#Titibotibo19 Back
"Hala! Galing ka namang hospital? Sinong kasama mo? Bakit mag-isa ka lang?" sunud-sunod na tanong ni Lizel matapos niya akong pagbuksan ng gate ng bahay nila.
"Paano mo nalamang galing akong hospital?" takang tanong ko. Umakto na nga akong okay para hindi halatang nanghihina ako. Mabuti na nga lang at hindi umitim iyong suntok sa mata ko. Ang pangit kaya tignan nun!
Tinuro niya 'yung kamay ko, kaya napatingin ako saka nalamang nakalimutan ko palang alisin iyong wristband ko. Ang bobo lang. "'Yan oh! Bakit may ganyan ka na naman?!"
"Alam mo, Lizel. Papasukin mo na lang kaya muna ako bago mo ako interviewhin dito? Alam mo naman palang galing akong hospital, paano kapag nahimatay ako dito? Ang init-init, oh!" masungit na saad ko.
Pinapasok niya na nga ako. Pinakilala niya muna ako sa mga ate niya saka tumuloy kami sa kwarto niya kesyo nahihiya ako sa mga ate niya sa sala.
"Oh, ano na naman bang nangyari sa 'yo?" tanong niya pa ulit.
"Lizel, pwede dito muna ako tumira—"
"Ano?! Hala! Naglayas ka?!" gulat niyang sambit.
Napakunot ang noo ko nang mapansin kung bakit over siyang maka-react. Hindi naman talaga kami iyong as in close pero nakakapagtaka lang iyong concern niya. Hindi naman kasi siya ganyan dati, e. Kahit nga no'ng pasko hindi ko alam kung bakit natambay siya sa bahay. Hindi rin naman sila close ni Karen, lalong-lalo na si Gelo. Ayaw no'n ng mga pabebe.
"Gulat na gulat?" taas-kilay kong tanong. "Hindi nga ako nagulat nang do'n ka nagpasko sa bahay, hindi naman tayo close!" matanong nga si Karen kung anong meron sa babaeng 'to.
Kumunot ang noo niya. "Oh ngayon, dapat ba akong magulat dahil naisip mong pumarito kahit 'di naman tayo close?" ika niya, emphasizing the 'close.'
Kibit-balikat lang ang isinagot ko sa kanya saka pabagsak na humiga sa kanyang kama. "Naglayas ako, ayaw kong makita ako nila Papa," sabi ko.
Umupo siya sa dulo ng kama. "Seryoso?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Inis ko siyang tiningnan. "Oo nga!" nakasimangot na sagot ko.
"Alam mo, pwede kitang palayasin anytime kapag sinusungitan mo ako," aniya sabay bigay ng pekeng ngiti.
Inikutan ko lang siya ng mata. "Ikaw naman kasi, ayusin mo naman kasi 'yung mga tanong mo."
"But anyways, ano nga pala kasing nangyari sa 'yo?"
"Nalipasan lang ng gutom."
Kinenwento ko kay Lizel ang lahat ng kagaguhang nangyari sa akin. Hindi naman siya nagreact about kay Jeric, medyo nakakainis lang kasi hindi ko alam kung paano ko ba ie-express iyong galit ko. Nasanay kasi akong magkwento kay Gelo. Kung pwede nga lang doon muna ako makitulog kaso lang malalaman agad ng pamilya ko. Hay, pakiramdam ko tuloy sobrang sama kong anak. Hindi naman sa tinatakasan iyong problema, gusto ko lang naman magpa-stress out muna.
Kinabukasan ay naggising ako sa nang inalog-alog ako ni Lizel dahil hinahanap daw ako ni Gelo at hindi niya alam kung ano bang sasabihin. Napagtanto ko rin na mabuti na lang at dito ko naisip lumapit kay Lizel. Hindi ko akalaing maasahan siyang tao kahit na napaka-tsimosa niyang tao sa school. Pinaniwala niyang wala ako rito sa bahay nila. Sumama pa nga siya kina Gelo sa paghahanap sa akin para raw more convincing. Nakokonsensiya na talaga ako. May pasok pa naman bukas. Kabanas namin kasi, bakit kasi January 4 pa iyong pasok? Parang tanga lang. Sino bang gaganahang pumasok ng friday?
"Paano ka bukas? Papasok ka ba? Dami mo pa kayang hahabuling lessons plus exam mo pa next week. Ano ba naman kasing pinanggagawa mo sa buhay mo?" litanya ni Lizel habang pine-prepare ang susuotin kong uniform bukas.
BINABASA MO ANG
Titibo-tibo (COMPLETED)
AcakCOMPLETED || Buong akala ni Demi ay forever tibo na siya, hindi niya akalaing may isang lalaking papasok sa buhay niya na ipapatunayang walang matigas na tinapay sa mainit na kape kapag nagmahal.
