SL : 31

851 90 54
                                    


Elthon

"Seph, pack your things. You'll go with me?" We're on our way to her house. Every night, ako na ang naghahatid sa kaniya pauwi kahit paulit ulit itong tumatanggi. May times na nakakasalubong pa namin ang jeep na pinapasada ni Matthew, para sunduin sana siya. Inconvenient para kay Matthew dahil may kalayuan din ang trabaho ni Seph sa bahay nito. Pero isa lang ang alam kong sagot kung bakit nagtitiyaga ito...he loves her. Hindi ko lang alam kung nakikita o nararamdaman ba iyon ni Seph.

Lalaki ako, kaya alam ko, nararamdaman at nakikita ko.

"Huh? Saan tayo pupunta?" Lumingon ito sakin.

"May out of town meeting ang board of directors and owner sa Tagaytay, starting the day after tomorrow,  maybe two days and three nights tayo don. And you have to come with me since you're my personal assistant. Don't forget to bring sweater or jacket"

"Ah okay. Ahm pwede bang kay nanay mo nalang ako ihatid. Magpapaalam na din kasi ako, na hindi muna ako makaka dalaw, pati sa nag aalaga sa kaniya para alam nila kung nasaan ako in case na may problema"

"Sure----and pwede mo ba ako ipakilala sa nanay mo. Kung okay lang"

"Oo naman"

"Thanks. I'm excited to meet her"

"Don't be. Kahit naman makita mo siya, hindi ka rin naman niya kakausapin"

"I know. But still excited to meet her. Ahm, ano bang kinakain niya. Let's bring her something to eat"

"Huwag na"

"Basta" sakto naman na may madadaanan kaming fruit stand. Katabi naman nito ay hilera ng mga tindahan ng sari saring pang pasalubong.

Nauna akong bumaba dito pagka parada ko ng kotse sa gilid ng kalsada.  Alam ko naman na tatanggi na naman ito kaya ako na ang pumili ng lahat. Nakatanaw lang ito sa ginagawa ko at napapailing.

"Tama na yan. Ang dami na niyan oh"

"It's not only for your mom. It's also for everyone Seph"

Hinawakan nito ang kamay ko.

"Salamat El. Para kang anghel alam mo ba yon?"

"Because?" Tumayo ako at tinitigan ito.

"Palagi kang nandiyan pag kailangan ko ng tulong. Mula pa noon hanggang ngayon. Hindi ko na alam kung paano ko pa masusuklian lahat ng kabutihan mo"

"Seph----your smile is enough" napangiti ito sa sinabi ko "see. Edi bayad ka na" natatawang sabi ko pa dito.

"Sira"

Tinulungan na ako nitong mag lagay sa plastic ng mga prutas na napili ko.

Pinagmasdan ko ito nang hindi niya namamalayan.

Kung walang Viveth sa buhay ko ngayon...

-

Tagaytay

Welcome sir, ma'am...this way po.

"Let's go" hinila ko sa kamay si Seph papasok sa magiging room niya. We have separate rooms pero magkatabi lang. At katabi din ng mga rooms namin ang iba pang mga board of directors from different companies "this is your room Seph. Pag may kailangan ka, katukin mo lang ako sa kabilang room okay. I'll let you rest then we'll have dinner after"

"Salamat El"

"You're always welcome. See you later"

-

Stolen lives Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon