#Titibotibo18 Layas
"Happy New Year!"
Sabay-sabay na bati ng mga kapit-bahay namin nang makarating kami sa bahay galing simbahan. Siyempre, kilala naman nila ako na walang modo kaya hindi ko sila pinansin at dumeretsong pumasok.
Agad akong nahiga sa kama ko nang makaakyat ako ng kwarto ko. Wala akong ganang magpuyat. Hindi rin naman ako pinapansin ni Papa. Ewan ko ba do'n, bigla-bigla na lang naging gano'n. Ano kayang problema?
Inopen ko na lang ang account ko sa twitter. Napansin ko agad ang nag-iisang message notification ko. Nakaka-curious lang dahil wala namang masyadong nagd-dm sa akin. Sino kaya 'to?
Nakita kong nasa message request iyon. Kaya nang maibuksan ko iyon ay nagtaka ako kung sino ba itong nag-message sa akin dahil hindi ko naman siya kilala, ni pamilyar. Ini-stalk ko naman ito ngunit ako pa lang ang nag-iisang following niya at wala pa siyang follower. Hindi rin nakalagay sa profile niya kung kailan siya nag-join. Aba, paano ako nakilala nito?
KING @kered_gge: hi
Hala? Manlaladi ba 'to?
KING: Kumusta?
demi: okay lang naman.
KING: Kumain ka na ba?
Napaikot na lang ang mata ko sa tanong niya. Sino ba 'tong gunggong na 'to? Hindi ko kayang sagutin 'to. Ibang tao ang gusto kong magtanong sa 'kin niyan. Hindi 'tong King na 'to!
Hindi ko na lang iyon ni-replyan. E, sa hindi ko alam kung ano bang isasagot ko, e. Wala pa naman akong masyadong alam sa mga ganito, iyon bang lalaki na ang kumakausap sa akin, hindi tulad noon na puro babae. Nakakamiss din pala.
"Demi! Sila Gelo do'n kailangan ng resbak!" agad akong napabangon sa sigaw ni Joseph na kararating lang sa kuwarto.
"Ano?" gulat na tanong ko.
"Pumunta ka na do'n! Kailangan ka nila!" patalon-talon niyang giit.
Tumayo naman ako agad saka mabilis na tumakbo, ngunit napatigil naman ako sa hagdan nang mapagtanto kong hindi na pala ako pwede sa ganoong bagay. Paano kung mas lalo siyang magalit sa akin? Pero at the same time, paano naman iyong mga kaibigan ko? Kahit namang mga hayop iyon, ayaw ko ring silang mawala. Mga kapatid ko iyon sa ibang nanay.
Kapag hindi ko sila tutulungan, tiyak na magagalit sila sa 'kin. Galit na nga si Papa, ayaw ko namang pati mga kaibigan ko e magalit sa akin. Mahal ko tatay ko pero hindi na siguro mawawala sa akin ang pagka-tigas ng ulo ko... kaya tutulong ako.
Pagdating ko kung saan ang gulo ay agad kong sinunggaban ng suntok ang isa sa mga kalaban namin.
"Sino ba 'tong mga gagong 'to?!" sigaw ko sabay suntok sa kung sino man 'tong kasuntukan ko.
"Kasalanan na naman 'to ni Gelo!" boses iyon ni Imboy.
"Gago, hindi!" sagot naman ni Gelo.
"Putangina, new year na new year!" ani Joel.
Maya-maya ay kanya-kanya kaming takbuhan nang makarinig kami ng pito. Dumeretso agad kami sa bahay nina Mark. Si Mark na mukhang bahay.
Agad siyang natawa nang makita niya ang pagmumukha naming anim. "What the fuck? Ano na naman bang pinanggagawa niyo?"
"Hoy, gago ka, Mark! Konti na lang iisipin kong bakla ka nga talaga!" inis na sambit ko.
"Tangina, new year na new year mga p're tapos ganito? May utak pa ba kayo?" sabi niya pa sa amin.
BINABASA MO ANG
Titibo-tibo (COMPLETED)
RandomCOMPLETED || Buong akala ni Demi ay forever tibo na siya, hindi niya akalaing may isang lalaking papasok sa buhay niya na ipapatunayang walang matigas na tinapay sa mainit na kape kapag nagmahal.