#Titibotibo03 Continuation
liked by happy :)
XP @xyllderekp
You'll pay for this shit, whoever you are.Napangiwi ako nang mabasa ko iyon. Hay, ano ba naman 'yan siya? Wala na ba siyang ibang threatening words? Iyan na rin iyong sinabi niya sa akin two weeks ago, noong matapon sa kanya iyong mga itlog na binili namin. Tsk. Dinagdagan lang ng whoever you are. Mga bwisit, wala talagang respeto.
Medyo na-curious ako bigla kaya naisipan kong i-stalk siya. 7k tweets and 1.3k followers. Hindi naman maipagkakaila na sikat si Xyll sa school. Mukha naman talaga siyang anghel pero 'yung ugali dinaig pa ang demonyo. Punyeta. You'll pay for this shit mo mukha mo!
Nagscroll down pa ako. Bigla ko kasing naalala iyong nangyari two weeks ago. I'm just wondering kung ano kaya 'yung mga pinagsasabi niya? Baka you'll pay for this shit nanaman?
Ilang saglit ay nakita ko na rin. Napatango na lang ako nang makitang wala naman siyang tinweet about do'n. Ayos ah.
Ilang oras rin akong nakahilata sa kama ko habang nagse-cellphone. Ewan, maraming nangyari ngayong araw. Nakakatamad na bumangon. Wala rin akong balak na tingan ang mga pasulubong ni tita. Umasa pa naman ako na sapatos 'yung pasalubong tapos bestida pala. Nakakainis.
Hindi ko na namalayang nakatulugan ko na pala ang pagse-cellphone. Naggising na lamang ako sa alarm clock ko. Balak ko pa sanang bilangin kung ilang oras ba akong natulog kaso wala akong maalala.
Nang makaligo at makapagbihis ay kinuha ko na ang bag ko sa tabi. Walang ayos-ayos kung ano mang subject ngayong friday. Wala naman akong pake, hindi naman ako nagsusulat. Lagi kasing nawawala ang ballpen ko tapos wala pang magpapahiram kesyo iwawala ko lang din daw. Walang awa talaga iyong mga nagnanakaw sa mga ballpen ko. Mga hayop.
"Oh? Hindi ba sabi ko iwasan mo na ang ma-late?" bungad sa akin ni papa nang makarating ako sa kusina.
Napatingin naman ako sa relo ko. "Sus. 7:15 pa naman. Ayoko pumasok ng homeroom."
Sakto alas siyete kasi ang pasok ko tapos 30 minutes HRG. Sus. Nakailang late slip na ako, wala naman akong pake, hindi naman iyan ang basehan para makagraduate, e. Panakot lang iyan. Sus talaga.
Ininuman ko lang ng konti iyong kape ni papa saka umalis na.
"Hindi ka ba man lang magsusuklay? Nakakahiya kang anak ka." ani papa.
"Nagrereklamo ka na late ako tapos ngayon... Ewan ko sa 'yo, Paps. Labo mo kausap. Bye!" paalam ko.
"Hindi naman tayo nag-usap." rinig ko pang sabi niya. Hindi ko na lang pinansin iyon.
Nagsusuklay ako habang naglalakad. Hindi dahil ayaw kong ma-late, kun'di dahil ayaw kong makita ang sarili sa salamin, simula nang nangyari kahapon ay ayaw ko nang makita ang sarili ko, naaalala ko lang iyong nangyari.
Wala na rin akong pakialam kung makita ko man si Jeric sa daan. Bahala siya, isusumbong ko siya sa pulis. Grabe kaya iyong nangyari sa 'kin no'ng umuwi ako pagkatapos kong hiwalayan si Audrey. Sinugod nila 'yung grupo namin, tapos ako 'tong nawalaan ng gana, nagpabugbog rin. Muntik na akong mamatay no'n.
Nakarating ako ng school nang walang Jeric na nagparamdam. Mabuti naman iyon, pero ngayong nakapasok na ako, hindi ko maiwasang hilingin na sana hindi ko makakasalubong ang Xyll na iyon. Baka masabihan nanaman ako ng you'll pay for this shit. Minsan napapaisip din ako kung magkano kaya 'yung shit na 'yon?
Nang malapit na ako sa classroom namin ay tumingin muna ako sa relo ko. Tamang-tama, 7:30 na rin. Hihintayin ko na lang si ma'am na makalabas ng room.
BINABASA MO ANG
Titibo-tibo (COMPLETED)
De TodoCOMPLETED || Buong akala ni Demi ay forever tibo na siya, hindi niya akalaing may isang lalaking papasok sa buhay niya na ipapatunayang walang matigas na tinapay sa mainit na kape kapag nagmahal.