"Lola..." Nakangiting bati ko rito pagpasok ko sa silid nito matapos kong dumaan sa clinic ni Doc Hedrick upang personal na alamin ang kalagayan nito. Alam kong may itinatago sina mama sa amin kaya naman nagtanong na ako sa mismong doctor.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko kanina mula rito...
"Doc, gusto ko lamang malaman ang tunay na kalagayan ng lola ko..." Kinakabahan kong tanong dito ng alamin nito ang sadya ko.
"Mrs. Stavros..."
"Ms. Montes, doc." Mariin kong pagtatama rito... May kalituhang tumingin ito kay Alejandro na tila ba naging buntot ko na mula noong sinundo nya ako sa Kabundukan. Dalawang araw ang nakakaraan.
Huminga ito ng malalim at tumikhim. Itinoon ang pansin sa mga charts sa mesa nito. "Ms. Montes-Stavros, hindi mo ba nakausap ang mga tita at tito mo o ang mama mo? Kung ano ang sinabi nila ay yon lamang din ang maaari kong ibigay sayo. Iyon ang bilin ng mga anak ng pasyente." Nakaramdam na ako ng kabiguan sa sinabi nito. Alam kong may itimatago sina mama sa amin at kailangan kong malaman iyon. Tumingin ako kay Alejandro kahit ayoko dahil desperado na akong malaman ang lahat. Nakita ko ang mariin nitong pagtiim ng kanyang mga labi tsaka malamig na tiningnan ang doctor tsaka tinanguan.
Inayos naman ng doctor ang salamin nito tsaka humarap sa akin na tila napapailing na lamang sa gusto naming mangyari. "This is against the protocol, Alejandro. You know that. Your brother will roast me alive. I might be send in the Disciplinary Committee because of this!" Anito kay Alejandro na tila wala lamang sa kausap.
"I am a fucking Stavros, Hedrick. And you are talking to my own Stavros. Just fucking give my wife the information she needed! This will be only between the three of us!" Mariin at malamig na utas ni Alejandro sa doctor.
"Fine. I will be prank to you, Mrs. Stavros, your grandmother's condition is deteriorating. Her heart is weak . Her blood sugar is too high. Being diabetic, some of his organs are not in good condition." Anito sa akin .
Tila pinipiga ang puso ko sa narinig mula rito. Ito yung tinatago nila sa amin... They wanted to shelter us from pain of knowing lola might leave us anytime soon... This hurts ...
BINABASA MO ANG
Stavros 5: I Remember the Boy
RomanceSo while the song still brings that certain glow And the words still sing of love I know It isn't quite the way it was before I remember the boy But I don't remember the feeling I remember the boy But I don't remember the feeling anymore