Hindi ko alam kung tama bang babalik ako ng Manila. Tatlong taon na rin ang nakalipas magmula no'ng nangyari—ayos na rin naman ako, wala na rin akong galit na nararamdaman. Masaya na ako kung sino at ano man ako ngayon. At least naman, babalik na akong CPA na pagkatapos ng sakit na binigay sa akin ng lugar na iyon.
"Ano? Ready na, bitch?" tanong ni Joseph habang nakatingin sa akin. Pareho kaming nasa loob pa ng sasakyan na binigay sa akin ni Caden noong umalis ako. Siya ang tumulong sa akin sa lahat-lahat—pati sa suporta ni Gelo. "I can't believe na we're going to be a godmothers na talaga!"
* * *
Sa sobrang pagod ay nakatulog na lang din ako. Nagising na lang ako nang dumating sina Gelo at may dalang hapunan. Kasama niya pa rin si Jed, pero hindi na nila dala si Paraluman.
"Workaholic na pala sina Jimuel at Joel, ah," saad ko habang kumakain kami. "Miss ko na rin mga gago na 'yon."
"'Yung isa? 'Di mo miss?" pabirong sambit naman ni Gelo.
"Hindi," diretsang sagot ko. "Huwag mong sabihing kinuha mong ninong 'yon, kundi dahil—"
"Kinuha ko siya, Demi... pati si Sir Drex." Natigilan ako nang biglang nagsalita si Jed...
* * *
If you want to continue, you can read the book 2 of Titibo-tibo 2: Missed Calls.
You can check it out on my profile!
BINABASA MO ANG
Titibo-tibo (COMPLETED)
DiversosCOMPLETED || Buong akala ni Demi ay forever tibo na siya, hindi niya akalaing may isang lalaking papasok sa buhay niya na ipapatunayang walang matigas na tinapay sa mainit na kape kapag nagmahal.
