Chapter 08

409 51 0
                                    

#Titibotibo08 6PM

+639059655786
Hey, why aren't you answering?

Laking pasalamat ko talaga kung sino man ang nagtext nito, dahil kahit papaano ay nabaling ang atensiyon ko dito. Naubos ko rin iyong pagkain ko. Sino kayang gago 'to? Hindi naman bago sa 'kin 'to. Madalas kasi akong nakakatanggap ng mga ganitong messages. Hindi na rin ako magtataka kung saan nila nakukuha iyong number ko, sa ugali pa lang ng tropa ko ay hindi na ako magdududa.

Wala rin naman akong load kaya hindi ko mareplyan kung sino mang kumag na ito. Well, kahit naman may load ako ay hindi ko rin trip na replyan ang mga ganitong klase. Mga haliparot.

Maya-maya ay nagvibrate ulit ang phone ko.

+639059655786
Sorry, I forgot to tell that it's me, Xyll.

Tangina.

Hanggang kailan ba ako tatatantanan ng gagong ito?

Bahala siya sa buhay niya.

In-airplane mode ko ang cell phone ko saka nahiga. Gusto ko nang matulog, wala naman akong gagawin mamaya maliban sa maghugas ng plato. Bahala na, nandiyan naman si Joseph, mas malinis pa magtrabaho ang bakla. May utak rin naman ako kahit papaano. At saka gusto ko na kalimutan ang nangyari kanina. Tangina kasi, hindi mawala sa isip ko.

Kinabukasan na akong naggising. Wala rin naman akong gagawin ngayong sabado. Naks, miss ko na si Audrey..

Tuloy-tuloy na vibration ang nagmula sa phone ko nang in-off ko ang airplane mode. Sunod-sunod na messages ang natanggap ko. Pinindot ko ang message app at tatlong message lang ni Xyll ang hindi ko pa nababasa. Una ko itong binuksan.

+639059655786
Where are you?

Bakit hindi ka matawagan?

It seems you're busy..

Pabibo rin itong itlog na 'to, e 'no? Feeling friend ang gago. Bahala ka sa buhay mo, Xyll. Tutal naman na maraming nagkakandarapa sa 'yo do'n ka sa kanila. Ako pa talaga 'yung pagtitripan mo.

Hindi ko na lang 'yun masyadong inisip. Inopen ko na rin ang mga ibang messages na natanggap ko. Uso pa pala itong tanginang group message na ito? Hayop.

Bumaba na akong kwarto at dumeretsong kusina. Pagdating ko roon, kumakain na si tiyo June. Nakaupo siya habang nakataas ang isang tuhod. Tangina, hindi na ako magtataka kung saan ako nagmana.

Masaya akong lumapit sa kanya. "Uy, tiyong!" bati ko saka umakto nang aapir pero naalala kong kamay lang pala iyong ginagamit niya sa pagkain kaya imbis na sa palad niya mapunta ang palad ko ay dumapo na lang ito sa noo niya. Natawa ako sa naging reaksiyon niya. "Lapad kasi tiyong, e!"

Umupo rin ako sa tapat niya. Sa sobrang tamad, kinuha ko na lang iyong rice cooker na nakalagay sa tapat niya. Konti na lang din naman iyong kanin kaya naisipan ko na dito na lang ako kakain. Lumingon-lingon muna ako sa paligid dahil nagba-baka sakali ako kung nandito ba si Tiyang o wala. "Tiyong, saan si Tiyang Lus?" tanong ko.

"Wala. Namalengke kasama ang bading," sagot niya.

"Good," sabi ko saka nilagyan na ng ulam iyong rice cooker. Wala namang paki iyan si Tiyong sa mga kalokohan na ginagawa ko na actually ay susuportahan ka pa niyan.

Agad kong hinugasan iyong rice cooker na pinagkainan ko nang matapos akong kumain dahil wasak ako nito kapag nahuli ako ni Tiyang. Binilisan ko talagang maghugas dahil kung hindi, baka pasasabay ni Tiyong iyong pinagkainan niya rin. Bahala siya, kanya-kanya kami hugas dito.

Naisip kong tumambay na lang muna kina Jimuel since wala naman akong gagawin dito sa bahay. Ichinarge ko muna iyong phone ko saka lumabas na ng bahay. Pagdating ko sa bahay nina Jimuel ay naabutan ko siyang naglalaro ng Mobile Legends kasama sina Gelo, Joel, Nico at Dats.

Titibo-tibo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon