Chapter 37

216 32 0
                                    

#Titibotibo37 The Maze

Wala akong naiintidihan sa mga usapan nila ngayon. Hindi ko maiwasang matulala na lang. Paano ko ba sasabihin kay Xyll... Paano ko ba maibabalik si Xandra sa kanila... Alam kong magagalit si Xyll. Ayaw kong mag-away kami ngayon, mababaliw na ako kung ngayon pa.

Naisip ko rin na wala namang masama kapag sinabi ko pero naaalala ko kasi nangako ako e... mali ko talaga... lalo na't bumalik ako ngayon sa gang...

"Demi, sasama ka ba o hindi?" marahan akong napalingon sa gawi ni Joel.

Naramdaman kong umupo sa tabi ko si Imboy. "Dem, hindi ka ganyan. Matapang ka. Ilang grupo na nakalaban natin, oh. 'Yan! Tapos 'yan pa." aniya saka tinuro-turo pa 'yung mga grupo na kalaban namin noon na kasama na namin ngayong sasabak sa gulo. "Handa silang tulungan tayo. Sayang naman 'yung pagkakataon kung wala ka."

"Pwede naman kayong sumugod nang wala ako 'di ba?" tanong ko.

"Oo naman. Gagawin naman para kay Boss, 'tsaka para na rin sa 'yo," sagot niya pa.

Napabuntong hininga na lamang ako. Naiisip ko kasi, paano kung napahamak sila? Ngayon pa na nalaman ko na hindi biro na kalabanin si Jeric lalo na't walang-wala kami sa kanya. Isang bomba niya lang, patay kaming lahat. Gusto kong tumulong, gusto kong ako mismo ang mag-aalam kung bakit... bakit ako? Ano bang meron sa 'kin? Anong klaseng pera? Nagkakamali ba siya? Bakit kailangang pang mangdamay ng iba? Si Boss... Si Xandra... at ngayon pa na sinisuguro niyang makukuha niya sa akin ni Xyll.

Ngayon, paano akong makakaayaw sa Demon Tigers kung binibilang niya na ang oras ni Xyll? Hindi ko mapigilang balewalain 'yun... Kailangan ko ring kumilos.

"So? Hindi ka na sasama?" tanong pa ulit ni Imboy. "Sayang din kasi Dems kung wala ka. Naaalala mo 'yung unang away natin kay Jeric? Sa kanto, naaalala mo ba? Kinaya mo ngang gulpihin mukha niyon na tayo lang. Ngayon ka pa ba aatras?"

"Demi," napalingon naman ako kay Gelo na kararating lang. "Kung wala kang balak sumama, okay lang. Kung magbabago pa man ang isip mo, pwede kang humabol. Malilintikan tayo kapag nalaman 'to ng tatay mo."

Napabuntong hininga na lang ako. Sayang naman kung hindi ako sasama. Sayang 'yung pagkakataon. Para sa pamilya ko, kaibigan at kay Xyll, lalaban ako.

"Sasama ako." sagot ko.

"Sigurado ka ba diyan?"

"Oo."

Pinagpatuloy nila ang pag-uusap tungkol sa gagawin namin hanggang sa napatigil ang nagsasalita nang tumunog ang cellphone ko. Lahat ay napatingin sa akin. Pagtingin ko sa screen, unregistered number.

"Excuse me," sabi ko sa kanila saka lumayo.

"Sino 'to?" panimula ko.

"Demi! This is Xandra—"

"Xandra!" Napasigaw ako nang malamang si Xandra, mabilis akong bumalik kina Gelo. Ni-loudspeak ko ang tawag.

Halata sa boses ni Xandra na umiiyak siya. Napatingin naman ako kay Chester, hudyat na ibibigay ko ang telepono kapag ka gusto niyang kausapin si Xandra subalit tinanguan lamang niya ako.

"Are you okay?!" ika ni Xandra sa kabilang linya.

"Nasa'n ka?! Pupuntahan ka namin, kasama ko si Chester."

"I don't know where I am, but as far as I can remember this is Abalada. I just heard it from his kasama kanina! Demi, help me! I'm so scared na—"

"Ano 'yan–" sigaw ng isang lalaki mula sa kabilang linya, pagkatapos no'n ay naputol na ang tawag.

"Tangina naman!" sigaw ni Chester. "Tara, tara! Sakay na sa sasakyan!"

Naglakad na kami papunta sa sasakyan nang mapahinto ako nang makita ko si Xyll na papalapit sa akin. Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib. Hindi ko alam pero naiiyak na ako, at ayaw kong gawin 'yun dahil kailangan kong maging matapang ngayon.

Titibo-tibo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon