Chapter 28

238 38 0
                                    

#Titibotibo28 Xyll's Birthday

Ito na nga iyong pinakaaantay ni Xyll. Siyempre, hindi lang naman oo ang ibibigay ko sa kanya ngayon. Umorder din ako ng singsing para sa aming dalawa. Tinulungan pa ako ni Nico na pumili, siya na rin iyong nagsuggest. Kaya pumayag na lang din ako.

Hindi ko maiwasang kabahan. Ito na nga. Nag-aayos na ako. 18th birthday nga ni Xyll pero mukhang kakabugin niya pa ata iyong mga babaeng magde-debut ngayong taon. Iba talaga kapag mayaman. Pati legality of age, bonggang selebrasyon talaga.

"Sigurado ka bang magugustuhan 'to ni Xyll? Hindi naman masyadong korni 'to 'no?" paninigurado ko habang nakatingin sa box na pinaglalagyan ng singsing. Regalo ko lang naman 'to, pero bakit feeling ko magpo-propose ako sa kanya?

"E 'di tapon mo 'pag hindi," sagot naman ni Gelo saka pumasok na sa driver seat. "Sakay na!"

Panay ang tingin ko sa salamin dahil hindi talaga ako komportable sa lagay ko ngayon. Simpleng kulay baby pink lang naman iyong suot kong off-shoulder dress na galing pa kay Genesis. Kinakabahan talaga ako dahil hindi naman ganoon kalaki iyong boobs ko, baka biglang mahulog. Jusko!

"Ano ba naman 'yan?! Ang likot mo!" reklamo ni Gelo na nagmamaneho.

"Huwag mo na kasi akong pansinin. E, ikaw kaya 'tong lumaking tibo, tapos pasu-suot ko sa 'yo 'tong tanginang dress na 'to!"

Nang makarating kami sa village ay mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko.

"Saan ba banda nu'ng bahay ng gagong 'yon?" tanong ni Gelo. Tinuro ko naman kung saan banda, kaya nang ipinarada na ni Gelo sa tabi iyong pickup ni Boss ay hindi ako makababa sa kaba!

"Oh, huwag mong sabihing alilain mo 'ko dito?" ani Gelo bago siya bumaba ng sasakyan.

Bumaba na rin ako at sumunod sa kanya. Marami na rin namang tao ang nasa labas kaya medyo nabawasan rin iyong kaba ko. Pumasok kami saka hinanap iyong mga kaklase naming invited.

Maya-maya ay nakita rin namin sila. Pinauna ko na lang muna sina Gelo dahil naisipan kong puntahan si Drex sa isang gilid.

"Drex!" tawag ko. Lumingon naman siya kaagad.

"Uy, whoever you are. Ganda mo, ah!" aniya pa na nginiwian ko lang.

"Saan ba si Xyll?"

"Ah. Si Xyll? May kinakausap pa do'n," napatingin naman ako kung saan siya nakaturo. Nandoon nga si Xyll, may kinakausap na mukhang mga tropa ng tatay niya. "Gusto mo tawagin ko?"

"Hindi. Hindi na. Mamaya na lang. Ako na lang ang lalapit," sabi ko na lang saka nagpaalam agad sa kanya.

Hindi naman siguro ako sa excited sa lagay na iyon, 'no? Fuck. Gusto ko lang kasi talagang tapusin na 'to. Gusto ko nang umuwi. Hindi ko na talaga kaya iyong kaba ko. Ngayon lang 'to mangyayari sa buong buhay ko!

Tumungo ako sa likod ng mansion nina Xyll. Sabi niya kasi exclusive lang iyon para sa kanya, kaya sure ako na walang nakatambay do'n. Tinext ko na lang siya na puntahan ako dito sa favorite spot niya nang mabitawan ko ang cellphone ko pati ang box na hawak ko dahil may tumulak sa akin mula sa likod. Tangina!

Agad akong napatingin sa likod nang makita ko na si Xandra kasama ang mga kaibigan niya.

"Seriously, ate March? You're going to let this trash to win?" sabi niya sa katabi niya sa kaliwa habang masungit na nakatingin sa akin. "Look," aniya pa saka tawang-tawang itunuro ako. Natawa rin iyong mga kaibigan niya. "You better get back with Xyll now. You guys really look good together."

Napailing na lang ako saka tinalikuran sila at sinumulang pulutin ang cellphone ko at box na natapon. Pagtingin ko, isang singsing na lang iyong nasa loob.

Titibo-tibo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon