Chapter 40

306 31 0
                                    

#Titibotibo40 City Lights

"Sigurado ka bang wala ka nang babalikan, Demi?" Pang-aasar sa akin ni Doc Dermia.

"Naku, Doc. Kung hindi mo lang talaga nakilala si Mang Ruben!" Natawa siya sa sagot ko.

Nagsimula na kaming naglakad papasok ng eroplano. Pupunta kaming China ngayon kasama si Lola. Death anniversary kasi ni Mama ngayong Biyernes. Kaming tatlo lang 'yung pumunta, ayaw na kasing sumama ni Papa so, ako na lang.

Kumawala ako ng isang malalim na hininga nang makaupo ako sa seat ko. Mabuti na lang at nasa bintana ako. Kaya lang, hindi ko maiwasang isipin ang nangyari last week. Hiwalay na kami ni Xyll. Nakakalungkot dahil hindi man lang kami umabot ng second monthsary namin. Sayang.

Hindi rin naman ako nakapalag no'n dahil pinapaalis na ako ni Dee, sumunod na lang ako agad, baka kasi kung mapa'no ko pa si Xyll dahil sa sobrang galit niya sa akin.

Bumalik naman ako ng hospital pagka-sabado. Mismong monthsary namin. Sinubukan kong maghatid ng pagkain niya kaso saktong palabas na siya ng hospital. Sinabihan ako ni Dee na huwag na munang magpakita kay Xyll dahil hindi pa raw totally okay ang tahi ni Xyll sa loob. Baka bumuka raw kapag nagalit siya.

Nitong lunes lang pumunta ako ng mansion nila. Hindi ako pinapasok ng guard. May dala pa akong tinapay no'n, favorite niya pero ayaw ipahatid ng guard kaya naghintay ako sa labas hanggang sa inabot ako ng gabi pero walang Xyll ang nagpakita. Kaya naisipan ko na lang umuwi.

Sobrang nasasaktan talaga ako no'n. Ang hirap pala kapag napamahal ka na tapos wala rin pala ang ending. Kapag na-attach ka na ng sobra tapos biglang tapos na? Akala ko pa naman na kapag mahal mo, hindi mo kayang tiisin. Bakit gano'n? Ang sakit, sobra.

Alam ko namang kasalanan ko ang lahat ng ito, e. Pero sana man lang hinayaan niya akong magpaliwanag. Ang bigat sa puso iyong ganito. Iyong gusto mong ikwento 'yung mga bagay na kailangan niyang malaman pero hindi mo magawa kasi ayaw ka naman niyang pakinggan?

Ang hirap ipasok sa utak na wala na. 'Yung hindi mo matanggap; lagi mo na lang naiisip kung bakit, to the point na hindi ka na makakain nang maayos. Iyong mga nakasanayan mo, tapos na. Nagagalit din ako kasi bakit ayaw niya akong makita?

Kaya nung Tuesday lang, pagkagising ko nag-uusap na sina Lola, Doc at ng pamilya ko. Dadalhin daw kami sa China para sa death anniversary ni Mama. Siyempre hindi na ako nagdalawang-isip na sumama. Kasi kailangan ko rin, e. Gusto ko na rin ng hangin. Pang stress out na rin kasi ayaw ko nang magmukmok pa sa kwarto kakaisip ng bagay na nakakasakit lalo sa damdamin ko.

Pero pagkatapos no'n ay bumalik pa rin ulit ako sa mansion nina Xyll. Sabi ko sa sarili ko na kapag isa pang pambabaliwala ay magtatagal ako ro'n sa China kung kailan ko gusto. August pa naman ang pasok sa bago kong papasukan na iskwelahan. Naasikaso na rin ni Gen kaya no worries.

Ang kaso, nang makarating ako roon ay wala raw si Xyll. Tumambay daw sa bahay nina Dee. Ang sakit pa nga nung sinabi ng guard na sinadya ni Xyll 'yun dahil naaasiwa na siya sa pabalik-balik ko sa bahay nila. Nung malaman ko 'yun, hindi na talaga ako bumalik pagka-kinabukasan. Kanina lang may ibinigay ako kay Karen na letter para kay Xyll. Nakasulat doon lahat ng gusto kong sabihin sa kanya since ayaw naman niya akong pakinggan.

Oo, titibo-tibo ako pero babae pa rin naman ako, mahalaga ang dignidad para sa isang babae. Kaya nakakaubos na ng pasensya ang mga lalaking hindi marunong magbigay ng respeto. Kahit huwag na niya akong mahalin, sapat na ang respeto para sa akin.

Si Jeric nga pala nasa hospital pa. May pinadalang katulong si Lola para bantayan siya.

Tila isang panaginip lahat ang sumunod na nangyari. Nang makarating kami sa China ay dinala pa kami ni Lola kung saan-saan. Medyo matagal na rin daw kasing hindi nakabalik si Doc Dermia kaya pamilyar na lang sa kanya iyong mga lugar. Iyong mga bagahe naman namin ay pinauwi ni Lola sa mga body guards niya na nag-abang sa amin sa airport.

Titibo-tibo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon