Chapter 14

330 55 1
                                    

#Titibotibo14 Moses

Natigilan ako sa sinabi ni Tita Yvon. Sabay naman na napatingin sa akin si Daniel at Joseph. Si Tito rin, napatingin din siya rear-view mirror. Napansin ko rin sa sarili ko na hindi ako maka-react. Kasi hindi ko naman alam kung ano bang ire-react. Oo nga pala at bakit hindi ko naisip na ia-arrange nga pala siya; na hindi nga pala valid 'yung date namin kasama ang pamilya niya.

Napailing ako nang makarating kami sa lugar kung saan ihe-held ang party. Hindi na ako magtataka kung bakit sa lugar na ito ang napili. Siyempre, future asawa nga, e. Malamang hindi na dapat ako magtataka kung bakit dito sa soon to be business ni Xyll magaganap.

Pero hindi ko pa rin nakakalimutan 'yung nangyari kahapon. Kung gayon, sino 'yung kasama niya? Hindi naman iyon si Genesis, e. Tsk, kaya pala wala akong na-recieve na kung ano mula sa kanya dahil busy sa iba!

"Huy, okay ka lang?" napatingin ako kay Joseph. Sinimangutan ko lang siya saka naunang pumasok sa loob ng restaurant. Wala akong ganang magsalita, at lalong hindi ko type makipag-usap kay Joseph.

Nang makita ko na sina Papa ay dumeretso ako sa table nila.

"Ang ganda naman ng Demi namin," komento ni Tiyang na inikutan ko lang din ng mata. Ayaw ko talagang kino-compliment ako. Nabu-bwisit lang ako.

"Bakit ka ba nandito? Doon ka umupo sa mga pinsan mo," sabi naman ni Papa.

"Ayoko. 'di ko naman close mga 'yun," sagot ko naman.

"Sus! Dito na 'yang si Demi, kapag 'yan nandun, panigurado mawawala lahat ng ganda ng mga pinsang niyang babae dun," saad naman ni Tiyong Dong kaya napatingin ako sa kanya.

"Nice ka, Tiyong! Your the best!" sabi ko saka inapiran siya.

"Hoy, Demi. Huwag mo ngang ilabas 'yang pagka-tibo mo dito. Nakakahiya, naka-damit pambabae ka, oh," ani Tiyang.

"E, bakit kasi pinasuot niyo pa ako ng ganito. Pwede naman 'yung usual kong suot. Gumastos pa tuloy kayo," sagot ko.

"Reklamo ka pa, e ang ganda mo sa suot mo ngayon. Ganda-ganda pa ng pag-make up sa 'yo ni Yvon."

"Oo nga, Dem. Mas maganda ka pa sa debutant—"

"Hoy, Dong! Tumahimik ka nga diyan!" putol ni Tiyang kay Tiyong Dong.

Natawa naman kami ni Tiyong kaya nag-apiran ulit kami na siyang kinainisan ni Tiyang dahilan para mapilitan akong lumipat sa table ng mga pinsan ko dahil galit na sa 'min si Tiyang.

"Woah, ikaw ba 'yan, Demi?" tanong naman ni kuya David. Ang panganay sa aming magpi-pinsan.

Tinanguan ko lang siya saka naupo sa tabi niya. "Wala bang nakaupo dito, kuya Dav?" tanong ko.

Nagtaka naman ako sa tingin ni Kuya Dav kaya nang ilibot ko ang tingin sa buong table ay nagulat ako dahil lahat sila ay nakatingin sa akin. "Hala? Ba't ganyan kayo makatingin?" tanong ko.

"Super ganda mo, Demi!" ani Sandy.

"Bi na ba, ins?" sabi naman ni Cedric.

"Hay nako, Ced. Babae na 'yan!" sagot naman ni Joseph kaya inikutan ko na naman siya ng mata. Kulang na lang, e mahuhulog na 'yung mata ko. Nakakainis kasi.

"Ay, may pa-roll eyes na rin si Demi! I love it!" napasapo na lang ako sa aking noo nang sabihin iyon ng pinsan kong si Elizabeth. Hayop talaga, lahat na lang pinapansin!

"May boyfriend na ba ang tomboy?" tanong naman ni Adam.

"Hay! Tigil-tigilan niyo na nga ako!" inis na saad ko. "Anong oras ba mags-start? Gutom na ako."

Titibo-tibo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon