Chapter 21

293 44 0
                                    

#Titibotibo21 Genuine

"One week?" tanong ko nang kumalas ako. Hindi siya nagsalita, tumingin lang siya sa mga mata ko. Itinabi niya sa tainga ko ang mga nakakalat kong buhok. Ayaw na ayaw kong hinahawakan ng lalaki ang buhok ko, pero hinayaan ko lang siyang gawin sa 'kin 'to ngayon. "A-Anong meron sa one week?"

Napaiwas siya ng tingin. "Can we at least don't think about the things we're encountering today by not asking questions? Just please..." Halos pabulong na saad niya.

Huminga ako nang maluwag saka tumango. Pinunasan ko ang basa kong mga pisngi gamit ang sleeves ng blouse ko. Naiwan ko kasi iyong panyo ko sa bag. Sanay rin naman si Xyll na ganito ako kaya wala na akong dahilan para mahiya.

"Is it okay for you to hangout with me just for this week? Whole week, I mean," aniya.

"Kahit isang taon pa 'yan," sabi ko ng nakangiti.

Buntong-hininga lang ang nakuha ko mula sa kanya. Gusto kong itanong sa kanya kung ano bang nangyayari, pero sinabi niyang huwag na munang magtanong para at least naman ay makalimutan na lang muna namin ngayon ang problema namin. Sa halip na makakalimutan ko iyong problema ko, mas lalo lang dumadagdag dahil hindi naman siya nagsasalita. Mas lalo akong nauusisa.

"Hindi ba dapat kailangan nating pagaanin ang loob natin sa paraan ng pag-alis ng mabigat na bagay dito?" Tinuro ko iyong dibdib ko. "Paano ko namang maggawang hindi isipin 'yung problema ko kung sobrang bigat ng pakiramdam ko?"

"I'll make you happy, then." Napailing ako sa sagot niya.

"Hindi. Paanong mapapasaya mo ako kung alam kong hindi ka masaya? Ayoko ng ka-plastikan, Xyll. Hindi tayo tanga."

"If you want me to be happy, then just agree about what I've just said. I am already happy with that. You're the only one I need..."

Natahimik ako sa sagot niya. Matapos ang dalawang buwan na hindi niya pagpapakita? Na walang paalam? Na maabutan kong may iba na siya?

"May girlfriend ka, 'di ba?" diretsong tanong ko. Ayoko na ng paligoy-ligoy pa.

"Demi—"

"So, meron. Layuan mo na lang ako. Mas lalo akong nasasaktan." Akmang tatalikod na ako nang hawakan niya ang braso ko.

"Demilane—"

"Demi," pagtatama ko. Ayokong tinatawag ako sa ganyang pangalan, pero sa ilang araw na magkasama kami, hinahayaan ko siyang tawagin ako ng gano'n. Wala, e. Tinamaan.

"Okay. I'll tell you everything, but not now."

Hinarap ko siya. "Bakit pa kailangang patagalin? Bakit hindi na lang ngayon? Nandito na tayo, e!"

"I pleased you to not to ask, Demi. It kills me."

Napasuklay na lang ako sa aking buhok dahil sa frustration. Tangina. Bakit ang hirap intindihin ng mga bagay-bagay ngayon? Parang ang dami namang requirements para lang makapasok sa gate of happiness. Tapos iyong mga requirements hindi mo sigurado kung ano ang mga iyon. Na kapag nagkamali ka ng pasa, magsisimula ka naman ulit. Minsan iniisip ko kung tama lang ba ang hindi makuntento. Kasi araw-araw kang may nalalaman, araw-araw ka lang mauusisa. Nakakapagod.

"Genesis didn't make it..."

Napatingin ako sa kanya. "A-Ano?"

"Demi, could you please stop asking? If your concern right now is my happiness, stop asking. It might only hurt you."

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. "Bakit pa? Nandito na. Nasasaktan na ako! Isagad mo na! Ayoko namang saka mo na sasabihin kapag okay na ako. Tapos ano? Babalik na naman ako sa simula? Gusto ko nang makaalis sa ganitong feeling."

Titibo-tibo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon