Chapter 36

215 33 0
                                    

#Titibotibo36 Kidnap

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang mga sinabi sa akin ng mga kaibigan ko. Biglang nag-aya si Xandra na lumabas daw kami dahil nabo-bored na raw siya sa kwarto niya. Syempre, nagtaka naman ako dahil sa dami ng kaibigan niya e ako pa 'yung niyaya niya.

"Wala lang. It's just you're genuine to be a friend. Halata namang peke lang ang friendship namin ng mga friends ko sa school, e," sagot niya. "But anyways, I don't mind naman."

Dumeretso kaming mall. Hindi namin kasama si Xyll dahil may lakad sila nina Drex at Dee. Broken na naman daw kasi si Drex, e. Hay nako, minsan ang hirap din klaruhin ng mga babaero, ano. Hindi mo alam kung sino ba iniiyakan.

"Bakit hindi mo yayain ang boyfriend mo?" tanong ko dahil pwede namang si Jeric 'di ba? Hindi naman sa ayaw ko siyang kasama pero masama talaga 'yung kutob ko ngayong araw kaya hindi ko feel lumabas.

"Hindi pa kasi nagre-reply, e. Busy siguro sa business niya," sagot niya. Nagtaka naman ako, business? Business kamo na patayin ako. Kung alam ko lang, nagpaplano na rin 'yun.

Nag-ikot-ikot lang din kami ni Xandra sa mall hanggang sa napadaan kami sa isang salon. Naisipang magpa-curl nitong si Xandra kaya nagpagupit na lang din ako into short hair. Nanibago nga ako pagkatapos, e. Ngayon lang ako nagpagupit nang ganito kaikli.

"Ang cute mo pala sa hair na 'yan!" komento ni Xandra. "You look like manang kasi sa haba ng hair mo dati!"

Napailing na lang ako sa sinabi niya. Pagkatapos ay dumeretso ulit kaming Chowking para kumain. Maya-maya ay tumunog ang kanyang cellphone hudyat na may nagtext. Nakita ko ang pagngiti niya habang binabasa niya kung ano iyon.

"Halika, puntahan natin 'yung friend ko!" aniya.

"Sinong friend ba 'yan?" tanong ko, kinakabahan.

"Friend ko sa school, kakauwi lang galing Japan. Kukunin ko lang 'yung pinapabili ko sa kanya."

Sumakay na kami sa kotse niya. Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang mag-alala. Pakiramdam ko, may mangyayari talagang masama! Baka madi-disgrasya kami ngayon? Huwag naman sana.

"Hindi ka naman siguro magtatagal doon diba?"

"Nope."

Maya-maya ay hindi ko maiwasang magtaka nang lumiko kami sa isang daan na walang katao-tao, ni-bahay na nakatayo wala. Mas lalo akong naguluhan nang inihinto niya ang kotse sa tapat ng isang abandonadong building. "We're here!"

Kumunot ang noo ko. "Abandoned place 'to ah." sabi ko pa.

"Dito raw kami magkikita, e."

"Ano?" gulat na saad ko. "Baka kung anong meron diyan sa loob."

"Relax, Demi——ay ate pala. Kung gusto mo dito ka lang. Ako na lang 'yung bababa." Hindi pa ako nakapagsalita ay bumaba na nga siya. Jusko, ano bang klaseng kaibigan ang meron 'tong si Xandra?

Naiwan ako sa kotse niya. Naghintay ako ng ilang minuto hanggang sa nakahinga ako nang maluwag dahil nakita kong lumabas na ring safe si Xandra.

Subalit mas bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba nang makita mismo ng dalawang mata ko kung paano lumapit sa kanya ang tatlong taong nakaitim saka tinakpan ang kanyang bibig!

Nakita ko kung paanong nawalan ng malay si Xandra. Mas lalo akong nanlamig sa nakita ko. Shit! Hindi ko pa naman din nakita ang mukha ng mga taong iyon dahil nakamaskara sila!

Nang mapansin kong napatingin ang isa sa kanila sa gawi ng kotse na sinasakyan ko ay mas lalo akong nabalisa. Nang nagsimula siyang humakbang ay napilitan akong lumipat sa driver's seat.

Titibo-tibo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon