#Titibotibo16 Love Letter
Minsan napapaisip ako kung bakit ba niya ako nagustuhan... Sobrang nakakapagtaka lang dahil aminado naman akong may itsura naman si Xyll; mayaman; habulin ng babae; sikat. Samantalang ako, walang-wala. Wala akong maipagmamalaki sa sarili ko kundi ang simpleng bagay lang na meron ako.
Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng pangyayaring iyon. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon. Nang sabihin niya sa aking handa siyang maghintay ay natahimik ako na tila ba umatras ang dila ko pagkatapos no'n. Hindi ako makasalita. Hindi ko akalaing hindi ako mabibigo sa tanong kong iyon. Pumayag siya... at hindi ko alam kung anong gagawin.
"Bad trip Accounting! Alaws akong naintindihan!" sabi pa ni Gelo nang makalabas ang teacher namin sa Accounting. Napakibit-balikat na lang ako. Maski ako e wala ring naintindihan. Ni hindi ko nga namalayan na nagtuturo pala iyong teacher namin. Masyado pa ring lutang ang utak ko.
"Ano ngang sunod na subject?" tanong ko. Second semester na ngayon at siyempre bagong subjects na naman. Adjust na naman ulit.
"Stat," sagot niya. Naku naman, math na naman?
"Bad trip talaga! Sana tinuloy ko na lang 'yung balak ko sa sports!" pagmamaktol niya. Hindi ko na lang pinansin iyon at chineck ang phone ko kung may message na ba si Xyll, kaso wala pa.
"Kanina ka pa tingin nang tingin sa cell phone mo, kayo na ba?" iritadong tanong ni Gelo. Hindi ako sumagot. "Umayos ka, Demi. Kapag ikaw talaga niloko, hindi 'yung Peterson na 'yun ang mabubugbog ko kundi ikaw."
"Nagpapahintay pa nga lang, e. Kinikilala ko pa lang naman."
"Kilala-kilala ka pa diyang nalalaman... kahit gaano mo pa 'yan kilala, hindi talaga maiiwasan ang pagloloko-"
"Nandun ka na agad?! Loko agad? Hayop ka."
"Oh, bakit? Umamin ka rin namang gusto mo siya 'di ba?"
Natahimik ako sa sinabi ni Gelo. Tangina, sa tuwing naaalala ko iyong katangahan kong iyon parang gusto ko na lang magpakain sa lupa. Hindi ko rin namang ide-deny iyon kasi totoo naman talaga.
One week ago...
"Oh!" maangas na sabi ko sabay bigay sa letter na isinulat ko para sa kanya. Pa-astig-astig lang ako pero kinakabahan na ako loob-loob ko. Tangina.
"Are you kidding me? Are you really giving me this?" hindi makapaniwalang sambit niya. Inirapan ko lang siya para naman matago ko 'yung pabebe side ko ngayon.
"Bakit? Ayaw mo ba?" taas-kilay ko na namang wika.
"No. I actually really really really wanna keep it. I wasn't just expecting this from you."
Kinuha ko iyong letter ko sa kamay niya. "Akin na nga! Ang dami mo pang sinasabi!" sabi ko saka tumalikod at nagsimulang maglakad palayo. Hindi pa ako nakakalayo ay napahinto ako nang mapagtanto ko na sobrang pabebe ko na kung aalis pa ako. Napasapo na lang ako sa noo ko habang bumabalik sa kanya.
Napansin ko ang paghinga niya ng malalim. "Umayos ka, Xyll. Tangina ka. Tanggapin mo na 'to at huwag nang maraming tanong. Please lang, huwag mo 'to ipapabasa kina Dee at lalong-lalo na kay Drex!"
Kinuha niya naman agad ito sa kamay ko. "Okay."
Umiwas ako ng tingin at napahawak sa sentindo. Sumasakit ulo ko sa ginagawa ko. Tangina lang. Ngayon lang ako gumawa ng letter sa buong buhay ko. Talagang umayos 'tong si Xyll. Kukulamin ko siya kapag talaga natawa siya sa 'kin.
"Dear Itlog—What the heck?!" agad akong napatingin sa kanya.
"Ano?! Umayos ka Xyll, ah. Umayos ka." pagbabanta ko sa kanya. Nakaka-pressure!
BINABASA MO ANG
Titibo-tibo (COMPLETED)
RandomCOMPLETED || Buong akala ni Demi ay forever tibo na siya, hindi niya akalaing may isang lalaking papasok sa buhay niya na ipapatunayang walang matigas na tinapay sa mainit na kape kapag nagmahal.