4

702 20 0
                                    

"Ui! Napapadalas ata ang pagdaan Friend nyo sa klase natin pagvacant nila?". Napatingin ako kay ate Fhey ng magtanong siya. Kakaalis lang ni Alejandro at may inabot sa aking snack box na ipinapabigay daw ng mama nya. Everyday ay ganyan... Tapos nung minsan naman ay bigla na lang silang dumating ni Denver at nakisit in sa klase namin sa Trigo... Kilala siya ng prof namin kaya naman hinayaan lamang sila...

"Nako... Umamin na kasi yung isa jan... Nanliligaw na ba sayo si Al?" Kinikilig na tanong ni Jade.

Nanlaki ang mga mata ko dahil doon.
Alam kong umamin ito sa akin apat na buwan na ang nakakaraan... Pero hindi ito nanliligaw... Sabi nya kilalanin muna namin ang isa't isa... Magkaibigan lamang kami... At sa pagkakaibigan naming iyon mas nakilala ko pa sya... Mabait at maalaga syang kaibigan...

Nakatingin ang mga kaibigan ko sa akin. "H-hindi... Magkaibigan lang kami ni Alejandro. "Sabi ko sa mga ito. Pero halatang hindi kumbinsido...pero hindi na ako nagkomento pa... Hindi sila papatalo sa akin kahit anong mangyari.

"Classmate! Wala daw si mam may meeting daw ang Math Department! Uwian na!" Masayang sigaw ng class mayor namin ibigsabihin kasi nun next week na kami maglolong test sa major namin! Tapos long weekend pa dahil walang pasok ng Lunes... Next week pa naman ang schedule ng group namin sa community service sa NSTP...

"So pati last period natin wala ! " Ani Elle sa masayang tinig.

"Nagtext na din ata si sir kay Yam... Wala din daw tayong History of Math mamaya. " Ani Lucille na natutuwa.

"Shit! Naiwan ko phone ko sa loob ng room... Wait." Tarantabg sabi ni Jade at bumalik sa classroom namin kanina.

"9am palang... Uuwi na kayo?" Tanong ni ate Fhey sa amin

"Uuwi na ako...dahil uuwi pa ako sa amin... " Sagot ko

Napatingin ang mga ito. Alam kasi nilang halos dalawang oras byahe namin patungo sa bahay ng parents ko.

"Okay sige... Ingat!" Ani ate Fhey.

Napatingin ako sa snackbox na bitbit ko... Ano kaya laman nito... For sure magtataka na naman si lola kung saan galing yung containers... Magsauli na naman ako next week.

"Uuwi ka na?" Napatigil ako ng marinig ang boses ni Alaric.

"Uhm...oo... May meeting mga prof e. " Sagot ko rito. "Aga nyo pumasok huh?" Tanong ko rito.

Sinabayan nya ako sa paglalakad pababa ng hagdan.

"Nagpasa kami ng plates kanina...deadline kasi ng 8am. "Aniya . "Di ba galing sina Al at Denver kanina dito?"

"Uhm...oo. hinatiran ako ng snacks galing kay tita George. " Sabi ko sabay taas ng container.

Nakita ko naman ang pagngisi nito na napapailing pa. "Paraparaan talaga. " Bulong nito.

"Huh?"

"Wala... Sinabi mo ba sa kanya na uwian nyo na?" Tanong nito sa akin.

"H-hindi. Kailangan ba?" Tanong ko habang nakatuon ang pansin sa dinadaanan.

Hindi ito sumagot kaya napatingin ako sa kanya... Nakita kong busy ito sa pagtetext. At tila natataranta pa.

Napatingin ito sa akin at ngumiti ng alanganin...tinago ang phone nya sa bulsa. "Si Jade pala asaan?" Tanong nito

"Naiwan sa taas...naiwan nya yung phone nya sa room kaya binalikan nya... Itetext ko na lang sya para sabihing umuwi na ko." Sabi ko sa kanya.

"Ah... " Anya.

Weird.

Tumunog ang phone nya... Agad niyang kinuha at binasa ang mensahe. "Shit." Mahinang mura nito.

Stavros 5: I Remember the BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon