"Clara, tumawag ang mga pinsan no kanina ang sabi ay dito sila matutulog sa Biyernes para nakasabay sila sa inyo ni Josefa sa Sabado pag-uwi nyo sa inyo. Nag-quality time daw kayong magpi-pinsan... Hindi ka na daw nila nakasama simula ng mag-aral ka ng kolehiyo." Napatingin ako kay ninang ng sabihin nya iyon. Kapatid siya ni mama at wala itong asawa siya ang kasama ni lola sa bahay...
Huwebes na bukas at ibigsabihin nun ay full load kami ni Jade. Isang oras lang vacant namin at lunch time namin iyon. Magbabaon na lang kami ng snacks namin para hindi kami mahilo sa klase.
"Nang, ano pong sasakyan namin pauwi?plano kong doon na sana dumiretyo sa Biyernes pagkagaling ko ng university." Tanong ko at pinaglalaruan ko ang ballpen ko na gamit ko sa pagsosolve ng assignment namin sa Stat.
"Ipapahatid kayo ng lola nyo sa tito Jerick nyo bago pumasado ng tricycle nya. " Anito habang patuloy siyang nagliligpit ng mga kalat ng pinsan kong si Eula kanina habang naglalaro ito.
"Kakasya po kami roon nang? Paano po kung sumabay na lang sila kay ate Josefa nun at ako naman ay magcocommute sa Biyerness glaing university?" Tanong ko.
"Kakasya kayo roon. Yung iba nyong pinsan ay dadalhin ang mga motor nila kaya walang problema...maging si Ramon Jose ay uuwi rito noon. Minsan lang kayong makumpleto sa bahay, Clara. Namimiss iyon ng lola ninyo. Kaya sumunod ka na lamang." Anito at tinapos ang nililigpit na laruan...at pinanood ang teleseryeng paborito nila ni lola.
Napatingin naman ako kay lola na nakangiti... Alam kong natuwa siya sa konklusyon ng usapan namin ni ninang. Sa aming magpipinsan-pinsan ako at si kuya ang laging wala sa quality time naming mag-pipinsan...si kuya ay laging nasa malayo at ako naman ay ayoko ng masyadong maingay at umiinom. Tiyak na ganun ang plano nila sa Biyernes hangang sabado ng gabi.
Pinagpatuloy ko ang pagsasagot sa assignments ko. Napatingin ako sa phone ko nang umilaw iyon. May nagtext kaya kinuha ko.
From:Unregistered Number:
Hi! Alejandro here! Kinuha ko kay Alaric ang number mo.hope you don't mind?.
Nangunot ang noo ko dahil doon kasunod ng mensaheng galing kay Alaric
From :Alaric :
Good eve, kinuha ni Al number mo. Type ka ata nun. Haha.Napapailing na nereplyan ko ito.
To: Alaric:
Lol. Si Jade type nun.Sinave ko ang number ni Alejandro tsaka ko nireplyan.
To Alejandro
Ok lang. :)"Si ate Josefa mo, tawagin mo at sabihing umuwi na! Oras na at nasa labas pa! Kababaeng tao e!" Napapitlag ako dahil doon.
"Opo, nang." Iniligpit ko muna ang mga gamit ko sa Stat dahil natapos ko na iyon pagbalik ko ay ang assignment ko sa Advanced Algebra ang aasikasuhin ko para wala na ko problema sa Friday...
Lumabas na ako at pinuntahan ang ate sa bahay ng mga friends nya. Isa ito sa problema nina mama at tatay kay ate. Nabarkada ito. Hindi namin alam kung ano ang problema nya basta ang alam ko lang nagsimula ito noon 3rd year high school ako at ang dahilan doon ay ang ex nya. Kaya nga ayoko talagang magboyfriend e!Napahinto ako sa paglakad ng magbuzz ang phone ko ng tatlong beses.
From Alaric:
Ikaw lang hiningi number nun. Hindi yung mahilig magtext.To Alaric:
Adik. Issue ka. Lol.Binasa ko ang sumunod.
From Jade:
Clars, hindi ko get yung no. 2-4 sa Adv. Algeb natin! My gulay! T.T
BINABASA MO ANG
Stavros 5: I Remember the Boy
RomanceSo while the song still brings that certain glow And the words still sing of love I know It isn't quite the way it was before I remember the boy But I don't remember the feeling I remember the boy But I don't remember the feeling anymore