#Titibotibo17 Finding Xyll
Hindi ko alam kung paano ko ba sisimulan, kung paano ko ba sasabihin kay Xyll. Sa kaunting araw na magkasama kami, sa loob ng araw na mga iyon ay hindi malabong magkakagusto rin ako sa kanya. Sapat na 'yung dalawang buwan para makilala ko siya... pero bakit ngayon kung kailan handa na ako ay saka hindi pwede?
"Ano bang kasalanan ko sa 'yo, Jeric?" seryosong tanong ko sa kanya. Lakas loob kong pinuntahan ang lugar niya—mag-isa. Walang alam ang mga tropa ko rito, walang may alam na pumunta ako rito. Bakit ko naman sasabihin kung alam kong pipigilan lang naman nila ako? Kailangan kong ayusin 'to. Na dapat tapos na, kasi wala na akong makita pang dahilan para magkagulo ulit kami.
Napatingin siya sa likod ko. "Wala akong kasama. Wala akong balak gumawa ng gulo," mabilis na sagot ko na siyang ikinagulat ng kanyang mukha.
Napailing na lang ako nang natawa siya. "Seriously?" aniya.
"Ano bang kailangan mo?" diretsong tanong ko.
"Money?"
"Putangina, wala kang makukuha sa 'kin niyan!" sigaw ko. "Kaya ba dinadamay mo pati boyfriend ko?" tanong ko pa. Hindi ko boyfriend si Xyll pero kailangan kong sabihin para mapadali lang ang usapang 'to.
"Wow. Boyfriend. That's weird to hear from you."
"Hindi ako nagbibiro, Jeric," agad na sambit ko.
Nagkibit-balikat siya. Wala naman pala akong mapapala dito, e. "Nandito ka ba para magpakamatay?" tanong niya.
"Nandito ako para ayusin 'to—" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang makaramdam ako ng bakal sa tiyan ko. Napaupo ako sa tubong inihampas nila sa akin. Tangina.
"Tanga ka ba?" natatawang sambit ni Jeric. Nanatili ang mata ko sa kanya. "Ako kasi hindi," matapos niyon ay napapikit ako nang sampalin niya ako sa kanang pisngi ko.
Pinatayo naman ako ng mga kasamahan niya saka naman ako sinuntok ni Jeric sa tiyan. Napaungol naman ako dahil doon. Sobrang sakit... bakit... bakit ba ganito... ano bang kasalanan ko...
Matapos no'n ay hinampas na naman nila sa akin iyong tubo. Kusa na lang tumulo ang mga luha ko nang may lumabas na dugo mula sa aking bibig. Tangina...
Umiikot na iyong paningin ko. Unti-unting dumidilim... unti-unti na rin akong nawawalan ng pandinig... tanging tibok na lang puso ko ang naririnig ko... oras ko na ba? Kasi hindi pa ako handa...
Nakaramdam ako ng mainit na palad mula sa kaliwang pisngi ko. Sa sobrang hina ko na ay tumilapon ako sa tabi. Kahit na malabo ay nakita ko pa ring papalapit sa akin si Jeric. Sinimulan na niyang tadyakin ako. Napapaubo ako ng dugo... wala na akong lakas... tila ba oras na lang iyong taning ng buhay ko... tama nga si Jeric, tanga ako...
"As if demons can feel guilt."
Iyon na ang huling narinig ko mula kay Jeric. Pagkatapos no'n ay tuluyan na akong nawalan ng malay. Naggising na lang ako na nasa hospital na ako... tulad ng inaasahan ko...
Nagsilapitan naman iyong mga tao sa loob ng kwarto. Unang hinanap ng mata ko ay si Xyll... nasaan siya?
"I-Ilang araw n-na akong nandito?" agad na tanong ko.
"Tatlong linggo," sagot ni Joel. Wala rin si Gelo... nasaan sila?
"Umokey na ba pakiramdam mo, Demi?" ani Tiyang.
"Saan ka ba kasi pumupunta?" galit na tanong ni Papa. Nakita ko kung paano tumulo luha niya... fuck.
Tatlong linggo...
"Sorry, Pa..."
"Nakakalungkot pero hindi pa nahuhuli si Jeric," ani Joseph.
"P-Paano n-niyo nalamang si J-Jeric ang may g-gawa sa 'kin n-nito?" hirap na saad ko. Ang sakit ng lalamunan ko... tangina.
BINABASA MO ANG
Titibo-tibo (COMPLETED)
RastgeleCOMPLETED || Buong akala ni Demi ay forever tibo na siya, hindi niya akalaing may isang lalaking papasok sa buhay niya na ipapatunayang walang matigas na tinapay sa mainit na kape kapag nagmahal.
