#Chapter32 Trip
Lumipas din ang isang buwan. Sa loob ng isang buwan na iyon ay aminado akong puro harutan lang ang ginagawa namin ni Xyll. Ni hindi ko nga inaasahan na nakakaya kong sumabay sa mga ka-kornihan niya sa buhay.
Since summer naman na ay nagplano kaming maga-outing ngayong araw. Kami-kami lang din mga Tropang Bote. Oo, bote talaga iyong nabuo naming tropa ng mga barkada ko sa bahay at nadamay na rin sina Xyll, Drex at Dee. Nung araw kasi na iyon ay tinulungan kami nina Xyll na maghanap ng hustisya para kay Boss. Tapos may nakasalubong kaming isang gang tapos pinagbabato kami ng mga bote.
Hindi naman nagpatalo si Jimuel at nagtapon na rin ng bote, sumama pa si Drex sa kanya hanggang sa lahat na rin kami ang gumagawa para lang makabawi. Ni hindi ko nga akalaing sasabay din sa kalokohan si Dee, e. Ang seryoso kaya ng taong 'yun.
Hindi kami naghanap ng Resort, dahil una pa lang, pinlano na namin na 'yung sa mga tabi-tabi lang. Iyong walang bayad. Hindi pa nga pumayag si Dee no'n dahil delikado raw kapag gano'n kaso na-kumbinsi naman siya ni Mark—ang bagong bff niya ngayon. Same vibes, e. Hindi na rin ako nagtaka.
"Sigurado kayo na safe dito?" tanong sa akin ni Xyll nang kami na lang dalawa ang naiwan sa sasakyan. Dalawang sasakyan ang dala namin. 'Yung sasakyan ni Boss at sasakyan ni Xyll.
"Safe naman siguro."
"No. Tatawag na lang ako—"
"Xyll," pagpigil ko sa kanya. "Okay dito. Bakit ba ang praning mo? Pareha lang kayo ni Dee," saad ko saka tumingin sa direksyon ni Drex. "Kita mo si Drex, ang saya ng ulo."
Napabuntong-hininga siya. "Fine. Just... just tell kung saan ka pupunta, knowing you na hindi ka marunong magpaalam."
Natawa ako. "Okay po!" sarkastikong sagot ko.
Sabay kaming tumungo sa lugar kung saan nakatayo ang mga tent nila Gelo. Naghiwalay kami ni Xyll para matulungan namin ang mga kasama namin. Hindi kasi kami magkasama sa isang tent. Siyempre, bakit naman ako papayag?
"Saan ka ba galing mayora?" bungad sa akin ni Karen. "Nanlandi ka na naman 'no?"
"Ulo mo nanlandi." sagot ko saka sinimulang tulungan na siya. "Ano oras ba darating si Lizel? Sure na talagang hindi papayagan 'yun?"
"Asa ka pa. Protective kaya ng tatay nun. Hashtag sana oil."
Matapos naming maitayo lahat ng tent namin ay sabay kaming tumungo sa tent nina Joseph dahil nandun 'yung mga pagkain. Naglatag naman kaagad si Mark ng dalawang dahon ng saging para sa boodle fight.
Matapos naming kumain ay dumeretso na ang iba sa dagat, habang ako ay bumalik muna sa tent namin para i-check kung tama lang ba 'yung damit na inihanda ko. Actually, hindi talaga ako naghanda. Hindi ko rin kasi 'to trip, e. Sobrang nakakapagod at the same bawas pera na naman. Pinilit lang naman ako ni Drex para sumama na rin si Xyll.
Imbis na i-check ko lang iyong mga gamit ko ay naisipan kong matulog. Naggising na lang ako nang madilim na ang paligid. Pagtingin ko sa relo ko, alas otso na pala ng gabi. Grabe 'to. Anim ba oras talaga akong nakatulog?!
Akmang bubuksan ko ang tent nang mabuksan iyon saka bumungad sa akin ang mukha ni Xyll. "Tired?" aniya saka inabot sa akin ang platong dala niya.
Napatingin ako sa ulam. "Isda?" takang tanong ko. "Anong ulam mo?" hindi naman kasi kumakain ng sinugbang isda si Xyll, e.
"Pare-pareha lang naman tayo ng kinakain dito. Why?"
"Kumakain ka ng isda?!"
"Uh... ngayon lang, 'di naman masamang i-try 'di ba?" aniya.
BINABASA MO ANG
Titibo-tibo (COMPLETED)
Ngẫu nhiênCOMPLETED || Buong akala ni Demi ay forever tibo na siya, hindi niya akalaing may isang lalaking papasok sa buhay niya na ipapatunayang walang matigas na tinapay sa mainit na kape kapag nagmahal.