#Titibotibo31 Debut II
Napatingin ako sa table ng tropa ko. Napansin ko ang biglang pagtahimik nila. Kingina...
Napatayo ako. Napatayo rin si Jimuel. Magsasalita na sana ako nang unahan niya ako. "Hoy, Karen. Tumahimik ka nga. At oo, totoo 'yun, Dems. 'Tsaka matagal naman na 'yun. Uso move on! Hoy, Karen! Mag-wish ka na nga. Ang dami mo pang sinasabi. May palaglag-laglag ka pa diyan."
Natawa ang lahat. Napasapo na lang ako sa noo ko nang makaupo ako. Jusko po. Nakakahiya talaga 'yung nangyari. Mabuti na lang pala at wala si Xyll. Panigurado akong magseselos 'yun.
So tinapos na nga ni Karen ang sasabihin niya. Sumunod naman si Genesis. "Happy Birthday, couz!" pa-intro niya. "And yeah, nasabi ko naman na sobrang gandang-ganda ako sa 'yo. Well, we're not that close as before nu'ng mga bata pa tayo, so wala talaga akong masasabi na kung ano-anong memories... But then, I heard na nawala 'yung scholarship niyo and... you know what I mean..." malungkot niya akong nginitian. "I came here not to wish, but to grant your wish. Since I told you naman na hindi na tayo close, this time, I'll make sure that I'll bring back that closeness that we had before... pina-enroll na kita sa school kung saan ako nag-aaral."
Napanganga ako sa sinabi ni Genesis. Wow! Iba talaga kapag mayaman, e 'no?
Pumalakpak ang mga tao nang yakapin ako ni Genesis bilang pagtatapos. Sumunod naman si Tiyang. Dito 'yung sobrang nakakaiyak na part. Ang daming sinabi ni Tiyang simula pagkabata ko hanggang ngayon. Naiyak din ang mga bisita habang kinkwento niya kung gaano ako ka-walang malay na patay na pala si Mama.
Nang matapos siya ay nagtaka ako nang mapagtanto kong hindi pala si Tiyang 'yung last candle. Aba. Sino na naman kaya 'to?
"Itong babaeng nahuhuli ay super mahalaga talaga kay Dems-noon! So, let's all welcome-dendenden!" ani Joseph-the super duper cute emcee daw. Walang hiya.
Napanganga ako nang makita ko si Audrey. Napatayo at sumigaw naman ang mga tropa ko. Lalong-lalo na si Jimuel na talagang hinatid pa si Audrey papunta sa akin.
"Uhm.. H-Hi, Demi." 'yan pa lang ang sinabi ni Audrey pero panay na ang hiyawan ng mga tropa ko sa dalawang table. Ghad. Buti na lang talaga mga kapit-bahay't kamag-anak ko lang 'yung bisita!
"First, gusto kitang pasalamatan na inalagaan mo ako sa loob ng isang linggo," aniya pa, isang hiyaw mula sa tropa. "Pero kung iniisip mo na nako-konsensya ka nu'ng nakipag-break ka, no, okay lang 'yun. Aware naman ako na hindi tayo tatagal nu'n. Kasi nalaman ko na may gusto sa iyo 'yung isa mong kaibigan."
"Sino?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko siya kilala, e. Basta ang sabi niya sa 'kin, be-break'an na raw kita dahil sisiguraduhin niya na palalambutin ka niya-"
"Tangina mo, Gelo!" napahinto tuloy si Audrey dahil sa pagsigaw ni Jimuel.
Napa-face palm na lamang ako.
"But... Alam mo ba, I was really glad that you met my kuya!" napangiti ako. Ako rin. Marami pang sinabi si Audrey bago nagsimulang muli ang eighteen treasures saka naman sumunod ang mga eighteen roses na pinangunahan ng mga uncle ko.
"Tangina mo, Gelo," bungad ko kay Gelo nang makalapit siya para isayaw na ako. "Tangina, kadiri ka talaga."
"Tangina mo rin. Naniwala ka naman." aniya pa.
"Kaya pala tingin nang tingin habang nakangiti sa 'kin si Audrey no'ng huling sama namin. Inutusan mo na palang hiwalayan ako." kadiri talaga. Hindi ko ma-imagine kung bakit nagkagusto sa akin si Gelo! Kaya pala puro 'ang ganda mo' laging lumalabas sa bibig ni Audrey, e.
BINABASA MO ANG
Titibo-tibo (COMPLETED)
AcakCOMPLETED || Buong akala ni Demi ay forever tibo na siya, hindi niya akalaing may isang lalaking papasok sa buhay niya na ipapatunayang walang matigas na tinapay sa mainit na kape kapag nagmahal.