Chapter 04

471 63 4
                                    

#Titibotibo04 The Date

Napanganga ako nang makita kung saan niya ako dinala. Hayop. Ang laking mansion ito a! Ang yaman pala ng lalaking ito.

"Let's go." hinila ako ni Xyll papasok ng mansyon nila. Gago talaga. Pasalamat siya wala na akong magawa.

"Tangina ka, siguraduhin mo lang na may suweldo ako mamaya. Gago ka." saad ko habang sinasabayan ang mga hakbang. Tangina, pinasuot ako ulit ng heels, hindi ako marunong maglakad gamit no'n tapos gaganituhin niya lang ako? Hihilahin niya lang ako? Ano ito? Gaguhan?

"Pwede bang dahan-dahan naman diyan sa paglakad kung ayaw mong hubarin ko 'tong heels na 'to at ipukpok sa ulo mo?" inis na saad ko pero hindi niya ako pinansin. Aba, gagong 'to.

Huminto siya sa harap ng nakasaradong pinto kaya nakahinga na rin ako ng maluwag. May awa naman pala itong hayop na ito, e.

"Just be mannerly. Huwag mo akong ipapahamak sa magulang ko if you still want to prolong your life." aniya.

Sinimangutan ko siya. "Gago ka. Ano akala mo sa 'kin, walang manners? Kung ayaw mo naman pala sa 'kin bakit hindi ka na lang naghanap ng iba, hindi iyong pinagtitripan mo ako sa ganitong paraan," seryosong wika ko atsaka iniwas na lang ang tingin sa kanya at humarap sa pintuan. "Hindi 'yung pinagmumukha mo akong tanga dito."

"It was all your fault, anyway. The eggs two weeks ago and you punched me yesterday. I didn't even touch you," sagot niya pa. "If I just knew that you were the one who hit me yesterday, I'd rather find another girl."

Hindi ko siya nilingon.

Maya-maya ay sinalubong kami ng isang katulong. Binuksan niya ang pinto at sinamahan kaming papuntang dining area. Pagkarating doon ay marami na ang nakaupo, mukhang pamilya niya ata.

"Sorry we're late." sabi ni Xyll sa kanila saka bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ko at isa-isang bineso ang magulang niya. Sus. Kunwari magalang, demonyo naman sa labas.

Natulala na lamang ako sa tabi. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko. Bebeso rin ba ako sa kanila? Ish. Tangina, wala naman sa akin iyan! Kapag nalaman talaga ito ng tropa ko siguradong mamamatay na iyon sa kakatawa. Grabe kasi itong katanginahang ito. Hindi ko na kaya.

Natauhan ako nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko. Napatingin ako sa kamay ko na ngayon ay may hawak rin ng isang kamay. Umangat ang tingin ko hanggang sa naaninag ko ang mukha ni Xyll na nakatingin at nakangiti sa akin. Hindi ko alam kung anong pakiramdam ko ngayon. Nanginginig ang mga tuhod ko. Ngayon lang ulit ako kinakabahan ng ganito.

"Eggy." natauhan ako bigla nang tawagin niya ako sa ganoong pangalan.

Kumunot ang noo ko. "Anong Eggy?" bulong ko.

"Eggy. Your name." pabulong din na sagot niya.

"Is there a problem, son?" naagaw ang atensyon namin sa boses ng nanay ni Xyll.

"No, mom," sagot niya rito tapos tumingin nanaman sa akin. "Let's have a seat." aniya kaya sumunod naman ako sa kanya.

Inalalayan naman niya ako na umupo. Wow. Tangina kunwari mabait.

Umupo rin siya katabi ko. Napatingin naman ako sa babaeng kaharap ko. Mukhang kapatid ata ito ni Xyll. Nice, ah. Chikabeyb.

"Let us pray." ani lolo ni Xyll. Grabe! Maka-Diyos pala itong pamilya ng kumag na ito.

"Hi, hija. What's your name?" tanong agad ng nanay ni Xyll nang matapos magdasal. Medyo nagulat ako roon. Nandito ba ako para interviewhin? Hayop talaga itong Xyll na ito. Mapahamak nga.

Titibo-tibo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon