#Titibotibo20 One Week
Agad akong napatayo nang mawala na siya sa paningin ko. Tumakbo ako at huminto muna sa may front door para silipin siya. Nandoon lang siya katabi sa ng katabi naming classroom. May kinakausap siya habang nakangiti. Napatayo naman ako nang tuwid nang lumingon siya sa gawi ko. Nakaramdam agad ako ng pagkadismaya nang mawala ang ngiti niya nang nakita niya ako. Hindi rin naman nagtagal, binalik niya agad ang atensiyon niya sa kinakausap niya sa kabilang section saka kumaway. Papasok na sana ako ng classroom nang makarinig ako ng boses ng babaeng sinisigaw ang pangalan niya. Pagtingin ko roon, nasaksihan ko kung paano masayang kinawayang muli ni Xyll iyong babaeng sigurong kausap niya kanina.
May bago na pala. Bakit kailangan pang mam-block? Bakit hindi na lang sinabi sa 'kin? Pinagmukha pa akong tanga kaaalala sa kanya tapos ganito lang pala aabutan ko pagbalik ko. Tsk. Hayop.
Napatalon ako sa gulat nang may tumapik sa akin sa balikat. Paglingon ko, si Jeremy pala. "Okay lang 'yan, p're. Lalaki lang 'yan," bulong niya sa 'kin.
Napairap ako. "Tsk."
"Nakita ko na rin 'yan dati. Hindi ko lang pinansin. Sasabihin ko naman talaga sa 'yo, e. Kaso hindi naman ako sigurado," aniya.
Tinanguan ko na lang siya saka pumasok na sa classroom nang nakangiti. "Sana sinabi mo, para 'di na umasang may tayo pa sa huli!" pakanta-kanta ko habang naglalakad papalapit sa upuan ko. Grabe! Ngayon ko lang na-realize na sobrang loyal ko sa upuan ko. Ang loyal ko talaga!
"Uy, Familiar 'yung boses mo!" gulat kong tinignan si Mara. Hindi naman kami masyadong nag-uusap dito sa room. Ewan ko ba dito sa babaeng 'to. Minsan meron talaga tayong kaklase na parang hindi natin kaklase! Hindi ko alam kung talaga bang hindi ko lang siya napapansin o sadyang always na nawawala 'tong nilalang na 'to.
"Parang 'di kita kaklase, ah? Sa ilang beses kong nag-ingay dito, ngayon mo pa napansin 'yung boses ko?" masungit na sambit ko saka umupo na sa upuan ko at ipinatong ang mga paa sa upuan ni Lizel, which is sa harap ko. Naka-P.E uniform naman din kami kaya no problem if may makita man na kung ano dito.
"Hindi 'yun! What I mean is kumakanta ka ba sa mga resto bar?" tanong niya pa. "Kanta ka pa nga ulit!"
"Ayoko nga! Ano ka sineswerte?"
"Ah, baka nga kagaya lang kayo ng boses," aniya tapos sandali siyang napatingin sa baba na para bang may iniisip. "Pero kasi, 'yung bandang iyon laging naka-maskara. Malamang kasi Mascara 'yung pangalan ng bandang 'yun, e," aniya saka napakibit-balikat.
Nang tinalikuran na niya ako ay saka na ako natauhan. Potek! Kami pala iyong tinutukoy niya! Fuck. Pinaalala pa ng lecheng Mara na 'to! Na-miss ko na naman!
"Mara!" lumingon naman agad siya. "Fan ka no'n?" tanong ko, dahil kung sakali, baka ganahan ulit akong kumanta, pero at the same time baka magalit iyong amo namin, siya pa naman nagpapaaral sa 'min nina Gelo dito. Pinagyabang ko pa iyon sa kapatid ni Xyll noon. Mata-pobre talaga.
Mabilis siyang tumango. "Lahat naman ng banda sinusuportahan ko, pero nakakamiss lang talaga 'yung bandang 'yun. 'Yun pa naman 'yung kauna-unahan kong minahal."
"As in?" hindi ko talaga maintindihan kung paano namin nagawang mag-usap sa ganitong distansiya. Doon kasi siya nakaupo sa harap tapos ako naman sa pinakalikod. May apat pang upuan sa pagitan namin.
"Oo. Kaso biglang nagsara 'yung resto bar na pinupuntahan ko kaya ayun. Hindi ko na rin sila nakita pagkatapos," sabi niya. "Ikaw ba? Mahilig ka rin ba sa mga banda?"
Dahil sinagot naman niya ako nang maayos ay tinanguan ko na lang siya. Madalas kasi ini-snob ko na kapag obvious naman na iyong sagot. Cool. May fan pala kami.
BINABASA MO ANG
Titibo-tibo (COMPLETED)
De TodoCOMPLETED || Buong akala ni Demi ay forever tibo na siya, hindi niya akalaing may isang lalaking papasok sa buhay niya na ipapatunayang walang matigas na tinapay sa mainit na kape kapag nagmahal.
