After two days ay nakabalik na kami ni Zack sa trabaho. And after that days, may nagbago dito. He often smiled at me whenever he sees me. Pero naiilang ako. Ayaw kong bigyan ng meaning yon. Maybe, thankful lang talaga ito dahil inalagaan ko siya."Anong meron Pam?" pauwi na kami non. Pero ang sabi niya, may lakad daw kami. Kasama si Zack.
"Hindi ko din alam eh. Basta ang sabi ni boss, lalabas daw tayo" sagot nito.
Maya maya ay dumating na si Zack.
"Let's go " sabi lang nito.
"Teka---para saan to?" tanong ko kay Zack.
"Treat. Gusto ko lang mag thank you sa inyo ni Pam, about sa presentation na ginawa niyo. It means so much to me and this is my own little way to say how thankful I am for what you did and how you take cared of me" ibinulong nito ang huling pritong salita na yon. Dahil kasama namin si Pam.
"Okay lang yon sir----di ba Seph" sabi ni Pam na tinanguan ko nalang.
Sa resto... ito na ang nag order ng para sa lahat. Halos mapuno ang table sa tabi ng pagkain.
"Seph" bulong ni Pam.
"Ano?" Mahinang sagot ko.
"Tinatanong ni Aleck kung nasaan tayo"
"Then tell him kung nasaan tayo" sabi ko.
"Hindi kaya magalit si sir?" Nag aalangan ito kay Zack.
"Hindi yan. Sabihin mo na darating si Aleck"
"Sige----ahm sir Zack"
"Yes Pam"
"Ahm is not okay kung sumunod dito si Aleck"
"Aleck----it's okay" pagpayag nito pero parang nagdalawang isip pa nung una.
"Sabi ko sayo okay lang eh" bulong ko ulit dito.
After almost half an hour, dumating si Aleck. He greeted us all, and take the vacant chair beside me.
Pero napapansin ko ang manaka nakang pagsulyap ni Zack sa amin ni Aleck sa tuwing inaasikaso ako nito.
Aleck is a sweet guy----pero wala talaga. He's just a brother to me.
We ate and talk a little. More on si Aleck at Pam lang ang nag o-open ng conversation. After dinner, nagyaya si Aleck na mamasyal sandali sa park na malapit sa kinainan namin.
Nang makarating kami sa lugar, hindi pala siya ordinary park lang. Sa other side kasi, may amusement park. May rides na pwede din sa mga feeling bata.
Si Aleck na ang bumili ng ticket. Sumakay kami ng ferris wheel at si Aleck din ang katabi ko.
"You're afraid?" tanong nito.
Tumango ako. May fear of height kasi ako. Hindi lang ako makatanggi.
"Then let me hold you" hinawakan nito ang mga kamay ko.
Saka ako napatingin kay Zack at Pam. Si Pam, sa baba nakatingin...at si Zack--- sa amin.
Gusto ko sanang hilahin ang kamay ko pero mahigpit ang pagkakahawak ni Aleck dito.
Natapos ang ride na hindi kumikibo si Zack. Kahit panay ang kwento ni Aleck.
Hindi na ako sumama sa next ride. Para kasing siyang mini roler coaster. Hindi ko na yon kakayanin.
Si Pam at Aleck lang ang sumakay. Si Zack? Naiwan din...katabi ko.
"Wanna take a walk" sabi nito. Pero hindi ako sumagot "come on" hinawakan nito ang kamay ko at marahang hinila para mag lakad lakad.
BINABASA MO ANG
Stolen lives
Random#2 Highest rank Fanfiction (12/28/18) Iniwan ng ama. Nagkasakit ang ina. Napariwara ang buhay ng nag iisang kapatid. Hinusgahan... Inakusahan... Ano pa ba ang mga pagdadaanan ni Seph sa buhay? May pinto pa ba para sa kaniya na handang mag bukas upa...