#Titibotibo29 The Party
Hindi ako makapaniwala sa nangyari kanina. Ano ba iyong mga pinagsasabi nila? Anong idea-idea ang tinutukoy nila? Bakit hindi man lang ako na-inform na may alitan pala silang dalawa? Sinubukan ko namang itanong si Jimuel kaso sabi niya charot lang daw 'yun. Napaka-walang hiya talaga ng taong 'yun.
"Oh. Cellphone mo." abot sa akin ni Gelo nang makalapit ako sa upuan ko.
"Binuksan mo 'to 'no?"
"Hala siya! Bakit parang ayaw mong buksan ko 'yan?"
"Binuksan mo 'to 'no?" tanong ko pa ulit. Tsk. Knowing Gelo, sobrang pakielamero niyan. Baka pinagbabasa niya lahat ng convo namin dito ni Xyll. Sobrang nakakahiya pa naman kung sakali.
"Wala! Bakit? May porn ka ba diyan?!" inis na sagot niya.
Maya-maya ay dumating na rin iyong adviser namin. Napamura na lang ako nang mapagtantong final exams na nga pala next week. "Bwisit. Nandiyan na naman tayo sa pa-clearance na 'yan!" ani Gelo.
"Sus. Last na din naman natin dito." sabi ko pa. Hay. Lilipat na nga talaga kami ng school. Dati, ayaw na ayaw ko dahil napamahal na ako dito, pero ngayon, parang gusto ko na lang din. Bagong buhay, tapos iwas Xyll na rin.
Hindi ko naman siya masisisi kung bakit ganoon na lamang ang inakto niya kanina. Magso-sorry kaya ako? Kaso naiisip ko na baka hindi niya rin tatanggapin. Best sample na 'yung nangyari kanina.
Nagsimulang dinistribute ng adviser namin ang clearance. Nang makuha ko ang akin ay agad akong napasapo sa noo nang una kong mapansin ang Sports Coordinator. Oo nga pala, same sports kami ni Xyll. Malamang makikita ko siya sa meeting. Ang OA din kasi ni coach. Hindi pipirmahan kapag 'di umattend. Tsk.
Wala rawng kaming pasok ngayong hapon. May meeting daw kasi ang mga subject teachers. About ata sa clearance. Bawal na ata magpapa-require ng product, e. Pero nakakainis kasi dahil hindi kasama si coach!
"Pupunta ka?" tawang-tawang tanong ni Gelo nang humiwalay ako ng daan.
Inirapan ko siya. "Alam mo bang hindi pinirmahan 'yung clearance ko nung grade 9 ako?" sagot ko.
"Goodluck!" tawang-tawang saad niya.
"Bahala siya. Kung gagawa man siya ng eksena do'n." sabi ko saka tuluyan nang naglakad tungong MAPEH Dep. Kinwento ko kasi kay Gelo iyong nangyari kaninang umaga. Ayun, tawa lang siya nang tawa. Bad trip talaga.
Pagdating ko, konti pa lang iyong tao. Minalas lang talaga dahil nandito na si Xyll. Kausap niya si Coach. Lalapit kaya ako? Bahala na.
"Oh, Eleazar! Long time no see!" napakamot na lang ako sa ulo ko nang tawagin ako ni Coach kaya pati si Xyll ay napatingin din sa akin. Tsk. Dapat talaga hindi na ako nagpapapirma, e. Hindi naman na ako naglalaro.
"Ano ba oras mags-start meeting, Coach?" tanong ko saka tamad na umupo sa sofa na tila ba hindi ko napansin si Xyll. Bahala siya. Magaling din ako magpanggap.
"Gusto mo start na tayo ngayon? Kayong dalawa lang ni Peterson?"
Pareho kaming napatingin ni Xyll sa isa't isa saka iniwas din agad. Tumayo na lang ako saka iniabot kay Coach ang clearance ko. "Papirma na lang, Coach. May emergency kasi."
Napansin ko ang pagkunot-noo ni Coach. Ang gago ko lang para sabihing emergency tapos kalmado lang ng boses ko. Wala rin.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang kunin ni Coach ang clearance ko. Akmang pipirmahan niya na nang mapansin ang kamay ko. "Wow! Pambabae 'yang singsing na 'yan, Eleazar, ah! Babae ka na pala ngayon! Kaya naman pala medyo naninibago ako mukha mo!" masayang sambit ni Coach. Agad ko namang tinago 'yung kamay ko. Napatingin din ako kay Xyll na ngayon ay mukhang nagulat din.
BINABASA MO ANG
Titibo-tibo (COMPLETED)
RandomCOMPLETED || Buong akala ni Demi ay forever tibo na siya, hindi niya akalaing may isang lalaking papasok sa buhay niya na ipapatunayang walang matigas na tinapay sa mainit na kape kapag nagmahal.
