#Titibotibo34 Demon Tigers
"Sigurado ka bang hindi ka na sasama?"
"Ilang beses mo pa bang uulit-ulitin, Drex?" inis na saad ko.
"Ang OA naman kasi! Para sunduin lang, hindi pa magawa? E, ikaw ine-expect ng gago na 'yun. Anong klaseng girlfriend 'to."
Napaisip naman ako. Hindi pa ako ready'ng makita si Xandra. Ewan ko, parang may mali talaga sa nararamdaman ko simula nung sinabi si Xyll na makikipagbati na raw 'yung kapatid niya. E, ang daming kagagawan 'yung maldita na 'yun na hindi ko pa natatanggap hanggang ngayon.
"Aware naman na si Xyll," sabi ko. "Alis na kayo, pupunta na lang siguro kaming police station ngayon."
"Sige, bahala ka."
Nang makaalis na sila ay saka na akong umakyat ng kwarto. Agad akong humarap sa salamin, hinubad ko ang aking damit saka tumalikod at tiningan ang repleksyon ng aking balikat mula sa likod na may tatung nakaukit na demonyong tigre.
Binalik ko ang aking damit at pabagsak na humiga sa aking kama. Hindi nakatakas ang luha sa aking mga mata. Tama ba 'tong ginagawa ko? Tama ba ang naging desisyon ko?
"Chester." gulat na saad ko nang lumapit sa akin ang aking pinakamalupit na kalaban ko noon.
Inabot niya ang kanyang kamay. Napatingin muna ako roon bago ko iyon tinanggap.
Ngumiti siya saka nailing. "Akalain mong kakailanganin pa natin 'yung isa't isa?" natatawang saad niya.
Kumunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?"
"Papayag ka bang magsasama-sama ang grupo natin?"
"Matagal na kaming—"
"Nakita ko kayo sa lugar ng hinayupak na Jeric na 'yun."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. "Nakalaban mo?"
"Wala pa." aniya. Mas lalo akong nalito. "Hindi naman gang 'yun, e."
"Teka, ano bang gusto mong iparating?"
"'Yung girlfriend ko, nakipagbreak nang dahil sa kanya."
Natawa ako ng mahina. "Tangina, sa tingin mo ipapahamak namin ang sarili namin para lang bumalik sa 'yo girlfriend mo?"
"Hindi 'yun ang ibig kong sabihin."
"E, ano? Ang dami mong sinasabi. Uwing-uwi na 'ko. Sinasayang mo oras ko." sabi ko saka tuluyan nang naglakad.
"Kapatid ng boyfriend mo 'yun." Natigilan ako nang marinig ko 'yun. Si Xandra? Hindi na ako magtataka kung bakit gano'n ang nangyari. E, sa mukha pa lang ng babaeng 'yun e ang mata-pobre na. "Malakas ang pakiramdam ko na ginagamit niya lang si Xandra nang dahil sa 'yo."
Agad akong napaharap sa kanya. "A-Ano?"
"Alam mo, gusto kong magalit sa 'yo. Gusto kitang patayin. Pero walang mangyayari kapag gano'n. Kaya naisip ko na lumapit sa 'yo dahil alam kong magagawa natin 'tong dalawa. Gang ka rin, Demi. Bakit ba parang hindi ka na marunong magmasid? Hindi mo ba naisip na may posibilidad na lumapit ang syota mo sa kanya kapag nagkataong nalaman niyang kinakasama ng gagong 'yun ang kapatid niya?"
Natauhan ako bigla. Tangina mo talaga Jeric. Bakit ba ayaw mo 'kong tantanan?
"Pera..." sagot ko. "Isang beses, kinausap niya ako, gusto niya ng pera ko... na hindi ko naman alam kung bakit niya nasasabi 'yun..."
BINABASA MO ANG
Titibo-tibo (COMPLETED)
De TodoCOMPLETED || Buong akala ni Demi ay forever tibo na siya, hindi niya akalaing may isang lalaking papasok sa buhay niya na ipapatunayang walang matigas na tinapay sa mainit na kape kapag nagmahal.