1

1.9K 27 0
                                    

Taong 2009
Unang araw ng klase sa Bulacan State University sa Malolos, Bulacan... Ito rin ang unang araw ko bilang isang kolehiyala...kinakabahan ako, nahihiyang makisalamuha sa mga kama-eskwela ko at hindi ko alam kung saan ba ako magsisimulang maghanap ng aking classroom.Napahinga ako ng malalim at tiningnan ang Certificate of Registration ko.RH404

Inikot ko ang aking paningin at inisip kung saan nga bang building ito...
Pinanood ko ang mga dumadaang mag-aaral sa Student's Park kung nasaan ako nakatayo ngayon may 15 minutes pa ako para maghanap.Huminga ng malalim upang mag-ipon ng lakas ng loob  para makapagtanong sa kung anong nakalagay sa schedule ko,sabi kasi ni ate huwag daw akong tanga-tanga dito at matutong magtanong . Bawal ang mmahiyain,hindi ako mabubuhay sa ganun.

Saktong may dumaang isang estudyante na sa tingin ko ay bago tulad ko.

"Hi!" Napatingin ito sa akin na tila nagulat. "Uhm... Itatanong ko sana kung alam mo kung saan itong RH404?"

Nagliwanag mukha nito na tila natuwa sa narinig. "Doon din ang klase ko! Fil101 din ba klase mo?! Nako! Classmates tayo! BSEd-Filipino ka rin ba?!" excited na. Tanong nito.

Napangiti ako. "Oo! Ako nga pala si Maria Clara Montes! Ikaw?" Tanong ko

"Jade...Jade Hillario... Tara! Sabay na tayo!" Anito ng nakangiti .. napansin kong tila katulad ng sa pusa ang ilong nya pag ganun. Cute!

That day went smoothly and we met our classmates...

Jade and I clicked as bestfriend! We are on the same block and of course parehong pareho kami ng schedule which I found cool dahil hindi ko na kailangan mag-adjust masyado. Mahiyain kasi ako and I am not sociable type... Most of the time I hang out with few friends from high school and with my cousins. I prefer to study or read novels. Mas okay ako sa ganun. Siguro dahil na rin malayo ang bahay namin sa sentro ng barangay namin... We only have 3 kapitbahay then kamag-anak pa namin lahat. Two houses are owned by our family pa kaya wala talagang chance para maexpose ako sa maraming tao. My ate Maria Josefa and kuya Ramon Jose were not living with us...si ate nasa bahay ng mother ni mama while kuya was took by one of our lolas...my father's tita kaya only child feels talaga ako nung since birth to high school. Currently I am living with my lola with my ate Josefa... Mas malapit kasi sa BulSU kaya okay. Mura pa ang fare. And this is the first time na hindi ako titra sa isang bahay with my parents. I feel lil uneasy about that dahil hindi din ako gaano close sa lola namin .

"Clars! Buti nageduc ka? Pwede ka palang mag-engineering or accountancy e... Kayo ni Jade! Dapat dun kayo!" Napatingin kaming dalawa ni Jade kay Carmi na kaibigan din namin. Kakatapos lang ng midterms namin sa Basic Math non... And they found it difficult daw pero hindi naman gaano.

"I am not good at drawing alam nyo naman na hirap na hirap ako da Draw101 natin si ba? I barely pass with our midterm and plates." Sabi ko rito. 

"Gaga, pwede naman kayo kumuha ng draftman ifever! " Ani Reymart , our gayfriend.

Napailing lang ako." Same sentiments with Clars... Hindi ako magaling magdrawing. Baka gumuho yung building pag ako incharged!" Tumatawang sabi ni Jade na ikinatawa ko rin.

"Atsaka kunwari ka pa Clars, may kaibigan ka naman from other department na tumutulong sayo sa Draw!" Ani Monique.

Napapailing na lang ako sa sinabi nito. Tama sya may kaibigan ako from Engr. Department na classmate ko sa P.E na tumutulong sa akin sa plates ko. Actually pinapagawa nya sa bestfriend nya na magaling magdraw. Hahaha. Kapalan na nga ng mukha ito dahil ayokong bumagsak.

"Not even an option, Carmi." Sagot ko.

"Edi accountancy!" Ani Carmi.

"Ayaw ko ng trabahong may kinalaman sa pera. Mahirap yan." Sabi ki agad at nagpatuloy sa pagbabasa ng 214pages na handouts na ibinigay ng prof namin sa major at may long test kami rito mamayang last subject namin. Sumasakit ang ulo ko dahil sa dami ng mga linguist at theorist na kinakabisado... Iba talaga ang prof naming ito! Pahirap sa buhay! Kakamidterm lang namin sa kanya nung monday then heto na naman sya...buti kung nagtuturo sya talaga! Lagi naman syang wala! Tapos pag nagpapaexam wala sa binigay nyang handouts yung mga sagot!

Stavros 5: I Remember the BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon