#Titibotibo11 Bracelet
Hindi agad ako nakapagsalita. Ilang sandali pa bago namin iniwas ang mga tingin namin sa isa't isa.
"Uh—Ano bang paki mo?" masungit na saad ko saka sinimulang bumaba. Kaso, nang makarating ako kung saan siya nakatayo ay napatigil ako. Pagtingin ko sa kamay ko... hawak na niya.
Tumingin ako sa kanya saka ko kinalas ang kamay ko. Mabilis ko siyang tinalikuran at nagsimulang maglakad palayo, pero naririnig kong tinatawag niya ako kaya mas mabinilisan ko pang maglakad. Kaso, biglang kumirot ang binti ko dahilan para mapahinto ako. Tanginang Xyll 'to! Baka sabay ko silang mapapatay ni Jeric!
"Bwisit," bulong ko saka napaupo.
Tinatanggal ko iyong bandage sa paa ko nang magulat ako nang maramdaman kong may bumuhat sa akin. Pagtingin ko kung sino iyon ay si Xyll pala.
"Ano ba?! Ibaba mo nga ako!" sigaw ko sa kanya.
"Your leg is bleeding," sagot niya.
"Alam ko! Nakita ko! Ibaba mo na nga ako!" pagpupumiglas ko kaso nagbibingi-bingihan yung gago kaya napilitan akong kagatin siya sa tainga. Napaaray siya roon pero hindi niya pa rin ako binitawan. Sinubukan ko ring suntok-suntukin siya sa kanyang pisngi pero sinabihan niya lang ako na kahit ano raw na sakit ang ibibigay ko sa kanya, hindi niya pa rin ako bibitawan. Mukha niya! Umiilag kaya siya habang pinagsususuntok ko siya! Fuck you, Xyll. Ang dami mong hugot sa buhay.
"So, habang buhay mo akong bubuhatin, gano'n?" sabi ko sa kanya sa kabila ng hirap na nararanasan ko ngayon. Puta, buhat-buhat niya pa rin kaya ako! Ang dami-daming taong nakatingin sa amin! Nakakahiya!
Hindi siya nagsalita. Tuloy-tuloy lang iyong paglakad niya. Nagtaka na lang ako nang bigla siyang nag-ibang direksyon, hindi siya dumeretsong clinic!
"Hoy! Saan mo ba ako dadalhin?!" inis na sambit ko pero hindi niya ako pinansin. "Bitawan mo na nga ako! Tangina, nakakahiya!"
Hindi niya pa rin ako sinagot.
"Ano ba?! Bingi ka ba?!" sinubukan kong muling pumiglas kaya laking tuwa ko nang makababa ako kaso bigla akong nakaramdam ng kirot sa binti kaya napaupo ako. Mukhang napalakas ata iyong talon ko.
"See?" aniya.
Tiningnan ko siyang ng masama. "Ikaw kasi! E, kung kanina mo pa sana ako binaba, 'no?"
"Gagamutin nga kasi kita."
"Bakit hindi mo na lang kasi ako dineretso sa clinic?"
"Wala namang masama kapag ako yung gagamot sa 'yo."
"Mas safe kapag sa clinic. Baka mamaya pagti-tripan mo lang ako."
"Why would I? Just come with me," pagpupumilit niya.
"Bakit din ako sasama sa 'yo?"
Napa-tsk siya. "Why are you so—My god, Demilane!"
So kailangan iyong buong name ko talaga? Ano ba kasing trip ng gagong 'to at pinipilit akong sumama sa kanya? Gamot-gamot siya diyan! Baka mamaya makita pa kami ng girlfriend niyan, pagseselosan pa ako; sasabihan akong malandi like si Xyll naman talaga iyong malandi.
"Baka magselos 'yung girlfriend mo ngayon," sabi ko emphasizing the word 'ngayon'.
Napansin kong nagulat siya. 'Kita mo 'to. Ang landi talaga!
Maya-maya ay nagtaka ako nang ngumiti siya. Umupo na rin siya para makapantay siya sa akin. Hinawakan niya ang panga ko. Umiwas ako saka lumingon-lingon kung sakaling may mga tao bang nakatingin sa 'min, at putangina meron nga!
BINABASA MO ANG
Titibo-tibo (COMPLETED)
DiversosCOMPLETED || Buong akala ni Demi ay forever tibo na siya, hindi niya akalaing may isang lalaking papasok sa buhay niya na ipapatunayang walang matigas na tinapay sa mainit na kape kapag nagmahal.
