Chapter 39

231 30 0
                                    

#Titibotibo39 Leave

Sa pagmulat ng aking mata, puting kisame ang sumalubong sa akin. Napatingin ako sa paligid; nagtataka kung bakit nandito ang pamilya ko. Nandito rin si Doc Dermia, at ang isang pamilyar na matanda... teka.

"Si Demi, gising na," sambit pa ni Joseph. "Yumayaman na ata hospital nang dahil sa'yo, Demilita, ah. Suki?"

Hindi pa rin maalis ang tingin ko sa matanda. Sinubukan kong bumangon ngunit hirap na hirap ako kaya inalalayan ako ni Joseph. Bakit ba nilagyan pa ako ng dextrose? Okay naman ako, ah. Daplis lang naman ang natamo ko, teka. "Ilang oras akong nakatulog?"

"Simula kahapon ng alas dos," sagot naman ni Gelo.

"Ah, so bale mga 20 hours, Demilita. Alas diyes na ng umaga kung may paki ka," ani Joseph.

Binaling ko naman ulit ang tingin sa matanda. "Nagkita na po ba tayo?"

Nginitian niya ako saka tumango. Lumapit siya sa akin habang inaalalayan siya ni Doc Dermia. Hinawakan niya ang aking pisngi. "Poor, Demilane. My long lost granddaughter."

Sa kati-titig ko sa kanya ay saka ko na napagtanto na siya nga pala 'yung matandang tumulong sa akin sa park! Si Ms. Emma! Bakit ba hindi ko 'yun kaagad naalala?

"Demilane, siya ang Lola mo," ani Doc Dermia.

Sinulyapan ko si Papa. Wala siyang imik.

"Bakit po kayo nandito?" Bigla kong naalala kung paano kong binaril si Jeric. Jusko, baka ipapademanda ako nito. Buhay pa kaya 'yung gagong 'yun?

"I am here to check on you. I was worried when I heard that you and Jeric had a fight," aniya, muli sa kanyang intsek na asento. "I didn't know that he was mad at you. I am here to say sorry for him. I am sorry because I was not a good grandmother that's why he's blaming you for what he feels right now."

"Kumusta na po siya?" Ang plastic ko, pwe.

"He's still taking his operation now. I am sorry everyone for being a careless mother for Derelane. And especially to you Mr. Eleazar. I am truly regretting of what I have done. That's why I am looking for your daughter to give her a good life. I know that she's happy with you so I will not take her to China anymore, but at least... can I help her?"

"Hindi naman na kailangan... hindi mo naman siya kadugo..."

"What?"

"Ma, hindi po siya anak ni ate."

Taka akong tinignan ng matanda. Nginitian ko siya. "Pero may apo po kayo rito. Tunay na apo po," sabi ko.

"Apo?" aniya, nalilito sa nangyayari.

Napatingin naman ako kay Doc Dermia. "Anak po niya," sabi ko saka tinuro si Doc. "Si Xyll po, ang boyfriend ko."

"Why didn't you tell me, Dermia?"

"He's a Peterson, Ma."

"Oh, I'm sorry, Dermia... I was not really in favor of Petersons that time, but as of now, we're in a good relationship. I even insisted Jeric to be with Peterson's granddaughter, Xandra, if I am not mistaken. I'm really really sorry everyone."

Kumunot ang noo ko nang banggitin niya ang pangalan ni Xandra. Engaged na pala si Xandra at Jeric? Iyon ba ang totoo?

"But I have a daughter too, Ma. She's not a Peterson tho but she's good. I hope you'll meet her very soon."

"Where is she, then?"

"She's with my husband now. Ruben Mendez, not an owner of any business..."

Ngumiti si Ms. Emma. "Room 401 po, 4th floor, 'yung kwarto po kung saan naka-confine si Xyll, kung gusto niyo pong makita," sabat ko.

Titibo-tibo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon