SL : 04

1.3K 105 56
                                    


Pagkabukas ko ng pintuan ay nakita kong may nakatayong isang lalaki. Naka black Nike cap. Black pants, black shirt. White shoes.

Nakayuko ito.

Saka ko ito binatukan ng malakas.

"Aray naman" reklamo nito saka nagtaas ng paningin.

"Walang lamay dito, bakit itim na itim ka" sita ko.

"Naka porma ako. Hindi panglamay tsssk. Hindi mo man lang ba ako papasukin"

"Oo na. Anong meron at napadpad ka dito. Alam mo ba kung anong oras na?" tanong ko bago naupo sa sofang yari sa kawayan ( diko alam tawag don eh 😂)

"Alam ko. Ten thirty. At sa oras na to,wala nang byahe papunta sa inuupahan kong bahay. Kaya dito muna ko pwede" pumrente pa ito ng higa sa kabilang upuan "nga pala. Hindi ka pa kumakain no"

"Buti alam mo"

"Good. Kaya nga bumili ako ng kanin at ulam. Ilagay mo sa plato. Kain muna tayo" utos nito.

"Ako talaga" reklamo ko.

"Oo naman. Ako na nga bumili, ako pa utusan mo. Sige na bilis"

"Galing din eh. Natutulog na dapat ako. Istorbo ka"

"If I know. Inaantay mo ang pagdating ko dahil palagi akong may pa salubong sayo"

"Syempre naman. Libre eh" nilapitan ko ito sa kinurot sa pisngi.

"Carino brutal ka din no. Mag thank you ka nalang. Inaasar tuloy ako ng mga barkada ko"

"At bakit?"

"Palagi daw akong may hickie sa pisngi. Eh wala naman akong maipakilalang girlfriend"

"Sos. Eh di manligaw ka para magka girlfriend ka"

"Ayaw"

"Bading ka no" panununkso ko habang isinasalin sa plato ang kanin at ulam.

"Alam mong hindi totoo yan. Inaantay ko pa kasi ang babaeng bibihag sa pihikan kong puso" litanya nito.

Tumayo ito at naupo sa lapag katabi ko para kumain.

"Ikaw pa talaga ang pihikan. Baka naman wala lang nagkakagusto sayo" Pang aasar ko.

"Wag kang asar Seph. Isang araw, makikilala mo din ang babaeng magmamay-ari sa puso ko"

"Dapat lang. Tingnan ko kung papasa siya sakin"

"Hindi na kailangan. Sure ako na pasado siya"

"Hindi mo pa nga nakikilala pasado na agad"

"Ako pa. Si Dexter nga pala?" Pag iba nito ng usapan.

"Wag mong hinahanap ang taong lansangan. Uuwi lang yon pag naisipan niya o pag kailangan nag pera"

"Palagi mo naman binibigyan"

"Kapatid ko ano magagawa ko"

"Tumanggi ka naman kahit minsan.  Kaya namimihasa yon kasi alam niyang hinding hindi mo siya pagdadamutan"

"Pamilya ko yon. Kahit ganon yon, mahal ko yon" pagtatanggol ko.

"Oo na. Suko nako. Pagdating sa kapatid mo, all out ka. Kahit sa kaniya halos na pupunta ang pinaghirapan mo. Bukod pa yong sa nanay mo"

"Okay lang yon"

"Paano ka? Kung ikaw ang magkasakit. Kung ikaw ang mangailangan. Tutulungan ka ba ng kapatid mo?"

"Malamang hinde"

"Yun ang punto ko. Magtabi ka para sa sarili mo. Kita mo nga, pati pagkain mo hindi ka bumili. Nagtipid ka na naman"

Stolen lives Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon