#Titibotibo05 All About His'
"Gago ka!"
Ilang sandali kaming nagkatinginan bago siya natawa sa hindi malamang dahilan. "Akala mo ba hahalikan kita?" aniya.
Nagulat ako sa sinabi niya. Nakakagagong aminin pero ano pa bang pwedeng maging dahilan kung bakit ko siya itinulak maliban sa sinabi niya?
Napa-tsk ako. "Buksan mo nga 'tong kotse, uuwi na ako," sabi ko na lang.
Binuksan na niya ang driver seat. Hinintay ko siyang sabihin na sumakay na kaso wala atang balak pagsabihan ako. Gabi na kaya hindi ko makita kung ano bang ginagawa niya sa loob at bakit hindi niya pa binubuksan iyong sa front seat. Puta, nakatulog ata?
"Hoy, ano ba?! Kailan mo ba ako balak pagbuksan?" inis na sambit ko habang pinagpupukpok ko ang bintana ng kotse.
Maya-maya ay ibinaba niya ang salamin ng pintong pinukpok ko kanina at nakita ko 'yung mukha niyang mukhang galit din. Wow, siya pa may gana magalit? Paano kapag napahamak ako dito sa labas?
"The fuck?! Don't you fucking dare to wreck my car! Could you fucking please eschew that kind of fucking attitude of yours?" galit na saad niya.
Tangina. Ang daming sinabi, fucking lang 'yung naintindihan ko, mas ine-emphasize pa kasi niya 'yung word na fucking. Puta, damang-dama!
Bwisit. Mukhang ayaw akong pasakayin nito, ah! Puta, maglalakad na nga lang ako.
Inirapan ko lang siya saka nagsimulang maglakad palayo. Punyeta, hindi ko kailangang intindihin siya, hindi ko siya kaibigan, ni hindi ko pa nga 'yan kilala. Pero hindi pa ako nakakalayo ay narinig kong ang pabagsak na sara ng pinto ng kotse kaya napalingon ako dahil doon.
Kumunot ang noo ko nang makita ang galit na mukha ng gago na nakatingin sa akin. Otomatikong kumunot ang noo ko nang sigawan niya ako. "What the fuck do you think you are fucking doing?" galit na sabi niya. Hala, punyeta! Anong nangyari sa demonyong ito?! Gago bigla-bigla na lang nagagalit, ni hindi ko nga alam ano nagawa kong masama.
"Hoy!" saad ko sabay turo sa kanya. "Putanginang gago ka ba, anong putanginang nangyayari sa 'yo? Ikaw 'tong tanginang bigla-biglang nagagalit, tangina ka pinaghintay mo ako sa labas, paano kung may tanginang nangyari sa akin? Tangina ka, may pinagtataguan pa naman ako," sabi ko habang papalapit sa kanya. Akala niya siya lang pwede magmura? Hoy, Xyll! Who you!
Nang makalapit ako sa kanya ay agad ko siyang tinulak sa kanang balikat niya. "Oh, ano?" literal na taas noong tanong ko sa kanya.
Napamura ako nang itulak niya rin ako. "Who the hell was the one who fucking knocks like as if you wanted to wreck my car's window?"
Literal na napanganga ako sa sinabi niya. Tangina, mas concern pa siya sa kotse niya? Oo nga naman, kung sa bagay hindi kami magkaibigan.
"Oh. E 'di sorry!" sarkastikong saad ko.
Maya-maya ay naagaw ang atensiyon namin nang may marinig kaming mga boses na tila nag-aaway. Napatingin kami kung saan iyon, at nagulat ako nang makitang tatay iyon ni Xyll at 'yung kapatid niyang ubod ng maldita.
"Why me, dad?! Why don't you just let that fucking illegitimate son of yours to drudge?" otomatikong kumunot ang noo ko sinabi ng kapatid niya.
Illegitimate son?
Pak!
Sinampal ng tatay ni Xyll 'yung kapatid niya. "Shut your nasty mouth, Xandra!" sigaw ng tatay niya. Ang bastos pala talaga ng kapatid ni Xyll. Aminado naman akong madalas akong nagmumura pero never kong ginawa sa papa ko 'yun.
"Get in," malamig na boses ang narinig ko sa aking likod. Medyo kinilabutan ako. Ang seryoso ng boses ni Xyll.
Nilingon ko siya. Diretso lamang ang tingin niya sa pamilya niyang nag-aaway. Since mukhang galit na galit siya ay sinunod ko siya. Sumakay agad akong kotse.
BINABASA MO ANG
Titibo-tibo (COMPLETED)
РазноеCOMPLETED || Buong akala ni Demi ay forever tibo na siya, hindi niya akalaing may isang lalaking papasok sa buhay niya na ipapatunayang walang matigas na tinapay sa mainit na kape kapag nagmahal.