#Titibotibo26GuardianAngel
Kumalas siya nang hindi pa rin ako makagalaw. Hindi ko maiwasang isipin ang paghalik niya. Noo lang naman iyon, pero sabi nila forehead kisses is one of the sweetest thing on Earth. First time ko iyon.
Nginitian niya ako saka na binalik muli ang atensiyon sa city lights. Samantalang ako, nanatili ang mga mata ko sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ganoong kabilis na pangyayari. Kung hindi ba ako nagka-problema, ibig sabihin no'n kami na kaya?
Hindi. Hindi ko dapat iniisip iyon ngayon. Ang importante, ngayon na ang huling araw naming dalawa. Tama na ang pagpapa-katanga. Tama na ang pagbibigay. Nauubos na ang pasensya ko.
"Xyll... paanong natanggap mo na ang nanay mo?" panimula ko.
Mabilis siyang napatingin sa akin. "I don't know..."
Kinunutan ko siya ng noo. "Paanong hindi mo alam? E, halos isumpa mo na siya dati."
Iniwas niya ang tingin sa akin. "I'm sorry..."
"Sorry? Sa akin?" takang tanong ko.
Kumawala siya ng buntong-hininga. "That time... that you were almost died in the hospital..."
Napaisip naman ako. Iyon na siguro iyong sinugod kong mag-isa si Jeric. Ibig sabihin ba, nandoon siya?
"I saw your father talking with a familiar doctor... guess who was that doctor?"
Nanatili akong tahimik.
"It was my mom."
Naalala ko naman bigla iyong time na na-disgrasya ako.
"In fairness sa 'yo, ah! Marunong ka pa lang maggamot?" sabi ko. "Hindi halata."
"Hell, yeah. Don't tell it to dad or mom if ever na magkita kayo," makahulugang saad niya.
"Ha? Bakit naman?"
"I want to be a doctor."
"Bakit ka naman nag-ABM kung gusto mo naman palang mag-doctor?"
Tinigil niya saglit ang ginagawa niya. "Because dad wants me to be a business man. I know you know how much I hail dad, right? Kaya susundin ko na lang kung ano 'yung gusto niya para sa 'kin, baka magiging success din ako tulad niya."
Napatango ako doon. Bumabalik na naman ang pagiging mabait niya. Hindi na siya iyong parang demonyo ang dating.
"But my mom taught me... about this thingy. Mom's a doctor. Yes, I hate her, but I want to be like her, too. For revenge... I guess?"
Natauhan ako bigla. "T-Teka..."
"I'm s-sorry for eavesdropping—" aniya pero mabilis ko siyang pinigilan.
"Bakit hindi mo agad sinabi sa 'kin?" galit na sabi ko.
Ngunit hindi siya sumagot; nanatiling nakatikom ang kanyang bibig.
"Bakit Xyll? Kailangan bang gawin mo 'kong tanga?"
"No!" mabilis na sagot niya. "I just can't..."
"Can't? Ilang gabi akong hindi makatulog kakaisip sa 'yo kung okay ka lang, na baka kung anong ginawa sa 'yo ni Jeric? Ha?"
"No... not that..."
"So, bakit hindi ka nagpakita sa 'kin matapos 'yon? Bakit hindi mo agad sinabi na hindi ako anak ng Mama ko? Bakit pati ikaw pinagkait sa 'kin 'yung mga bagay na dapat kong malaman?!"
"Listen to me first!"
Napatigil ako.
"That was the time when my mom saw me and so your father. My mom was crying that time that made your father feel so hella confused. I don't know what to do... I don't know what to react... It's just everything is fucked up... Given that you were lying unconsciously on your bed, I couldn't find anything to hold on. That was so breaking and I didn't know how to help myself knowing that you're the only one who can fix me... because you're the only one who knows about me..." napahinto siya saka napa-buntong hininga. "After that, your father told me not to come near you... because he told me that we're cousins.
BINABASA MO ANG
Titibo-tibo (COMPLETED)
RandomCOMPLETED || Buong akala ni Demi ay forever tibo na siya, hindi niya akalaing may isang lalaking papasok sa buhay niya na ipapatunayang walang matigas na tinapay sa mainit na kape kapag nagmahal.
