#Titibotibo38 Hidden
"Xyll..." ang tangi kong nasabi matapos naming isugod si Xyll sa Emergency Room.
Napaupo na lang ako dahil nanghihina na talaga ako. Konti na lang at aatakihin na ako sa puso kakaiyak ko. Nauubusan na ako ng hangin kaka-hikbi. Bakit ba kailangang dumagdag pa sa problema ko 'to?!
Lumipat ako sa upuan malapit sa waiting area ng Operating Room. Napasabunot na lang ako sa sariling buhok dahil sa katanginahang ginagawa ko; inaalala ang maamong mukha ni Xyll nang nakangiti, na nakayakap sa'kin, na masayang kausap ako.
Maya-maya ay nakarinig ako ng pamilyar na boses. Tumunghay ako para makita at nalaman kong Mommy iyon ni Xyll.
"What happened?!" naiiyak na tanong niya.
Tumayo ako. "Na-out of control po siya kaya nabangga sa puno ang sasakyan niya."
Pinunasan ko ang luha ko. Nakita ko talaga kung paanong nangyari 'yun sa kanya... ang sakit maalala.
"Magkasama ba kayo?"
Hindi agad ako nakasagot.
"Iha, ano ba talagang nangyari?" Napatingin ako sa Daddy ni Xyll. "Hindi kayo magkasama, 'di ba? Paanong nalaman mo?"
Bumalik ako sa pagkakaupo saka napahilamos sa sariling mukha. "Hinahabol niya po 'yung sinasakyan ko," sagot ko.
"What?" takang tanong ng Mommy ni Xyll.
"Bakit ka niya hinahabol? Where are you going, then?"
Nabaling ang atensyon namin nang dumating si Drex. Binati niya muna ang magulang ni Xyll saka siya tumingin sa 'kin. "Demi, naka-imbestiga na kami."
"What investigation?" takang tanong ng Mommy ni Xyll.
"Mawalang galang na ho, Tita, pero tungkol po ito sa problema ni Demi," ani Drex saka mabilis akong hinila at nilayo doon. Maya-maya ay pumasok kami sa may fire exit. Agad na nakita ng mata ko si Dee na tila hinihintay kami.
"Sorry..." Ang tanging nasabi ko dahil alam kong kasalanan ko kung bakit nangyari ito sa kaibigan nila.
"Cut that shit. I know you did that for Xyll's sake," sabi ni Dee. "We can file a case now. We investigated about Jeric Tee Gomez. He was from China. He went here with his grandmother after his mother's death."
May ibinigay si Dee na mga papeles. Isa-isa ko itong binasa at nang matapos ko ay saka ko napagtanto na... "Magkapatid kami..."
"Ano?!"
"Ano?!"Sabay nilang tanong.
Tangina, hindi ako makapaniwala.
"Pareha kami ng Lola, Emma Gomez, may-ari ng shoe business sa China! Pareho kami ng nanay, Derelane Gomez, ang kaso hindi nalagay ang Eleazar dito kay Mama."
"It make sense now, kaya pala siguro pera ang hinahanap niya sa 'yo dahil siguro sa business niyo!" puna pa ni Drex.
Natatandaan ko pa no'ng sinabi ng Daddy ni Xyll sa 'kin na hinahanap din ako ng Lola ko, at sabi rin ni Doc Dermia at Papa na dahil iyon sa ipapamana niya na business. Kaya ba...
"Tama ka." Pero ang hindi ko maintindihan, bakit hindi niya na lang sinabi? Bakit kailan pang mandamay ng ibang tao? Bakit kailangan niya pang manakit? Bakit pinatagal niya pa? Ang daming bakit!
Hindi na pinakwento pa ni Dee kung ano mang gusto kong i-explain sa kanya. Umaga na nang mabalitaan ko na ililipat na si Xyll sa private room. Medyo napanatag na ako roon kaya naman ay nagpaalam na ako na umalis upang kitain ang mga kasamahan ko sa gang dahil hindi kami natuloy kahapon.

BINABASA MO ANG
Titibo-tibo (COMPLETED)
РазноеCOMPLETED || Buong akala ni Demi ay forever tibo na siya, hindi niya akalaing may isang lalaking papasok sa buhay niya na ipapatunayang walang matigas na tinapay sa mainit na kape kapag nagmahal.