SL : 18

941 97 63
                                    

Alam kong nag intay kayo kagabi ng update...

Gustuhin ko man pero hindi ko na nagawa...

Sobra kasi ang naging galit ko kagabi...

Alam niyo yung feeling na akala mo okay na, tapos biglang mawawala...

Yung tipong handa ka na, tapos sa bandang huli...hindi pala siya ready...

Yun bang pinaasa. ..

Umasa din kayo kagabi di ba...masakit di ba.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Kung ano ang pinagdaanan ko kagabi...Malalaman niyo after this chapter. Gusto ko lang I share yung nararamdaman ko. Sobrang sakit kasi 😢

Seph

Naguguluhan parin ako sa mga sinabi sa akin ng lalaking yon.

Sa tindi ng pagkaka hawak nito sakin kanina, naipit ang ugat ko na naging dahilan para mamaga ito ng bahagya. Hindi na ako pinabalik ni kuya Nick sa VIP at pinauwi na lamang.

Pinilit kong tandaan kung saan ko siya nakita. Namumukhaan ko kasi siya.

Hanggang sa...

Tama. Siya nga. Yung antipatikong lalaki na muntik ng makabangga sakin. In-insulto pa niya ako ng kung ano ano.

So kaya ba siya galit? Dahil iniisip niya na pine-perahan ko si Elthon na kaibigan niya...katulad ng binibintang niya sakin nung una. Na kunwari magpapa sagasa ako tapos peperarahan ko siya?

Tama...siguro iyon nga ang dahilan.

"Good evening" naputol ang pagbabalik tanaw ko ng marinig ko ang boses ni Matt "Anong nangyari diyan?" Bakas ko ang pag aalala dito.

May halimaw sa bar kanina.

"Napasama lang ng hampas kaya heto. O bakit andito ka?" Pag iba ko.

"May dala akong pagkain. Saktong dating mo kasi ka darating ko lang. Pero teka,  bakit maaga ka yata nakauwi ngayon?"

"Dahil nga dito di ba" itinaas ko ang kamay kong may bandage "kita mo naman"

"Oo na. Nililinaw ko lang. Tara na sa loob at ng makakain na tayo"  

At home na at home talaga eh...nauna pa.

Naghain na ito sa kusina saka ako tinawag. Pagka upo ko sa upuan at akmang kukuhanin ang kutsara ay mabilis niya itong inagaw.

"Paano ako kakain kung wala akong kutsara?" tinitigan ko ito.

"Kakain ka. Ako magsusubo sayo" at ginawa nga nito.

Umiwas ako "May kamay ako Matt. At hindi ako baldado. Grabe ka sakin no"

"Namamaga yan di ba. Halata nama oh. Kaya ako na. Nganga kung ayaw mong pisilin ko pa yang pisngi mo para lang ibuka mo yang bibig mo" matapang na utos nito.

"Eto na" Nang i-umang niya muli ang kutsara na may lamang kanin at ulam ay isinubo ko na. Mahirap na. Kilala ko to. Pag inutos, hindi pwedeng hindi masunod.

Hanggang sa makatapos ako saka palang siya kumain.

"O inuman mo to para hindi sumakit yang braso mo" May inabot itong gamot sakin.

Stolen lives Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon