#Titibotibo07 Unregistered
Kaya pala nagkakagano'n si Gelo dahil hindi ako nakapunta sa birthday niya nu'ng friday. Malay ko ba? Hindi naman kasi ako 'yung tao na nakakaalala ng date, at saka isa pa e wala naman akong paki sa birthday, basta kung inimbita ako, 'yun na 'yun. Ang dami kasing arte nitong si Gelo, e. Gusto pa magpaalala. Nakakabakla.
Hindi ko alam kung bakit may pasok ngayon kahit wala naman kaming gagawin dahil district meet. Ang dami kasing pakana ng mga teacher na 'to. Kung hindi lang talaga ako mahilig sa sports baka umabsent na ako ngayon. Nakakabagot kaya sa classroom.
Naalarma ako bigla nang maramdamang may nagsuklay sa buhok ko. Napatingin ako kung sino iyon at nalamang si Lizel pala. "Demi, susuklayan ko lang 'yung buhok mo," anito.
Sinimangutan ko siya. "Anong akala mo sa 'kin? Bruha?"
"Bakit ba ang arte mo? Gusto ko lang naman suklayan kasi ang bagsak," sagot niya. "E, sa tatlong taon na magkaklase tayo, ngayon lang kita nakitang nakalugay."
Napaisip naman ako sa sinabi niya. Umupo ako ng maayos. "Ge," sabi ko.
Sinimulan na niya ang pagsusuklay sa buhok ko. "Alam mo, alam ko naman na hindi mo talaga tipo si Xyll, pero ang daming nagbago sa 'yo.." saad niya.
"Hmp. Sinabi ko bang magsalita ka?" inis na sambit ko.
"Ang sungit mo! Sinasabi ko lang naman 'yung totoo, nakakapagtaka nga lang kasi hindi ka na nagsusumbrero which is halos binebaby mo na," sabi niya.
"Naalala mo 'yung Grade 9 tayo? To be honest, noong grade 8 ako, nagagandahan na talaga ako sa 'yo tapos nu'ng maggrade 9 ako, ang saya ko kasi naging kaklase kita. Sabi ko pa nga na kakaibiganin kita tapos gawing babae kasi sayang ka," dugtong niya pa. Hindi ko akalin na may humahanga pala sa 'kin. Masaya siya sa feeling kahit nakakaputa pakinggan.
"Pero ang sungit sungit mo sa mga babae, hindi ka rin mahiwalay kina Vince."
"Alam mo ang dami mong sinasabi, ayusan mo na nga lang ako ng buhok, gusto ko 'yung maganda, ha," sabi ko sa kanya.
"Hala! Gusto ko 'yan!"
Maya-maya ay dumating si Karen. Galing ata sa labas at nanood ng basketball, malamang nabanggit ata niyan na may syota siyang basketball player.
"Aba! Aba! Nagpasuklay!" nginiwian ko lang siya sa sinabi niya. "Teka, tutulong ako sa 'yo Lizel."
"Oy! Oy! Huwag na! Wala akong tiwala sa 'yo!" sabi ko kay Karen.
Pero hindi niya ako pinansin. May kinuha siya sa bag niya. Saka ko lang nalaman kung ano 'yon nang lumapit siya sa akin. Make up kita pala.
"Try kong make-up'an ka!" masayang sambit ni Karen.
Hinayaan ko na lang sila kung anong gustong gawin nila sa 'kin. Wala naman akong magawa, e. Bored na bored rin ako dito sa classroom. Mamaya pa raw kasi ang baseball. Iyon lang naman 'yung inaabangan ko kesyo mas naiintindihan ko ang larong 'yun.
"Done!" sabi nilang dalawa.
Pinahiram naman sa akin ni Karen 'yung salamin niya para makita ang sarili. In fairness, magaling magmake up 'tong si Karen, fresh lang at hindi mukang sopistikada.
"Ay, wait lang! May extra akong earrings dito, bigay ko na lang sa 'yo!"
Napailing na lang ako. Ewan, bakit parang gusto ko rin 'yung ginagawa nila.
Nilagay na ni Karen ang mga earrings sa tainga ko saka niya ako kinurot sa mga pisngi. "Tangina, Demi! Ang ganda mo!" puri niya.
Sa pagtayo ko ay saktong pumasok si Vince. "Anak ng pucha, Demi! Babae ka na talaga!" anito.
BINABASA MO ANG
Titibo-tibo (COMPLETED)
De TodoCOMPLETED || Buong akala ni Demi ay forever tibo na siya, hindi niya akalaing may isang lalaking papasok sa buhay niya na ipapatunayang walang matigas na tinapay sa mainit na kape kapag nagmahal.