Chapter 30

244 40 0
                                    

#Titibotibo30 Debut I

"Kailangan pa ba 'yun?" tanong ko nang utusan nila akong magsulat ng mga 18 roses, candles or whatsoever, para sa birthday ko. Grabe, ang corny!

"Siyempre! Once in a life time lang 'yan, Demilita!" sabi ni Joseph.

Sinimangutan ko sila. "Ah! Tama na. Masyadong OA. Simpleng kainan lang."

"Oh, siya sige. Kung 'yan ang gusto mo." sagot ni Tiyang.

Umakyat na lang ako sa kwarto ko saka naglaro na lang ng ML. Ngayon lang uli ako nakapaglaro nito. Sobrang busy kasi talaga ngayong March, e. Ang daming PTs na ipapasa, mabuti na lang at katatapos lang ng exam week. Wala na akong masyadong iisipin kundi ang pagtransfer na lang ng ibang school.

"Bwisit naman, oh!" mura ko nang mamatay ako dahil sa lintik na kakampi 'to dahil iniwan ako sa lane. Iyong iba naman e kung saan-saan pumupunta! Wala atang mga mapa, e. Patay tuloy lagi, walang back up 'tsaka hindi kami makasira ng tower! Akala ko tuloy stress reliever 'tong ML pero mas lalo lang akong nai-stress sa mga kakampi ko.

Nasa gitna ako ng paglalaro nang biglang tumawag si Xyll. Mabuti na lang at hindi ako naka-RG, kun'di sasapakin ko talaga 'to kapag nakita ko siya.

"Ano?!"

"You okay?"

Napaikot na lang ako ng mata. "Ano kailangan mo? Naglalaro ako."

"Nothing. I just missed you."

"Huh. Whatever," sagot ko na lang saka binaba na iyong tawag. Wala, e. Nakakakilig kaya para sa 'kin iyon. Miss ko na rin naman si Xyll, e. Hindi ko lang masabi dahil medyo nako-kornihan ako sarili ko kapag ginawa ko iyon. Hindi ako sanay na lalaki na iyong lalambingin ko!

Siyempre, hindi ko pa rin nakakalimutan iyong nangyari noong isang araw.

"Just saw your ring."

Mabilis kong kinalas ang mga kamay niya sa bewang ko. Hinarap ko siya. Nakita ko ang biglaang pag-iba ng ekspresyon ng kanyang mukha.

"I'm sorry..."

Napatingin ako sa paligid. Si Gelo, Karen, Dee, Drex lang naman iyong nakatingin. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hindi ko alam kung masisiyahan ba ako dahil at least alam niya na ang totoo, o maiinis dahil sa dami ng mga masasakit na sinabi niya, sorry lang iyong natanggap ko?

"A-Ahh... u-una na ako" akmang tatakbo ako nang pigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko.

"Stop running away from me."

Napatingin ako sa kanya. Marami akong gustong sabihin pero bakit parang wala man lang lumalabas sa bibig ko? Ganito pala talaga iyon. Kung kailan nangyayari na iyong pinakaabangan mo, saka ka naman naduduwag.

"Mga p're. Mas mabuti na siguro kung iwan na lang muna natin sila dito," sabi ni Gelo. Sumunod naman sina Drex.

Nagulat na lang ako nang hilahin ako ni Xyll papunta sa likod ng mansion nilakung saan kami galing kanina. Hindi agad ako naka-react nang yakapin niya ako bigla. "I'm so sorry..."

"S-Sorry din... Hindi ko agad sinabi sa 'yo..."

Kumalas siya. "No. I should've asked you."

Malungkot ko siyang nginitian. "I miss you."

Iyon lang iyong nasabi ko nung araw. Ang rupok, 'di ba? Pero mas mabuti na iyon. Kaysa naman habang-buhay kaming ganoon. Puro kami pakipot. Siguro lesson na iyong sa amin, na kailangan naming ma-realize dalawa.

Titibo-tibo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon