Chapter 09

370 57 0
                                    

#Titibotibo09 Selos

Hindi ako makapaniwala sa mga gusto ni papa. Ako? Pinapayagang makipag-date sa gago?! E, hindi nga ako pinapayagan na mag-sleep over which is iyong laging hinihiling ko sa kanya, tapos ngayon na hindi naman ako nagpaalam; na wala akong balak magpaalam pero payag na payag siya? Hayop.

Nagagalit na si Papa kaya wala na akong magawa kung hindi ay ang sumunod na lang. Nagpalit ako ng damit, iyong simple lang din; iyong madalas kong pinoporma—itim na T-shirt saka sinamahan ko ng pulang checkered, kaya nang pagkababa ko ay galit pa rin si Papa. Sa sobrang inis ay hindi ko na siya pinansin, dumeretso ako sa labas at hinintay si Xyll sa tapat ng kotse niya. Nakakainis naman. Tsk.

Nakangiti si Xyll habang papalapit sa akin na naging dahilan para mas lalo akong mainis. Pinagbuksan niya ako ng pinto, wala pa rin akong imik, kaya habang nasa biyahe na ay hindi na rin siya nakatiis.

"Hey, are you mad?" tanong niya.

Sa bintana lang iyong tingin ko kaya hindi ko siya nakikita. Inikot ko lang iyong mata ko sa sobrang inis. Hindi pa ba halata, Xyll?

"I'm sorry, kung gusto mo balik na lang tayo sa inyo," sabi niya pa.

Hindi pa rin ako sumagot. Huwag na, nangyari na, e. Ngayon niya pa naisip iyan na kanina ko pa sinasabi na huwag niya nang ituloy kasi ayaw ko naman talaga? Napakabobo naman!

Nagulat na lang ako nang bigla niyang iniliko ang kotse pabalik. "Anong ginagawa mo?" inis na tanong ko.

"What's the point of this night if you'll just gonna keep your mouth shut; not talking to me," aniya.

"So kasalanan ko?"

"That's not what I meant, I just want to spend my night with you... again..."

Napa-tsk ako. Nakakainis pero nakakakonsensiya at the same time. Argh! Ngayon lang ako na-guilty nang ganito. Kasalanan niya naman 'di ba? Sinabi ko naman una pa lang na ayaw ko. Pero baka naman may problema siya ngayon?

"Hindi," matigas na sabi ko kaya napatingin siya sa akin. "Balik ka ulit, itutuloy natin 'tong date na 'to."

"You sure?"

Hindi na ako nagsalita pa habang nasa biyahe, ganoon din siya. Maya-maya ay huminto kami sa isang restaurant. Kumain kami, siyempre. Hindi ko lang maiwasang mainis dahil i-date ba naman ako tapos pag-uusapan lang namin iyong about sa school like ano raw ang first impression ko kay sir or maam. Tipid lang ang mga sagot ko sa kanya na siya namang hindi na nauubusan ng tanong na kahit halata namang wala na talaga siyang masabi para lang mai-entertain ako sa pakana niya.

After niyon ay dumeretso kami sa mall. Nagataka naman ako kung bakit, iyon naman pala ay binilhan ako ng kuwintas! Jusko naman, Xyll Derek! Ano bang ginagawa mo?

"Anong nakain mo?" agad na tanong ko sa kanya habang naglalakad pabalik sa kotse niya sa parking lot.

"Huh? We ate the same food, right? What's with the question?" aniya.

Napairap ako. "Pilosopo. Ang ibig kong sabihin, bakit mo 'ko binilhan ng kuwintas? Para sa'n 'to?"

Kibit-balikat lang iyong nakuha kong sagot sa kanya saka siya pumasok sa driver seat. Tingnan mo 'to! Hindi na ako pinagbuksan!

Ang akala ko ay ihahatid niya na ako pauwi pero nagtaka na naman ako nang dalhin niya ako sa lugar kung saan hindi pamilyar sa akin. Ano bang nangyayari sa gagong 'to? I wonder kung ganito rin iyong mga ginagawa niya sa mga exes niya? Kasi kung oo, hindi na ako magtataka kung bakit marami siyang ex. Well, sabi naman nila na siya raw ang nakikipagbreak, pero malay natin na may isa pa lang babaeng nakipaghiwalay dahil sa ka-weirdo-han niya sa buhay.

Titibo-tibo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon