#TitibotiboChapter33 Promise
"Anak naman ng tokwa, mga p're! Nagsama na nga ang dalawang demonyo!" galit na sambit ko nang maikwento ko na sa tropa ko ang nangyari noong isang araw.
"Posible rin na sinadya nu'ng Jeric na 'yun para mapalapit kay Xyll, kasi 'di ba? Nakareceive ka nung text na pinagbabantaan buhay ng syota mo?" suhestyon ni Mark.
Napaisip naman ako sa sinabi ni Mark. May punto siya pero... "Alam niyo, hindi ko rin maintindihan, e. Ano bang meron diyan kay Jeric at ayaw akong tigilan?! Nababanas na ako ah!" Napasabunot na lamang ako sa aking buhok dahil sa inis.
Kibit-balikat lang ang nagawa nila.
"Dem, sabihin mo na kasi kung ano ba talagang pinag-usapan niyo," ika ni Joel. "Hanggang ngayon dinedeny mo pa rin, e."
Napaisip naman ako sa sinabi ni Joel.
"Seryoso ha. Kung iniisip mo na ang laki mong tanga dahil nagtatapang-tapangan kang pumunta do'ng mag-isa, pwes, babaan mo na ang pride mo, aminin mo na. Lumalaki 'yung gulo, Demi eh," natahimik ako sa inasal ni Gelo. May sasabihin pa sana siya ngunit biglang tumunog ang cellphone niya.
"Yes, chief."
"Loudspeak mo," ani Tata.
"May balita na kami tungkol kay Miss Clemento."
"Sige po, chief. Pupunta na po kami diyan."
Pagdating namin doon ay kaagad naman kaming pumasok sa office ni chief. Hindi ko maiwasang kabahan dahil hindi ko naman alam kung masama o mabuting balita iyong sasabihin ni chief. Kaya hinihiling ko na sana natagpuan na nila kung sino mang may-ari ng van na iyon at bakit ginawa niya iyon kay boss.
"Good afternoon, Chief," sabay-sabay naming sabi.
"Umupo muna kayo," sinunod naman namin siya. "Kaninang umaga, nalaman namin kung sino ang may-ari ng van na ipinakita mo sa amin, iha," aniya na nakatingin sa akin.
"Sino ba chief?!" galit na saad ni Gelo.
"Kumalma ka muna, iho," aniya.
"E, paano ako kakalma? E, pinatay niya si Boss! Saan na ba 'yung gagong 'yun? Nakakulong na ba?!"
Humingang malalim si Chief at saka inutusan niya ang kasamahang pulis na dalhin dito ang kung sino mang gagong iyon. Hindi rin naman tumagal at nakita na rin namin iyong gagong may-ari ng van. Mabilis na sinalubong ito ni Gelo ng suntok.
"Gago ka!" sigaw ni Gelo. Inawat naman siya kaagad ng mga pulis.
Samantalang ako, nagpipigil na lang na sirain ang mukha ng lalaking dahilan ng pagkamatay si Boss.
"Bakit mo ginawa 'yon? Anong kasalanan ni Boss sa'yo?" tanong pa ni Jimuel.
Nanatili akong tahimik.
"Patawarin niyo ako---"
"Anong patawarin?! Sa tingin mo maibabalik ng isang tawad ang buhay ni Boss?!" galit na saad ni Gelo. "Demonyo ka!"
"Maawa kayo! Huwag niyo akong ipakulong, may sakit ang nanay ko---"
"Maawa?" sa wakas ay nakapagsalita rin ako. "Awa?" natawa ako nang bahagya. "Sana naisip mo 'yun bago mo ginawa 'yung bagay na 'yun sa amin. May sakit din 'yung Boss namin, p're! Ano bang ginawa niya sa 'yo para gaguhin siya ng gano'n? Naka-drugs ka ba?"
"Pasensya na..."
"Pasensya? Gawin mo 'yan kay lord---"
"Nagawa ko lang naman 'yun dahil kailangan ko ng pera pambili ng gamot ni mama!"

BINABASA MO ANG
Titibo-tibo (COMPLETED)
RandomCOMPLETED || Buong akala ni Demi ay forever tibo na siya, hindi niya akalaing may isang lalaking papasok sa buhay niya na ipapatunayang walang matigas na tinapay sa mainit na kape kapag nagmahal.