#Titibotibo13 Genesis
Hindi naman kami nagtagal ni Karen doon. Pinag-usapan namin kung ano ba ang dapat kong gawin para malaman kung totoo ba iyong mga pinapakita ni Xyll. Pagkatapos niyon ay umuwi na ako para makapag-review na dapat kanina ko pa ginawa. Wala pa talaga akong nagagawang mabuti ngayong araw kaya kinabukasan ay literal na napanganga ako sa harap ng test paper nang makita ang back page ng Gen. Math. Puro problem-solving! Naku, naman!
Mabuti na lang at RS and PE iyong sumunod na subject. Nang matapos ay dumeretso akong soccer field para gawin na iyong plano namin ni Karen na hindi ko naman alam kung makatutulong ba o dagdag problema lang. Ilang buntong-hininga pa nga ang naggawa ko habang papalapit. Wala naman si Xyll doon pero putcha kinakabahan ako. Parang ayaw ko ng ituloy pa. Nate-tense talaga ako kapag naiisip ko iyong gagawin ko.
Nang makarating ako ay agad kong tinawagan si Xyll na puntahan ako dito sa field. Akala ko nga magtatanong pa siya kung bakit kaso wala at diretsong sinabi na on the way na. Narinig ko pa nga boses ni Drex sumusigaw ng 'baliw na sa 'yo' na as if naman kasalanan ko pa kung bakit.
Nang makita kong naglalakad papalapit sa akin si Xyll ay hindi ko maiwasang mapamura nang makaramdam ako ng kaba. Tangina, bakit ganito? Kabobohan talaga 'to.
"Why did you call me?" tanong niya.
Napalunok ako. Tangina, ito na ba? Sasabihin ko na ba? Bakit feeling ko sobrang mali kapag ako gumawa nun?
"De... uh... ano... uhm... teka..."
"Relax, okay? Are you okay?" nakangiting tanong niya. Gusto kong umiwas sa mga tingin niya. I hate the fact na gandang-ganda ako sa mga mata niya.
"Date tayo," mabilis na sabi ko at inaasahang magugulat talaga siya.
"W-What?" gulat na sabi niya. Sinimangutan ko lang siya bilang sagot. Alam ko namang narinig niya iyon, e. Gusto pa talagang paulit. "Okay, fine! Where do you want to go?"
"Saan ba maganda?" tanong ko.
"Derek's--"
"No!"
Natawa siya. "Bakit ayaw mo?"
Pinag-awayan pa namin kung saan kami kakain, pero ang ending ay sa labas lang ng school iyong bagsak namin. Kumain lang kami ng street foods doon pagkatapos ay dumeretso kaming mall dahil may bibilhin daw siyang pabango. Since wala rin naman akong gagawin ay sumama na lang ako. Hindi naman ako nailang habang nasa biyahe dahil bigla siyang nagkwento tungkol doon sa una niya akong nakita.
Hindi ko naman sinabi sa kanya na magpapa-bili rin ako ng pabango pero binigyan niya ako. Nakakatuwa lang dahil hindi siya iyong pambabaeng amoy. Okay naman pala 'tong gagong 'to, e. Kuha niya agad kung anong mga tipo ko.
"I still don't want to go home," biglang sambit niya habang naglalakad palabas ng mall.
"Uwi ka na, magre-review ka pa," sagot ko naman.
"Pwedeng sabay tayo?"
Napatingin ako sa kanya. "Gusto mo ng suntok?"
Kumawala siya ng malalim na hininga. "Hays."
Inikutan ko siya ng mata saka kinuha iyong dream cake ice cream na binili niya para raw sa 'kin. "Akin na 'to. Baka uwiin mo pa 'to sa inyo," sabi ko.
Tumawa siya. "Oh no, Demilane. Gusto mo araw-araw kitang dalhan ng ganyan?"
Napataas ang isa kong kilay. "No need. Ayaw kong masanay."
"What?"
"Ayokong masanay sa mga bagay na posibleng hahanap-hahanapin ko kapag mawawala," seryosong sagot ko habang diretsong nakatingin sa mga mata niya habang hinihiling na sana nakuha niya ang pinupunto ko.
BINABASA MO ANG
Titibo-tibo (COMPLETED)
RastgeleCOMPLETED || Buong akala ni Demi ay forever tibo na siya, hindi niya akalaing may isang lalaking papasok sa buhay niya na ipapatunayang walang matigas na tinapay sa mainit na kape kapag nagmahal.