SL : 54

700 81 55
                                    


Elthon

"Mr. Grey---nadakip na namin si Ms. Elayda, nandito siya ngayon sa presinto" Tawag sa akin ng isang police officer sa cellphone na nakabantay sa lugar nila Seph. Pabalik na kami non sa presinto pagka galing sa resto.

"We're on our way officer" sagot ko.

"Ano yon Elthon?" Si Zack.

"Nahuli na si Seph" dalawa ang nararamdaman ko ng mga sandaling yon, galit at pagka lungkot.

Kung bakit umabot sa ganito ang samahan namin ni Seph. Hindi ko maitatanggi na kahit galit ako sa  kaniya, hindi ko parin maialis ang mag alala sa kaniya.

Part of me are hating and loving her...

"Good to hear that----pero ikaw Elthon, saan ka? Sa hustisya o sa nararamdaman mo para kay Seph?" Matamang nakatitig ito sa akin.

"I'm on what's the right thing to do----so stop asking me" matabang na sagot ko.

-

"Sir, ano ba talaga nagawa ko? Bakit ako nandito?" pangungulit ko sa mga pulis na nandoon sa presinto.

"Parating na ang pamilya ng taong pinatay mo----masasagot lahat ng tanong mo" sagot ng desk officer.

Pamilya ng pinatay ko?

Maya maya lang ay bumukas ang pintuan at lalo akong naguluhan ng makita ko sina Elthon, Zack at Tita Divine.

"Hayop ka----bigla akong sinampal ni tita Divine "nagtiwala kami sayo pero ikaw pala ang papatay sa anak ko" umiiyak na sabi nito.

"Mom please" Pag saway dito ni Elthon sa patuloy na pananakit nito sakin.

"Tita----

"Huwag na huwag mo akong matawag na tita, dahil wala akong kakilalang mamamatay tao " sigaw nito.

"Misis----kumalma po muna kayo, maupo kayo at pag uusapan natin to" utos ng desk officer.

"Ano po bang nagawa ko? Bakit niyo sinasabing mamamatay tao ako? At sino po ang namatay?" sunod sunod na tanong ko. Gulong gulo na ako sa mga nangyayari.

"You killed my girlfriend" Si Zack.

"Killed? Girlfriend?-----pina process ko sa utak ko ang mga sagot ni Zack "Si Lala?"

"Oo Seph----ang anak ko. Anak ko na pinatay mo" galit na sabi ni tita Divine.

"Sandali po, pakipaliwang po, naguguluhan  na po talaga ako" pakiusap ko sa mga ito.

"You use my car, to hit her and she died after that" sagot ni Elthon.

"Sandali----nakita mo na yung kotse mo--nawawala kasi yon. Hindi ko alam kung sino ang nagnakaw" sabi ko kay Elthon.

"Ninakaw?---Tsssk. Wala ka na bang ibang alibi Seph. Ang sabihin mo, may natuklasan si Lala tungkol sayo kaya pinatay mo siya--hindi ba" nagulat ako ng bigla akong sakalin ni Zack.

Mabilis itong inawat ni Elthon at ng mga pulis na naroon.

Sumakit ang lalamunan ko dulot ng pagsakal sa akin ni Zack. Panay din ang pag ubo ko dahil sa panandaliang kakapusan ng hangin.

"Mr. Badger, alam ko na galit ka. Pero pakiusap lang, huwag mo ng uulitin yon kung ayaw mong palabasin kita" utos ng desk officer.

"Sorry officer" sagot nito.

"Ms. Elayda----ayon sa pagsisiyasat namin, ang kotseng nakabundol kay Ms. Lala ay pag aari ng kapatid nito na si Mr. Elthon Grey----at ang kotseng ito ay nasa pangangalaga mo ngayon, tama ba?" sabi ng desk officer.

Stolen lives Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon