#Tititibotibo15 Wait If Interested
"Nandito ka na naman sa labas?"
Napabuntong-hininga na lang ako sa inis nang marinig ko na naman ang tanginang boses ng makulit na lalaking 'to. Tangina, kailan ba ako lulubayan nito?
"Paki mo?" pagsusungit ko. Akala ko aangal na naman siya sa pagsususungit ko. Tinabihan niya ako at bumuntong-hininga na animo'y nagluluksa.
"May problema ka ba?"
Sinimangutan ko lang siya sa sinabi niya. Feeling close talaga. As if naman sasabihin ko sa kanya kung ano or kung ano pa man ang problema ko. Hindi kaya ako naniniwala do'n sa mas maganda raw magkwento sa strangers. Sus. Ang korni! Sa babae lang uso iyong ganyan!
"Alam mo maganda ka—"
"Ang landi mo," putol ko sa kanya.
"Kaso—"
"Tibo," dugtong ko.
"Actually... Akala ko talaga kanina babae ka, pero nung sinabi ni Gen na tomboy ka, shookt ako—Oops. Share ko lang!"
Hindi ko maiwasang mapangiti nang natawa siya sa sariling sinabi. Napailing ako saka nilingon ko siya. "Ang korni mo, alam mo ba 'yun?" sabi ko saka isinandal ang likod sa railings.
"Mas nakakatawa kaya 'yung cornys, natawa ka nga, e!" sagot niya. "Pero, first of all. Hindi 'yun joke."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakla ka ba?" tanong ko na siyang ikinanlaki ng mga mata niya.
"Aba! Hindi magandang tanong 'yan, Demi ah!" aniya habang umaaktong parang bakla.
"Tsk," sabi ko saka iniwas na ang tingin sa kanya.
Umayos siya ng tayo. "Hindi. Magpa-pari nga ako, e!"
Binalik ko ang tingin sa kanya. "Seryoso?!"
"Ay, gulat na gulat? Seryoso ako, ah!"
"Baka hindi ka matanggap. Mukha ka pa namang demonyo."
"Ang sakit mong magsalita, Demi. Ayoko na kasing magmahal..." napayuko siya sa sinabi niya. Ay, ang drama.
"Bakit din?"
"Wala. Nakasakit kasi ako ng taong mahalaga sa 'kin..." sagot niya.
Kumunot ang noo ko. "Ha? Ano? Hindi kita maintindihan," sabi ko naman. Grabe 'to. Hindi ko akalaing magda-drama 'to sa harap ko. Pero okay lang, nac-curious ako, e.
"Ah... dati kasi may niligawan ako... mahal na mahal ko 'yun..." huminto siya saglit. "Sige na, sabihin mo na kung anong nangyari," utos niya.
Napanganga ako sa sinabi niya. "Naglolokohan ba tayo dito?" galit na tanong ko. Gago 'to. Akala ko talaga seryoso na 'yun tapos bigla ba naman ipatanong sa 'kin kung ano bang sunod na nangyari sa kanila! Hindi man lang i-diretso! Ang bobo talaga!
"Joke lang! Eto na nga—"
"Hoy, hindi na ako interesado sa istorya mong gawa-gawa lang," pagpigil ko sa kanya.
Tumikhim siya. "Eto, totoo na talaga. Totoo 'yun. No'ng una, sinubukan kong ligawan siya... ang sabi niya... kung talagang interesado ba talaga ako sa kanya, hihintayin ko siya..."
"Bakit? Saan ba siya pupunta?"
"'Yun nga e, hindi ko alam kung sa'n ba siya pupunta—pero 'di nga, seryoso tayo dito oy! Hindi ko alam kung pabobo ka lang or sadyang bobo ka talaga. Hindi 'yung literal na hintay, siyempre!"
"Oh, continue," sayang walang alak. "Hala! Hindi ba't kasali ka sa eighteen roses?" naalala ko bigla.
"Kanina pa ako tapos, ako kasi 'yung una. Tropa lang ako ni Gen, e. Not so important."
BINABASA MO ANG
Titibo-tibo (COMPLETED)
РазноеCOMPLETED || Buong akala ni Demi ay forever tibo na siya, hindi niya akalaing may isang lalaking papasok sa buhay niya na ipapatunayang walang matigas na tinapay sa mainit na kape kapag nagmahal.