#Titibotibo01 Before She Met Xyll
"Demi! Bumili ka nga ng toyo!" rinig kong tawag ni Tiyang mula sa kusina.
"Wait lang!" sagot ko habang hawak-hawak pa rin ang cell phone ko.
"Anong wait lang?! Masusunog ang niluluto ko! I-pause mo muna yan!"
"Rules of Survival to, Tiyang! Hindi to napo-pause!"
"Isa, Demilane, ha! Itatapon ko yang cell phone mo!"
Fuck. Wala na akong nagawa kundi ang mag-quit. Nakakabanas naman kasi 'tong si Tiyang, e. Luto-luto tapos hindi pala kumpleto sa ingredients.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa sofa. Tumungo akong kusina at nakitang nakapatay na iyong apoy na pinaglulutuan niya.
"Ano yan? Lumuluto habang walang apoy? High tech, ah!" saad ko nang makalapit sa kanya.
Napaaray naman ako nang kinurot niya ang aking tainga. "Sa susunod, umayos ka sa pagsagot!"
"Totoo naman, e. Tingnan niyo, walang apoy. Naubos na yata ang gasul natin." Puro kasi luto ng mga pagkain na matagal maluto kaya naubusan na kami ng gasul.
"Tanga kang bata ka, e kung hindi ko pinatay iyan, malamang natuyo na iyan."
"Tsk. Kung alam ko lang, e di sana hindi na 'ko nag-quit," bulong ko.
"May sinasabi ka?!"
"Sabi ko ang sakit sakit sakit sakit na ng tainga ko!" inis na sabi ko.
Agad ko namang hinimas ang aking tainga nang bitawan na niya ito. "Lagi mo lang akong kinukurot sa tainga, Tiyang. Alam mo bang may possibilities na mabulag ako dahil diyan?"
"Mabuti na yung mabulag ka! Para di ka na makakita."
Aray ko po.
Ganyan ba talaga ka-concern iyong kapatid ng Tatay ko? Kung hindi ko lang Tiya iyan e baka nasapak ko na iyan. Ang sungit!
"Okay lang! Para hindi mo na ako mautusan!" masayang sagot ko naman sa kanya.
"Daming sinasabi! Umalis ka na ngayon sa harapan ko kung ayaw mong ipalo ko sa 'yo 'tong sandok! Kunin mo ang pera r'yan sa mesa."
At para hindi mapalo ng sandok, sinunod ko na si Tiyang.
Habang naglalakad tungong tindahan ay may naririnig akong sigawan. Boses lalaki ang mga iyon na tila ba'y may isang away na nagaganap. Hinanap-hanap ko kung saan ba banda ang ingay na iyon nang makita ko ang pinsan kong si Joseph na hinihingal na tumatakbo palapit sa akin.
"Demi! Kailangan ka nila Gelo doon sa tambayan ninyo! May sumugod na ibang grupo!" sabi niya habang hinahabol ang kanyang hininga.
Nataranta naman ako dahil doon. Imbis na sa tindahan ako dumeretso, e sa tambayan namin ako pumunta. Saka ko naman napagtantong nakalimutan kong ibigay na lang kay Joseph iyong pera para siya na lang ang bumili. Naku naman, patay tayo kay Tiyang!
Nang makarating sa tambayan ay agad akong napahinto sa nakita ko. Nag-uusap na lang sila.
Hindi ko kilala ang lalaking sumugod, pero base sa kanyang mukha ay parang galit na galit siya habang may sinasabi. Kaharap nito si Gelo. Seryoso ring nakikinig si Gelo habang hawak-hawak ng iba naming tropa na tila ba'y pinipigilan ito.
Marahan akong naglakad papalapit sa kanila ngunit mukhang useless din naman dahil nakita ako ni Imboy, isa sa mga tropa ko, kaya napatingin din ang iba kung saang direksiyon nakatingin si Imboy, which is sa akin.
Nakita ko ang pekeng ngiti ng lalaking mukhang leader ng gang na sumugod sa grupo namin. Maya-maya ay umalis siya sa kanyang kinatatayuan at tila ba'y papalapit sa akin, kaya ako naman, naglakad na rin para makalapit sa kanya. Bakit naman ako matatakot?
BINABASA MO ANG
Titibo-tibo (COMPLETED)
RandomCOMPLETED || Buong akala ni Demi ay forever tibo na siya, hindi niya akalaing may isang lalaking papasok sa buhay niya na ipapatunayang walang matigas na tinapay sa mainit na kape kapag nagmahal.