Chapter 27

253 42 0
                                    

#Titibotibo27ValentinesDay

"Walang forever!" sigaw ng mga tropa ko habang stuck kami sa traffic ngayon. Napailing na lang ako. Puro kasi mga couple iyong nasa side walk, e. Sino ba naman kasing hindi mabi-bitter sa araw na 'to?

"Valentine's niyo mga ulo niyo!" sigaw pa ni Jimuel.

"Wala ka lang talagang love life!" sagot naman sa kanya ni Tata.

"Magbe-break din kayo bukas. Tandaan mo 'yan!"

"Huh. Paano ka nakakasigurado?"

"Oh. Tatawa-tawa pa 'tong si Nico! Hindi niya alam may dine-date na palang iba 'yung girlfriend niya sa ibang lugar! Hoy, Nico. Waepeks 'yang LDR!" sabi pa ni Jimuel kay Nico.

Tinap lang ni Nico sa balikat si Jimuel. "Okay lang 'yan, p're. Magpari ka na lang."

"Aba, hayop 'tong gago na 'to!" sagot niya pa kay Nico tapos nanlaki naman ang mga mata ko nang ako na naman ang nakita niya.

"Tangina, Jimuel. Salita pa ha. Itutulak talaga kita" Pangunguna ko bago pa siya may sabihin na kung ano. Dito nga pala kami nakasakay sa pickup ni Boss. Kami na rin iyong gumagamit. Kay Gelo nga lang namin pinapatambay.

"Ang OA! Baka ikaw ngayon 'tong itutulak ko? Baka mamaya magtataka na lang kami nandito na naman 'yang guardian angel mo para iligtas ka!" Nagsitawanan lahat sila.

Napatayo ako saka mabilis na lumapit sa kanya at agad na sinapak. Muntik na nga siyang mahulog, buti na lang katabi niya si Nico at Mark na mga matitinong tao sa tropa, kundi hahayaan lang siyang mahuhulog kapag nagkataon na si Joel at Gelo ang katabi niya!

"Pikon talaga!" aniya pa. Inirapan ko lang siya. Mabuti na lang at traffic.

Grabe kasi 'tong Principal na 'to. Hinayaang walang pasok para lang makapag-celebrate ng Valentine's Day! Edi siya na may love life! Hindi naman sana ako mabi-bitter nang ganito kung papayagan niya kaming maging working student sa school para lang doon na lang namin itutuloy ang pag-grade 12. Bad trip.

Nag-ikot-ikot lang kami sa lungsod. Pahangin lang iyong ginawa namin since ayaw naman naming umuwi knowing na uutos-utusan lang kami sa bahay. Atsaka ngayon lang talaga kami na-kompleto. Si Gelo, Joel, Jimuel, Tata, Imboy, Nico, Mark at Dats. Minsan lang talaga namin nakakasama si Dats, Nico at Mark. Mga workaholics kasi 'tong mga gago na 'to. No wonder kung bakit mga honor student. Tapos magkaibang school pa kami nina Imboy. Si Tata naman nakabantay lang tuwing umaga sa karenderya nila habang sa gabi nag-aaral. Night shift, e. Grabe, kahit mga gago 'to, mga kapatid ko 'to sa ibang nanay.

Nang mag-alas dos na ay napagpasyahan naming bumalik muna sa school para kunin iyong naiwang gamit namin ni Gelo. Hindi kasi namin inasahan na tatagal pala 'tong galaan namin.

Naghintay lang sa labas iyong ibang tropa namin. Habang naglalakad kami sa lobby ay hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan! Hindi ko naman sigurado kung dahil ba 'to kay Xyll dahil ayaw ko siyang makasalubong o may iba pang nararamdaman 'tong katawan ko. Heck. Isang buwan na iyong nakalipas, hindi pa rin ako nakaka-move on.

"Oh. Sirado na 'yung pinto. Balik na tayo sa labas," sabi ko nang makarating kami sa classroom.

"Tanga. May summative bukas sa Accounting. Gago ka ba?" Minura ko na lang si Gelo sa inasal niya. May kinuha siyang hair pin sa bulsa niya. Nagtaka na lang ako kung saan niya nakuha iyon. Wala naman siyang girlfriend, asa namang maghe-hair clip nanay niyan, at mas lalong wala siyang makukuha sa aking hair clip. Baka nga sa bunso niyang kapatid, pero ang weird lang kasi hindi naman bagay hair pin sa 4 years old.

Napaawang ang labi ko ko nang mai-unlock niya nga iyong kandado. "Aba, may future ka na, Gelo ah! Huwag ka na mag-accountant," komento ko.

Kinunutan ko naman siya ng noo nang sumenyas siya na ako ang mauna. Baliw ba 'to? "Kailan ka pa naging gentleman?" tanong ko saka nauna na lang buksan iyong pinto kaso...

Titibo-tibo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon