#Titibotibo10 Worried
"Isaw nga, brad," saad ko saka binigay ang diyes pesos sa tindero.
"In fairness sa gagong Jeric na 'yon. Galing magtago," sambit ni Gelo saka sumubo ng isang fishball.
Nang matapos isawsaw sa sawsawan ang isaw na binili ko ay nagsimula na kami ulit maglakad ni Gelo paalis sa mga nagbebenta ng street food. Feeling ko talaga magkakasakit na ako nito. Isang buwan na akong puro isaw, gago kasi itong si Gelo, hindi naman niya sinabi sa akin na fishball warrior pala siya. Dinamay pa ako.
Hindi naman kami madalas magkasamang umuwi noon, pero simula noong nawala si Xyll sa buhay ko, doon na kaming nagsimulang magsama. Ewan ko nga rin kay Xyll, e. Literal na iba't ibang babae ang kasama linggo-linggo. Hindi ko talaga maisip kung paano niya nagagawang magpalit ng dine-date sa isang linggo. Ang babaero talaga!
"Wala na bang nagte-text sa 'yo?" tanong ko.
Nagkibit-balikat siya. "Huling natanggap ko galing sa ibang number is 'yung nagpaparegards sa 'yo." aniya. "Naks! Bi ka na beshy!"
Tinulak ko siya sakto lang para hindi siya matapon. Ang payat kasi ni Gelo. Naninigurado lang. "Gago, sira!"
"Pero seryoso, Dems. Natamaan ka talaga du'n sa baklang 'yun?"
"Grabe ka naman maka-bakla—"
"Kita mo, pinagtatanggol pa."
"Hindi nga. Siya lang 'yung nagkagusto sa 'kin, no!" depensa ko. Totoo naman, e. Hindi pa rin talaga ako nakaka-move on doon sa mga huling sinabi niya sa akin. Talagang tinotoo niya talaga iyon? Hayop naman, kung ako siguro may gusto sa isang tao tapos sasabihin kong hindi ko na siya i-istorbohin, hindi ko iyon kayang gawin. Siguro mag-e-end up lang ako sa salitang sorry.
Biglang pumasok sa isip ko iyong panahong binreykan ko si Audrey. Shit lang! Karma ba 'to sa akin?! Pero seryoso naman ako kay Audrey, ah! Ganoon din kaya si Xyll sa akin?
Tanga, Demi! Siyempre hindi! Asa ka pang magustuhan ng nilalang na 'yun! Nobody ka lang, hindi ba? Nobody ka lang!
Ano ba?! Isang buwan na iyong nakalipas. Try mong mag-move on, Demi. Hindi naman naging kayo, hindi mo naman siya gusto; bakit ka bang umaakto nang ganito? Aish.
"Huy! Naririnig mo ba ako?" Agad akong nabalik sa huwisyo nang kalabitin ako ni Gelo. "Naku Demi, kung hindi ka talaga aamin na may gusto ka sa gagong iyon baka pag-iisipan kong naka-drugs ka."
"Hindi nga kasi. Kinwento ko naman sa 'yo 'yung nangyari, 'di ba? Hindi naman kasi talaga acceptable iyon."
"Tsk. Ano ka ba! Ang tagal-tagal na 'yun! Halos makalimutan ko na nga, e!"
"Paano ba makalimot?"
"Ayun, umamin rin!" ani Gelo. Napabuntong-hininga na lang ako bilang sagot. Napahilamos siya sa kanyang mukha. "Demi! After one hundred years! Ngayon ka lang umamin!" base sa kanyang tono ay tila may halo itong galit. "Ang rupok, jusko!"
"Wala naman akong sinabing gusto ko si Xyll. Tinanong ko lang naman kung paano makalimot," sagot ko.
"Ha! Gano'n na rin 'yun. Sinabi ko naman sa 'yo na huwag ka na lumapit do'n. Kita mo, may pa-astig-astig ka pang nalalaman tapos marupok pala."
"Ano ka ba?! Sinabi ko ngang hindi ko gusto 'yung gagong 'yun! Bwiset! Mauna na nga ako sa 'yo!" saad ko saka inis na umalis.
"Ge. Bahala ka sa buhay mo!" sigaw niya sa akin kaya itinaas ko iyong gitnang daliri ko senyales na magpapaalam ako.
Nang medyo nakakalayo na ako sa lugar kung saan naghiwalay kami ni Gelo ay medyo at peace na rin iyong pakiramdam ko. Hindi naman sa gagong nang-iiwan, alam ko kasing didiretso iyon sa internet cafe. Wala akong perang panlaro, e.
BINABASA MO ANG
Titibo-tibo (COMPLETED)
RandomCOMPLETED || Buong akala ni Demi ay forever tibo na siya, hindi niya akalaing may isang lalaking papasok sa buhay niya na ipapatunayang walang matigas na tinapay sa mainit na kape kapag nagmahal.