#Titibotibo24 Sweetest
9 missed calls mula kay Xyll. Wala akong ganang makipag-usap ngayon kung kanino. Maraming nagme-message kaso wala akong ganang basahin iyon. Nakakagago lang 'tong araw na 'to—ang buong linggong ito. Sunud-sunod na problema ang dumarating.
Tangina, patay na pala si Mama. Six months ago pa. Kaya pala sobrang nagalit sa akin si papa noong na-ospital ako ulit. Ayaw niyang pati ako, mawala. Oo, naiintindihan ko naman siya. Hindi lang naman ako ang nagluluksa dito, pati siya... ang laking tanga ko lang noong naglayas ako... sobra... ang dami kong napagtanto ngayon...
"Demi..." napatingin ako sa pinto nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Nakasara iyong pinto pero alam ko kung kanino iyon. Bakit siya nandito? Okay na ba kay papa? Alam niya na ba?
Huling araw na namin bukas. Ayaw ko namang palampasin itong araw na 'to. Pero sa sitwasyong 'to? Wala akong balak lumabas. Ang tanging gusto ko lang na mangyari ngayon ay ang makita si mama... kahit iyong libingan niya lang... kahit iyon na lang...
"Demi, open the door," aniya pa. "Please."
Alas sais na ng hapon at hindi pa ako kumakain. Kahit naman na may pagkain dito sa kuwarto, hindi ko rin kakainin. Wala akong gana. Sino ba naman kasing tao ang may gana pang kumilos sa ganitong sitwasyon? Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko. Ang laki kong puta. Wala na akong ginawa kun 'di ang makipagaguhan sa ibang tao. Sobrang makasalanan ko. Parang gusto ko na lang na mawala ako sa mundong 'to... wala na akong ginawang tama...
"Don't be like that... I'm still here, talk to me..."
Talk to me, huh? Paano ko naman siya kakausapin kung ayaw niya naman akong patanungin? Hindi siya makakatulong ngayong araw. Puro problema na nga ako dito tapos dadagdag pa 'tong isang 'to? No thanks.
"Demi, may susi ako ng kwarto. Bubuksan ko na 'to," boses iyon ni Joseph.
Hindi ako sumagot. Bumukas nga ang pinto. Agad akong napatingin doon. "Huwag kang mag-alala, hindi ko pinapasok si Xyll," aniya. Nanatili akong nakatingin sa kanya at binigyan ng tinging nagtatanong kung bakit nandito ang lalaking iyon, ngunit iba ang nakuha ko sa mukha niya. "Demilita, huwag mo nga akong tignan ng ganyan. Nakakatakot ako sa 'yo. Mukha kang sinasapian!"
"A-Ano?!"
"Ang putla-putla mo na, tapos ang gulu-gulo pa ng buhok mo. Kulang na lang papapuntahin ko dito si Ed Caluag! Baka sinasapian ka talaga," aniya. "Kinikilabutan ako sa 'yo!"
Bumangon ako sa kama. Sinimangutan ko lang siya nang mapatalon siya sa gulat. "Tangina, bakla ka nga talaga."
Kinuha niya iyong suklay sa katabi niyang mesa at itinapon ito sa akin. "Magsuklay ka nga! Swear, kung pwede lang na tumakbo, ginawa ko na!"
"Oh, bakit hindi mo gawin ngayon?"
"I'm saving your ass, Demilita. Baka magtataka si Xyll kung bakit ako tumakbo."
"Eh, ano naman ngayon?"
"Demi, kung alam mo lang. Dapat siya 'yung pinapasok ko rito, kaso sabi niya maghihintay na lang daw siya labas. Kasi 'yun daw 'yung sinabi mo sa kanya. Maawa ka naman diyan kay pogi. Ilang beses na 'yan binubugaw ng papa mo. Ayaw niya namang umalis hangga't hindi ka niya rawng nakikitang okay. Hangga't hindi ka raw sumasagot. Kaya napilitan akong pumasok dito kahit na ayaw ko."
Natauhan ako sa sinabi ni Joseph. Kung gano'n, hindi pa pala sila okay ni papa? Ano ba talagang nangyari?
Hindi ko na patatagalin 'to. Pipilitin ko siyang sabihin ang lahat.
Tumayo ako at binuksan na ang pinto ng kuwarto. Pagtingin ko, nakasandal si Xyll sa may pader katabi ng pinto ng kwarto. Agad siyang napaayos ng tayo nang makita niya ako. Gusto ko siyang yakapin, kasi kailangan na kailangan ko iyon ngayon... kaso hindi muna ngayon, huwag dito. Ayokong magbreakdown dito, kasi alam kong iiyak na ako niyan once na niyakap ako ng taong mahalaga sa akin.
BINABASA MO ANG
Titibo-tibo (COMPLETED)
RandomCOMPLETED || Buong akala ni Demi ay forever tibo na siya, hindi niya akalaing may isang lalaking papasok sa buhay niya na ipapatunayang walang matigas na tinapay sa mainit na kape kapag nagmahal.