#Titibotibo12 TwentySeven
Hindi ko alam kung kanino ako magkukwento. Gusto kong ikwento ang lahat ng nangyari. Gustong-gusto ko. Ayaw kong itago 'to, dahil kung ganoon, baka tuluyan akong mawawala na sa sarili. Gusto ko ng tulong kaso ayaw ko namang magkuwento kay Papa, baka imbis na pangaralan ako e aasarin lang ako. Kapag kay Tiyang naman... hindi ko rin feel, lalo na sa mga tiyo ko. Mga wala pa naman 'yung kuwenta, puro pang-aasar lang ang nasa utak. Kapag kay Joseph naman... pwede naman kaso... ayaw ko sa kanya. Bahala siya, hindi ko feel magkuwento sa kanya!
Napatingin ako sa cell phone kong nakapatay. Sinadya ko talagang i-off dahil ayaw ko maka-receive ng tawag or message mula kay Xyll! Tangina, iniisip ko pa lang iyong pangalan niya mukhang nababaliw na ako sa tension. Mukhang lalagnatin nga ako sa sobrang lamig ng nararamdaman ko ngayon. Putangina mo talaga, Xyll Derek.
"Wow, babae!" napatalon ako sa gulat nang may marinig akong boses lalaki. Napalingon ako sa likod at nakitang humahagalpak na si Jospeh sa kakatawa.
Sinimangutan ko siya. Walang hiya! Tingnan mo 'to. Hindi talaga nakakatulong sa buhay. Sobrang nakakainis lang talaga. "Kapag ako napikon, masasaksak talaga kita."
Umayos siya ng tayo. "Kanina pa kasi kita pinapanood dito, kanina ka pa diyan nagsusuklay sa harap ng salamin! Anong meron? May manliligaw na ba ang pinsan ko?"
Umupo ako sa kama ko saka itinapon ang suklay sa mukha ni Joseph. "Putanginang, destiny 'yan," bulong ko.
Umupo na rin si Joseph sa kama niya sa tapat ko. "Ano? Pakiulit."
Inikutan ko siya ng mata. "Ha! Narinig mo rin naman, alam ko."
"Ito naman, gusto ko lang naman kasi linawin."
"Linaw linaw pa, bahala ka sa buhay mo," sagot ko saka naub-ob na sa kama. "Tulog na ako, night!"
"Night? E, alas quatro pa lang ng hapon, baliw!" rinig kong saad niya. Naramdaman kong tinapik niya ako sa puwet. "Hoy, ano bang problema mo?"
"Huwag mo nga akong hawakan diyan! Bwisit!" sabi ko pero ginawa niya pa rin at nilakasan iyong pagpalo kaya naman ay napabangon ako sa sobrang inis. "Ano ba?!"
"Sabihin mo na kasi kung ano 'yon," aniya.
"Ano bang dapat kong sabihin?" patay malisya kong sabi. Ayaw ko ngang magkwento sa kanya! Ipang-tsi-tsismis niya lang 'to kina Gelo, mas lalo pa naman akong walang tiwala sa mga 'yun. Tsk.
"Sabi mo destiny, anong meron?"
"Wala! Ano bang paki mo ro'n?"
Nagkibit-balikat siya. "Bahala ka na nga sa buhay mo!" masungit na sambit niya saka umalis.
Nang tuluyan na siyang mawala sa paningin ko ay napabuntong-hininga ako. Muntik ko nang masabi. Akalain mong nakatulong pa iyong pride ko? Pero at the same time... gusto ko ng gumaan ang pakiramdam ko. Ayaw ko ng ganito, saan kaya pwedeng magkwento?
Napakunot ang noo ko nang may marinig akong pamilyar na tunog ng sasakyan. Agad akong dumungaw sa bintana at isang malutong na mura ang kumawala sa bibig ko nang malamang sasakyan ni Xyll iyon. Tangina! Bakit 'yan nandito?!
Nakita kong lumabas si Joseph kaya ginawa ko iyong signal para kumilos. Lumabas ako ng kuwarto at tumungong kwarto ni Papa. Nang makaharap sa bintana ay saka pa ako natauhan. Tangina! May sugat nga pala ako! Hindi ako makakatalon!
Ni-lock ko na lang iyong kwarto ni Papa saka nahiga sa kama. Hindi ko maiwasang isipin si Xyll. Puta, hindi naman siya ganoon dati, ah? Ano kayang nangyayari? Hindi ko na nagugustuhan iyong trip niya. Ginagago niya na ako! Tangina!
BINABASA MO ANG
Titibo-tibo (COMPLETED)
RandomCOMPLETED || Buong akala ni Demi ay forever tibo na siya, hindi niya akalaing may isang lalaking papasok sa buhay niya na ipapatunayang walang matigas na tinapay sa mainit na kape kapag nagmahal.
