuan ng ER.

"Doc" panabay na sabi namin ng kuya. Nandoon na din si Les at nanay Amari na nag iintay ng balita.

Nagtanggal muna ito ng face mask bago nagsalita "tatapatin ko na kayo. Dahil ayaw kong paasahin kayo sa wala. Naaapektuhan ang puso ng nanay niyo dahil sa pamamanas ng katawan niya dulot ng sakit nito. Nababarahan ang mga ugat malapit sa puso nito na nagiging sanhi para mahirapan siyang huminga. I suggest na hanggat maaga pa, ilipat niyo na siya sa pribadong hospital para madugtungan pa ang buhay niya" sabi ng doctor.

"Talaga po bang hindi niyo na kayang gamutin dito ang nanay doc?" tanong ko.

"Specialist na ang kailangan niya iha. Ang kaso kasi ng nanay mo, hindi lang siya pwedeng dumepende sa mga gamot na ibibigay namin. Kailangan niyang magpalakas. Mahina ang resistensiya ng katawan niya na nagpapa hirap sa kaniya. At iilan lang kaming doctor na nandito, hindi namin siya kayang I-monitor ng 24 hours. Which is, iyon ang kailangang kailangan niya. At ngayon nga na nahihirapan na siyang huminga, kailangan niyong mag avail na oxygen tank. Hindi ako sigurado kung mayroon pa kami ditong available. Marami din kasing pasyente ditong nangangailangan non. Yung iba, ng aantay lang kung may bakante na. Yung iba naman, sa ibang hospital na kumukuha" paliwanag ng doctor.

-

Nanatili sa ER ang nanay dahil hindi parin bumabalik sa ayos ang paghinga nito.

"Seph, babalik nalang ako bukas ng gabi ha. Papasok muna ako sa trabaho" pagpapaalam ni Les. 

"Salamat Les ha. Okay lang na hindi ka na muna bumalik. Sobra sobra na ang abala ko sayo. Pati trabaho mo nadadamay" hinawakan ko ang mga palad nito.

"Okay lang yon ano ka ba. Para anupat naging kaibigan mo ko"

"Anak, sasabay na ako sa kaibigan  mo ha. Pero babalik ako bukas bago mananghali pagkaluto ko sa carinderia" Si nanay Amari.

"Salamat po nay" Yumakap ako dito bilang pasasalamat.

"Salamat po sa pagbabantay at tulong nanay Amari, Leslie si kuya.

"Wala yon. O sige na ha, mauna na kami. Bukas nalang" saka tuluyang umalis sina Les at nanay Amari. Naiwan kami ni kuya na parehong tahimik ay nag iisip.

Stolen lives Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon